Lander and Leslie Side Story 6

47K 283 5
                                    

"Woah, I didn't know na grabe grabe na pala ang nagawa niyong business, I'm so proud of you guys!" Leslie exclaimed to Yuki habang nililibot niya ang paningin niya sa lounge ng resort ni Yuki at Renz. Sobra talaga siyang nagulat nang nalaman niya na sila pala ang may ari ng resort na matagal na matagal na niyang gusto puntahan. Noong una niyang kita sa dalawa, They were just pair of teenagers na kapwa in-eenjoy ang teenage life but now, they were one of those bigtime business persons.

"You should be more proud to Renz dahil mostly siya ang gumawa dito sa resort na to, He treated this resort like a baby kaya nga minsan medyo nagseselos ako sa resort na to eh but I'm super proud of him" Yuki rolled her eyes and Leslie just chuckled and sipped her Pineapple juice. "By the way, How's your job? Mukhang stress na stress ka ngayon ah!"

Now it was Leslie's turn to roll her eyes. "I know right? Minsan pa nga, Nakakakuha ako ng malulutong na mura galing sa mga kasama ng pasyente kapag nalalaman nilang patay or hindi muna magigising dahil comatose. My god. Alam ko namang nahihirapan sila pero tama bang ipagbuntungan saakin yung galit? Sinabi ko naman lahat eh" Naiinis na reklamo ni Leslie. It was really hard to be a doctor. Nakakuha ka nga ng isang magandang trabaho pero one bad move, kung ano ano nang sasabihin sayong masasakit na salita.

"Naku, masanay ka na! May ganyan talagang mga tao" Ngumiti na lamang si Leslie. Bigla naman tumunog ang phone ni Yuki. Tinignan ng dalaga ang phone nito and immediately closed it. "I better go ate Leslie, Nag calling calling na ang honey bunch ko eh. Babooo ~" Tumayo naman ito at agad agad ng umalis.

She laid back to her seat and looked at the scenery outside. Mamayang gabi na siya magswiswimming kung saan konti na lang yung mga tao. Ayaw niya sa maraming tao dahil mas lalo pa siyang maiistress. Ipipikit niya sana ang mata niya when she heard someone called her. "Leslie?" Napadilat naman siya and was surprised that Lander was standing infront of her.

"A-Anong ginagawa mo dito?"Tanong niya sa binata. Agad agad kasi umalis si Lander sa coffee shop, not bothering to even get his order kaya siya na lang mismo ang kumuha at talagang hinintay niya ng dalawang oras si Lander sa apartment nito pero hindi na ito bumalik. Ayun tuloy, napilitan siyang iwan yung coffee sa labas ng apartment nito.

"Taking a break from all the problems"So, parehas pala ang sitwasyon nila ngayon. Sadyang pinaglalaro talaga sila ng tadhana ngayon. Ayaw niya sana makita si Lander ngayon dahil nga ang isa pa niyang reason ay gusto niya isipin kung aamin nga ba siya kay Lander o hindi. "Can i join you?"

"S-Sure?" Alinlangan niyang sagot pero hindi naman yata napansin nito ang tono niya dahil umupo ito sa harapan niya and ordered an Apple juice, his favorite drink aside Cafe Latte. "Eh ikaw? Bakit ka nandito?"

"Ganun din, taking a break from all the problems, medyo stress kasi ako eh"

"Hmmm. Sa job mo?" Tumango naman siya. "Well, it's hard to be a doctor. One bad move ika nga nila ay mawawalan ka na ng trabaho, makakasuhan at makukulong ka pa" 

"Oo nga eh, Hindi ko nga alam kung bakit ko kinuha tong trabaho na to" Pagak siyang tumawa.

"Anong hindi mo alam? Diba sabi mo saakin ay kaya magdo-doctor ka dahil gusto mo makatulong sa ibang tao?" Napatameme naman siya. Oh yeah, nasabi na nga niya sa binata na gustong gusto niya makatulong sa mga tao, gusto niya alagaan at pagalingin ang mga tao, gusto niya bigyan ng isa pang buhay ang mga ito, sinabi niya lahat yun kay Lander. Noong sila pa.

Ngumiti naman siya ng pilit. "Oo nga pala" Tipid niyang tugon and looked away.

"Gusto mo bang maglakad lakad? Tignan mo doon oh, Mukhang may show doon, Want to look?" Lander asked her. Lumakas nanaman ang tibok ng puso niya. Sabi nito ay titignan lang ang show pero bakit ba feel niya na parang mag de-date sila? Oh god. Feel niya ay parang bumabalik nanaman siya way back high school. Then she nodded.

Living with Him (Revised)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon