Chapter 5

2.4K 105 15
                                    

Chapter 5


"Hindi pwede, kasi mahuhuli tayo sa schedule. Paano naman yung mga tao sa ibang munisipyo na umaasa sa medical mission natin? Let's just leave it to the proper authorities. The LGU should be taking actions by now if you had really reported it." One of the doctors said.

"Are you going to sacrifice the life of the people at stake here for the sake of schedule?" Sumimangot ang doctor dahil sa sinabi ni Regan. Napahilot ako sa sentido sa sobrang stress. Kanina pa hindi matapos-tapos ang meeting na to dahil sa sagutan ng dalawa.

We are having a meeting for the doctors and organisers because Regan wants to extend our time here for at least two days para maalalayan ang mga taga dito tungkol sa dengue. It turns out, two people nearby also has a high fever.

Maria's case was confirmed to be dengue. We're now awaiting for the other two, but it's very likely to be dengue as well because of the symptoms.

Problema ito dahil hindi lahat may pera pang paospital. At isa pa, masiyadong malayo ang hospital dito.

The other doctor, Dr. Monte, wanted us to move forward because our next destination is the place where she grew up. She doesn't want us to be late. Masisira daw ang reputation niya dahil nakapag pangako na siya sa mga kababayan niya. I can't believe she's still thinking about her reputation, habang may mga taong nanganganib ang buhay dito.

"But schedule is schedule. It is not our responsibility to—"

"Anyone who seeks medication is a doctor's responsibility. And we are a doctor. We made an oath. Right, Dr. Crivelli?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Regan. Everyone in the room turned their head on my direction. Nakita ko din kung gaano kasama ang tingin sa akin ni Dr. Monte.

Teka lang naman. Bakit ako nadamay dito? Nanahimik ako dito sa gilid habang nag do-doddle tapos biglang idadawit ni Regan ang pangalan ko! Hindi ako makapaniwala na gagamitin niya yung linya ko pabalik sa akin.

"Y-Yes, sir—I mean, Doc. Yes, Doc." Sunud-sunod na tumango ako. Tinignan ko ang mga tao sa loob ng kwarto at lahat sila nakatingin pa rin sa akin na para bang nag aabang ng sunod kong sasabihin. I cleared my throat. "Uhm, what if we assign at least 10 people to stay?"

"We only have 65 volunteers here, Dr. Crivelli." Seryosong sabi ni Dr. Monte.

"Yes, you have 65 volunteers including me, but that 65 doesn't include the 15 organizers. We are 80 people in total and 20 of us are doctors." My eyes scanned every faces in the room. "Hindi naman siguro makakasama kung may at least sampung maiiwan dito?"

Hindi sila nagsalita. Palibhasa mga ayaw gumalaw. Sa 15 na organizers siguro wala sa sampu ang totoong gumagalaw dahil ang iba tumutuloy naman talaga sa maliit na hotel sa malapit na city at pumupunta lang kung kailan nila gusto. Clearly they are only here for their name and not for their sincerity to help.

Dr. Monte sighed and massaged her head before he looked at Maam Carol who was silently listening and observing us.

"What do you think?" She asked Maam Carol. She twitches her mouth to the side like she's thinking.

"I think Dr. Crivelli's idea wasn't so bad." She looked at me, smiled and then nodded her head once. I smiled back. Tumingin siya kay Dr. Monte na napapikit lang. "We'll go with her plan and leave ten people here, but the only people who will stay are those who are willing. Hindi tayo mamimilit or mag a-assign ng maiiwan dito. Tell everyone that we will be holding a meeting later to ask who wants to join Dr. Crivelli and Regan. That's it for now."

Did she just say na maiiwan ako kasama si Regan? Hindi ko alam kung dapat ba akong ma excite o matakot? Lalo na at alam ko kung gaano kasungit si Regan pag dating sa trabaho. Tapos kaming dalawa lang ang doctor na maiiwan.

"Teka—" Magsasalita pa sana ako kaso nagsitayuan na sila at palabas na ng opisina. I pouted and sighed as I sat down on my chair again.

"Thanks." Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Nandoon pa pala si Regan. I scowled at him.

"Kailangan ko ba talagang maiwan kasama ang masungit na gaya mo?" Sabi ko habang nagkakamot ng ulo. His lips lifted to one side preventing himself from smiling. Pero hindi ako natutuwa kahit na napapangiti siya dahil alam kong sa mga susunod na araw sasakit ang ulo ko dahil sa kanya.

"You don't actually have a choice. It was your idea." Ako lang ba o parang may halong pang aasar yung boses niya. Tinignan ko siya ng masama.

"Kasalanan mo to, e! Dinamay mo pa ko. Nananahimik ako. Now you're stuck with a newbie in the medical field." Ready na ba ang tenga ko na makarinig ng sunud-sunod na sermon?

Regan walked slowly forward until he's in front of me. He bent down so his face levels mine. My eyes widened. Ang lapit... super lapit ng mukha niya sa akin. Itinaas niya ang kamay niya at ipinatong sa ulo ko bago siya ngumiti.

"I don't mind." He said. Still with that handsome smile on his face. Pagkatapos ay tumayo na siya ng tuwid at naglakad palabas.

Napakurap ako at saka ko lang napakawalan ang hininga ko na hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala. Napahawak ako sa ulo ko na hinawakan ni Regan habang nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas.

Ano daw? He doesn't mind? ang alin? Ang ma stuck dito na may kasamang newbie? O ang ma stuck dito... kasama ako?

"Why are you tulala ba diyan? Are you pregnant na ba from what happened the other night with Regan?" Bored na sabi ni Nova habang nagpipipindot sa cellphone niya. Hindi na talaga siya natigil sa pang asar sa akin simula nung gabi na iyon. Inirapan ko siya.

"Tigilan mo ako Nova. Wala ako sa mood." She chuckled kaya naman inirapan ko siya ulit yung abot hanggang universe talaga. I sighed and it made her one eyebrow rise.

"Seriously, what's the problem ba?" Ibinaba niya ang hawak na phone at humarap sa akin. Since wala naman akong ibang makaka-usap dito nag decide ako na kakausapin ko na si Nova.

"Halimbawa may sinabihan ka ng linya na 'Now you're stuck with a newbie in the medical field.' Tapos yung kausap mo ang sabi 'I don't mind.' Ano sa tingin mo yung ibig sabihin?" Kung kanina isang kilay lang ang nakataas sa kanya ngayon dalawa na.  Her lips are pressed together like she was preventing herself to smile. I gave her a deadpanned face. "Nevermind."

Hindi na niya napigilan ang matawa kaya wala na akong pakealam kung mahanginan ang mata ko kaya inirapan ko ulit siya. Nahalata yata niya na naiinis na ako kaya pinaseryoso na niya ang mukha niya. She cleared her throat before she spoke.

"Well, it may mean that he doesn't mind getting stuck with you."

"Talaga?"

"But it may also mean that he doesn't mind getting stuck with a newbie dahil magaling naman siya. So he can do all the work." I pouted. Akala ko pa naman nasagot na yung tanong ko. "Ano ba yung face ni Regan nung sinabi niya iyon?"

"He was—" I stopped as I realized that she mentioned Regan's name and she laughed so hard that she wiped a tear from her eyes. Ang galing lang nito maging kaibigan? Nakakaasar. "Bahala ka sa buhay mo."

Tumayo na ako para iwan siya pero hinawakan niya ako sa braso at pinigilan. Kung lalaki siya iisipin ko na sana na scene to sa isang romantic korean drama. Ganon ka intense ang pag pigil niya sa akin.

"I'm sorry, I'm sorry." She said still laughing. "Ang cute mo kasi, e. Hindi ko napigilan." Tumayo na din siya at tinignan ako. "I really like you, Tori. I really wish you could be my sister. From now on you have me vote."

She said and she winked at me before she left. Vote? Sa ano? Wala naman akong balak mag presidente ng Pilipinas.

Just Some Random GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon