Chapter 3 *Not So Good Morning*

194K 1.5K 70
                                    

--Edited--



[Charlene]



"Hey tabachoy!" Sino ba yun? Masyado namang epal eh. Ang sarap sarap ng tulog ko. I snuggled more on my pillow at mas lalo ko pa hinigpitan ang yakap ko sa unan ko, "Hoy Charlene!!" Parang gago naman tong unan ko eh. Ang aga aga, nagdadaldal na eh. Kitang ang sarap ng tulog ko. Pinikit ko na lamang ang mata ko.



Teka nga lang, Unan? Nagdadaldal? Si Mrs. Swiggles? Agad naman ako napatingin sa unan ko and I was shocked nang bumulaga ang pagmumukha ni Stephen sa harapan ko. Agad naman akong napaurong and hugged myself. "A-Anong ginagawa mo sa kwarto ko ha?! Walang hiya kang lalake ka! Hindi ka na nga lang kidnapper! Rapist ka pa! Yuuuuck! Hindi na ako virgin! Isa na akong maduming babae! Hindi na ako pwede---Aray!" Napahilot naman ako sa ulo ko. Batukan daw ba ako?



"Baliw! Wala tayo sa kwarto mo! tsaka rape? Asa naman na rereypin kita noh! Ni wala nga akong maramdaman diyan sa dibdib mo eh! Yung totoo? Bundok ba yun o puro flat lands lang?"



"Aba'y..Gago ka pala eh!" Agad ko naman kinuha ang pillow ko, Nakita ko naman na kumuha siya ng pillow at doon na nagsimula ang labanan namin. The pillow fight. Sinisimulan ko siyang sapak sapakin gamit ang pillow habang siya naman ay ganun din, Minsan pa nga ay tinutulak niya ako kaya naou-out of balance ako tapos doon siya kumukuha ng chance para masapak talaga ako ng bonggang bongga habang ako naman ay pinagsisipa sipa ko siya habang sinapak sapak ko siya gamit ang pillow.



"Walanghiya kang lalake! Ang kapal kapal ng mukha mo! Bakit, malaki yan sayo?"



"Hoy! Malaki tong junior ko noh! Eh sayo? Malaki? Kung hindi ka lang mukhang babae eh, Mapapagkamalan talaga kitang lalake!"



"Walanghiya kaaaa!!" At sinimulan ko na ang Charlene's combo. Nag dive ako sakanya kaya nasa taas ako habang nakaupo ako sa may bandang ribs na part niya then sinasabunutan ko siya habang siya ay pinagsasapak niya pa rin ako sa pillow tapos bigla naman siyang pumaibabaw at nagulat ako sa ginawa niya dahil ginugulo gulo din niya ang buhok ko gamit ang kanan niyang kamay habang yung kaliwa niyang kamay ay ni-lock ang dalawa kong kamay kaya wala akong magawa kundi mag paapi.



At dahil, feel na feel ko talaga na malapit na ako matalo ay sinipa ko siya sa may chest niya kaya napaupo naman siya at sinimulan ko na siyang pinagsasapak gamit ang pillow pero bigla siyang rumesbask saakin, Nagulat ako na kumuha siya ng isang mahabang pillow sabay pinagsasapak na din ako gamit ang pillow tapos tinakpan niya ang mukha ko ng kumot at dinaganan niya ako habang ako naman ay sinusuntok suntok ko ang ribs niya.



"Ang aga aga, Action na ang nakikita ko" Sabay naman kaming napatigil. I removed myself from the blanket at nakita ko si tita na nakaupo sa may dinner table habang kumakain ng breakfast. I looked around at oo nga noh, It was not my room but it was the living room. Tinignan namin ni Stephen ang isa't isa, Sobrang gulo ang mukha naming dalawa para kaming dinaanan ng bagyo which really is.



"K-Kanina ka pa diyan ma?" Stephen mustered asking his mom.



"Yup, Ang cute niyo nga tignan eh. Ang cute niyo mag away, Kulang na nga lang ay magdala ako ng camera" She laughed. "Sabayan niyo ako dito kumain, Mas masaya kapag may kasabay ka habang nakain lalong lalo kapag breakfast" Wala naman kaming magawa kundi umupo, Katabi ko si tita na kumain habang kaharap ko naman si Stephen.



Sumandok naman ako ng sangag na rice then I decided to take the last bacon on the plate. The last big placon on the plane. I licked my lips at tinidor ko na ang bacon na bigla na lang may isa pang tinidor na lumapat sa bacon. It was Stephen. Masama ko naman siya tinignan at pilit ko kinukuha ang bacon at ganun din siya kaya survival of the fittest kaming dalawa.



Palakasan kung sino makakahila ng bacon. Kung marunong lang siguro kami mag usa via our mind ay baka nagsisigawan na kami sa loob ng utak namin. Pilit namin inaagaw agaw ang bacon ng biglang may isang kamay ang pumagitna sa tinidor at nakita ko na kinuha ni tita ang bacon and she ate it.



"T-Tita---"



"Thank you for the food" Pinagsalikop niya ang dalawa niyang kamay. She bowed then stood up at agad na umalis. Okay. What the actual fudge happen?



****


Shet. Nagugutom na ako. Ano ba ang masarap na kainin na meron sa fridge? Meron bang biscuits? Ay wag na lang yung biscuit. Nauuta ako doon. Eh kung muffin kaya? Hmm. Ayoko. Isa pa yun na nauuta ako eh. Then, I remembered na may si-nave ako na chocolate cake na dala dala ni tita.

I quickly got up at pumunta ng living room. Saktong sakto naman na nakita ko si Stephen na kumakain ng chocolate cake. "Gusto mo?" Tanong niya. Umiling naman ako at sinabi kong meron na ako, I opened the fridge at kumunot ang noo ko dahil wala yung slice ng chocolate cake ko.

Nasaan na yun? Napakamot naman ako sa ulo ko. Alam ko meron talaga akong si-nave eh. Napatingin naman ako kay Stephen na sarap na sarap na kumakain ng chocolate cake. Kung nawawala yung chocolate ko, Ibig sabihin..."Walanghiya ka talaga Stephen!"

Agad agad ako lumapit sakanya at inagaw ang chocolate cake. "Bakit mo inagaw yung chocolate ko?!"

"Chocolate cake mo pala yun?" Tapos kumuha pa siya ng isa sabay kain. "Oops" Then he smirked at me. Napayukom ko naman ang dalawa kong kamay and I was about to punch him when--

"Oh! Oh! Mag aaway nanaman kayong dalawa" Napalingon naman kaming dalawa at si tita pala. May dala dala siyang mga maleta.

"Saan ka pupunta ma?" - Stephen

Ngumiti naman si tita. "Correction. Saan tayo pupunta?" Nagkatinginan naman kaming dalawa then I shrugged. "Pupunta tayo ng Tagaytay!!" 

Seriously? Tagaytay?

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon