Chapter 7

556 39 4
                                    

Chapter 7



Nakayuko at nakatakip ang mga buhok ko sa mukha habang nakasiksik sa pinaka gilid ng kotse. My head's still spinning for having a terrible hangover, worse, I remember what happened last night. Kung paano ako sumayaw  sa harap ng mga tao at sumuka sa damit ni Regan. Inumpog-umpog ko ang ulo sa kotse nang maalala ang sobrang kahihiyang pinag gagagawa ko.

Maya-maya lang ay sasakay na rito sa kotse si Regan, at ang masaklap, ako lang ang kasama niya dito sa kotse niya.

It was already afternoon when I woke up. Nagulat ako kanina pag gising ko dahil wala na 'yong mga kasama ko pati ang mga gamit nila. Tumakbo pa ako palabas ng building nang hindi man lang inaayos ang sarili ko sa sobrang gulat. Paglabas ko, nakita ko si Regan na kausap ang mga taga-LGU.

Okay lang sana kung iniwan nila akong mag-isa, pero hindi, eh. They left me here, alone, with Regan na sinukahan ko kagabi! They just chose violence over peace, I swear!

I texted them and they told me na nauna na raw sila kaninang umaga sakay ng service na sumundo, habang ako raw kay Regan na lang sasabay dahil hindi ako nagigising kanina. I texted Nova and she just told me to enjoy my ride with Regan. Traydor!

I immediately shut my eyes and pretended to be asleep as I saw him walking towards the car. Pinakiramdaman ko lang ang bawat galaw niya. Ang pag sakay niya at ang pag buhay ng makina ng sasakyan.

Napakapit ako nang mahigpit sa damit ko nang maramdaman ang katawan niya na malapit na malapit sa akin. I felt his breath slightly brushed my face when he took the seatbelt on my seat to fasten it over my body.

"Did you take the meds that I left beside your bed?" he asked as I felt the car moving. Hindi ako sumagot. Sa kanya pala galing 'yung ibuprofen na ininom ko kanina. "I hope you did. It'll help for your hangover."

Bakit ba ako kinakausap nito? Kita na ngang nagtutulog-tulugan 'yong tao!

Hindi ko na siya narinig na nagsalita ulit kaya sa sobrang pikit ko, nakatulog na nga ako ng totoo. Nagising lang ako nang marinig na magsara ang pinto ng kotse. Pagbuklat ko ng mga mata ko nakita ko si Regan na naglalakad palayo. Lumabas pala siya ng kotse. Baka naiihi? Sumilip ako lalo at nakitang pumunta lang naman pala siya sa tindahan.

Pumikit ako ulit nang makabalik siya. Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Bakit kaya hindi pa kami umaalis? Gusto ko sanang silipin siya kaso baka mapansin niya na nagpapanggap lang akong tulog.

Maya-maya pa, narinig kong bumukas at nagsara ulit ang pinto ng sasakyan. Binuksan ko ang mga mata ko dahil akala ko lumabas siya kaya laking gulat ko nang makita siya na nakatitig sa akin.

"Tutulugan mo ba ako buong biyahe?" His brow was arched and he has this amused look on his face as he stared down at me. Sa sobrang panic, nagpanggap akong humikab at nag stretching.

"Grabe, sa sobrang galing mo mag-drive ang sarap ng tulong ko. Kakagising ko lang. As in, ngayon lang talaga." Halos mapangiwi ako sa sarili ko. Sa'n napunta talino mo, Tori?

"Aahhh," he said while nodding his head. A ghost of smile was on his lips that made me feel more embarrassed. Inabot niya sa akin ang isang plastic na may lamang isang supot ng tinapay at juice bago sinimulan ulit na magmaneho. "You should eat. Hindi ka raw nakakain ng maayos kaninang lunch. Hindi ka rin nakapag breakfast."

I pursed my lips to prevent myself from smiling. Hmph, pa-fall!

"Anong tinapay 'to?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang isang supot ng tinapay. Maliit na medyo matigas ito na may palaman na kulay pula. Nagkibit-balikat naman siya.

Just Some Random GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon