Chapter 6

503 32 4
                                    

Chapter 6



We gathered the residents near from Maria's place, especially their neighbors lalo na at naka compound ang mga bahay dito. We asked the barangay's assistance when Regan held a short seminar about the Dos and Don'ts in managing dengue patients. Straight to the point ang lecture na in every word that comes out of his mouth ay mapapa-kinig ka talaga.

After the lecture, we encouraged everyone to participate in the clean-up drive. We made sure na walang kakalat na pwedeng maging breeding sites ang mga lamok.

Nung una nakikipag tigasan pa ang iba sa amin dahil ayaw nilang itapon ang mga gulong na nakatambak sa labas ng bahay nila dahil iyon daw ang ginagawa nilang pabigat sa bubong tuwing may paparating na bagyo. We persuaded them to keep it inside their homes instead dahil mas delikado kung makakapag ipon ng tubig ang mga gulong na pwedeng bahayan ng lamok, lalo na at maulan ang panahon ngayon.

"Ewww!" Napa-iling na lang ako kay Nova sa giilid na tumatakbo habang tumitili dahil nakaapak siya sa putik.

Haaaay, akala ko tuloy tae.

"Bakit ka ba kasi nagpa-iwan?" Tanong ko habang nililinisan ang sapatos ko na nilubog niya sa putik. Buti na lang yung swelas lang at di yung buong paa niya ang lumubog. Sumisinghot naman siya habang parang bata na nakaupo sa gilid at hinihintay akong matapos.

"I'm not comfortable with anyone naman kasi. Gusto ko magkasama lang tayo, eh you chose to stay kaya wala akong choice." Maluha-luha niyang sabi. Gusto kong matawa sa itsura niya kaso kawawa naman.

"Doc. Crivelli." I immediately turned when Regan called my name. Hindi nakatakas sakin yung malisyosang tingin ni Nova habang sinusuot kunwari yung sapatos niya.

"Yes, Doc?" He pursed his lips and looked at Nova with furrowed eyebrows before he looked at me again.

"Can you come with me for a sec?"

Sumunod naman agad ako sa kanya. Inirapan ko lang si Nova na tinataas-baba ang kilay sa akin pag talikod agad ni Regan.

"May problema, doc?" Umiling siya.

"The LGU is sending some nurses to continue what we've started. We've done our part, it's now up to them to investigate the dengue cases." Napanganga ako. Kanina pa pala siya nakikipag coordinate kaya pala palagi siyang may kausap sa phone. Lima lang kasi kaming pumayag na magpaiwan.

"That's good!" Masiglang sabi ko sa kanya. He blinked twice as he looks at me so I cocked my head to one side and curiously looked at him. "Bakit, doc?"

He cleared his throat then looked away. Napansin ko din na namumula ang tenga niya.

"Pwede na kayong magpahinga. Bukas ng umaga susunod na tayo kung nasaan ang iba." I nodded my head at aalis na sana kaso bigla siyang nagsalita. "Thank you, Tori." I looked back at him and his usual frown on his face was replaced with a shy smile. "I couldn't have done it without you."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon, tumalikod na siya kaagad at naglakad palayo. Naiwan akong nakatulala at nakanganga habang sinusundan siya ng tingin.

"My, my, my... Regan looked shy, huh. Close your mouth nga Tori, you're so nakakahiya." Hinawakan pa ni Nova ang baba ko upang isara ang bibig ko habang pinagtatawanan ako.

When night came, we decided to just stay at the small evacuation center. Since it was only the five of us, the barangay officials has provided us folding beds. Akala nga namin matutulog lang kami ngayong gabi kaya nagulat ako nang tawagin kami ni kapitan.

Paglabas namin may isang mahabang lamesa sa labas at may mga nakalapag na pagkain. Naglagay din sila ng mga ilaw na nakasabit sa itaas. Sa isang banda naaamoy namin ang usok ng barbecue na niluluto. Sa dulo ng lamesa may video oke.

Nahihiyang lumapit sa amin si Kapitan. "Pagpasensyahan niyo na ang nakayanan naming pagkain. Nagkanya-kanya kaming ambag para magpasalamat."

We looked around and saw the barangay officials and some residents smiling at us.

"Nabanggit sa amin ni Kap 'yong naging usapan bago niyo sila napapayan na magpaiwan kayong dalawa. Sobra ang pasasalamat namin sa tulong niyo." Sabi pa ni Tatay Raul na naging pamilya ko sa loob ng tatlong araw dito sa barangay.

We all enjoyed the food together through a boodle fight and we stayed a bit more for the drinks. Nakakatawa dahil kwatro kantos gin na nilagyan ng isang pirasong lemon ang iniinom namin. First time kong iinom nito, medyo natatakot ako na na-excite.

"Tori, seryoso ka ba talaga na you're drinking that?" Nova said as she disgustingly eyed the shot glass in my hand. I smiled widely at her. Palibhasa ang weak, isang beses lang tumagay.

"Oo, naman! Ayos kaya!" Nagsipag tawanan naman ang mga kainuman ko. She rolled her eyes.

"I'm going back to my room na." Maarteng sabi niya at saka tumayo at naglakad pabalik ng evac center. Kung maka-room akala mo naman tig-iisang kwarto kami dun, eh hindi naman.

Maya-maya ay sumunod na ang ibang kasama namin upang matulog na.

"Alam mo, doc, hindi namin akalain na ganyan ka. Akala namin dati maarte ka." Tinawanan ko yung sinabi ng isa naming kainuman. Medyo nararamdaman ko na rin na bumibigay na ang talukip ng mga mata ko.

"Maarte ako, mas maarte lang talaga si Nova." I pointed at the evacuation's direction using my thumb. Nagsipag-tawanan naman kaming lahat.

"Swerte ng mapapangasawa mo, doc! Aba'y maganda na mabait pa." Sabi ni Kap.

"Matalino pa!" Sabat naman ng isa.

"Wag niyo akong purihin masiyado, lalo ka na, Kap. Baka kumandidato akong kapitan dito pati ikaw bumoto sakin." Tinawanan lang ako ni Kapitan. Aba, confident yata siyang di ko siya matatalo. Competitive pa naman akong tao. 'Pag ako nagpatayo ng bahay dito lagot siya!

"Wag niyo ngang pinagti-tripan si Doc Tori. Doki, alam mo to?" Sabi ng isa sabay abot sa akin ng microphone. Pano kanina pa siya kumakanta akala mo concert niya ang ipinunta namin dito. 

Syempre Dancing Queen yan ng Abba kaya alam ko yan. Isa yan sa favorite ni Grandma.

"Ako pa ba? Kahit pikit pa!" Ngumiti ako nang malapad at inabot ang microphone. Nagsimula akong kumanta.

"Yown!" Naghiyawan sila nang magsimula akong tumayo at maglakad papunta sa harap. Last night naman na ngayon. Todo na to!

Nagsimula akong sumayaw habang kumakanta. Sinasabayan pa nila ang kanta ko kaya mas lalo akong ginanahan. Pang concert level na talaga to! Hindi ko na rin alam kung anong step ang ginagawa ko basta sayaw lang ako ng sayaw. Feel na feel ko pa nga na ako si Beyonce.

Hanggang sa napapikit ako nang napatid ako ng wire ng microphone at natumba sa taong nakaupo sa malapit sa kung saan ako sumasayaw. I unintentionally sat on someone's lap! Nang buksan ko ang mga mata ko, nakita ko ang gulat na mukha ni Regan.

Our face were so close that I can feel his breath on my face. Ang mga braso ko nakapalibot sa leeg niya, habang ang mga kamay niya ay nakahawak sa likod ko upang tindihan at hindi ako mahulog. I saw him swallowed as we still stare in each other's eyes.

"Okay ka lang?" He asked after what felt like so long, but instead of answering his question, I found myself vomiting on his chest and the last thing I heard was the sound of the video oke machine announcing my score. After looking at the screen I looked at Regan and grinned. Akalain mo yun? 100 pa!

Just Some Random GuyWhere stories live. Discover now