Chapter 29 *Kidnap Again? Ugh*

110K 717 23
                                    

--Edited & Revised--

Charlene's Point of View

"May announcement kami!" Sigaw ni Zairus kaya napatingin kami lahat sakanya. I raised my eyebrow when I noticed that Irene was linking an arm with Zairus. Ano meron? Hindi kaya--"Kami na ni Irene. Sinagot na niya ako!" Kasunod nun ay isang malakas na hiyawan galing saamin, well, mula sakanila dahil tahimik lamang ako na nakatingin sakanila. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Natutuwa ba ako o sadyang wala lang akong nararamdaman? Parang--Ah okay, O sige. Tapos?

Bigla naman akong inakbayan in Stephen dahilan para tignan ko siya, He looked at me and smiled then softly pinched my nose. "Ako kaya? May pag asa pa kaya ako?" I absentmindedly bit my lower lip at umiwas ako ng tingin sakanya. Ramdam ko na pinagtitinginan kami. "T-Tigilan mo nga ako" tapos tinanggal ko ang pagkakaakbay ko sakanya. Tumayo ako at agad agad lumisan habang rinig na rinig ko ang paghihiyawan nila, napailing ako.

Masyadong mabilis ..

Mabilis mabilis ang pangyayari saakin ..

Pagkatapos ako kinidnap ng sarili kong mga kaibigan ay nagulat na lang ako na nakaupo ako sa isang upuan at pinapanood si Stephen na mahimbing na natutulog sa baba (bale nasa second floor ako ng ware house nun) Gusto ko sana siya tawagin pero ang sabi saakin ni Irene ay wag ko siyang tawagin at panoorin ko na lamang siya kaya yun ang ginawa ko pero nagulat ako na lumabas si Zairus na may dala dalang palakol habang nakacostume pa siya na parang psycho killer tapos pinagpapatay niya yung mannequin na kamukhang kamukha ko dahilan para mag wild si Stephen at muntik ng patayin si Zairus at doon ko nalaman ..

Nalaman ko na matagal na pala akong mahal ni Stephen.

Napatakip naman ako sa mukha ko. Hindi ko talaga alam kung anong sasabihin ko sakanya, kay Stephen, masyadong mabilis kasi ang mga pangyayari eh, one minute ay may kasama siyang ibang babae (na kailan ko lang nalaman na pinapaselos lang pala ako ni Stephen which work) tapos malalaman ko na lang na nagco-confess na si Stephen habang muntik na niyang patayin si Zairus.

Sa totoo lang .. Masaya ako, masaya ako dahil pinapaselos lang pala ako ni Stephen, masaya ako dahil kaya niyang gawin para lang sa ikakabuti ko, masaya ako dahil muntik na siyang baliw ng hiwa-hiwain ni Zairus yung mannequin na kamukha ko, masaya ako dahil..dahil..mahal ako ni Stephen na ako lang ang nagpabaliw sa isang hambog na katulad niya..masaya ako, ang saya ko, I frowned. Ibig bang sabihin--Mahal ko din si Stephen?

Napatakip naman ako sa mukha ko. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili kong nararamdaman! I decided na bumalik na lamang ako sa rest house. Masyado na akong pagod sa araw na to. Habang naglalakad ay may tumigil na mga lalake sa harapan ko. Lahat sila ay nakasuot ng tuxedo habang nakashades pa sila. Wow. Hanep ng trip ng mga to. Gabing gabi, nakashades? Nakakakita pa kaya sila?

"Sino kayo? Wag niyong sabihin---Kikidnapin niyo ko?" Tanong ko sakanila. Nagkatinginan silang tatlo saakin sabay tingin saakin. Nagulat ako yung dalawang lalake ay hinawakan ang braso. "T-Teka---!" Takte! Baka nga may balak talaga ang mga to na kidnapin ako! "Hoy! Umayos kayo ha! Masyado na akong pagod. Bukas niyo na lang ako kidnapin!" sabi ko sakanila pero hindi nila ako pinakinggan at dinala nila ako sa isang itim na van.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon