Prologue

5.8K 179 8
                                    

Prologue


Bigla akong napatakbo palabas ng veranda nang makitang magsidatingan ang mga macho dancer ng party para dito sa bridal shower ng pinsan ko. Walang hiyang Rio iyon! Iniwan ba naman ako dito mag-isa! Buti pa siya ang bilis na nakalabas.

I should be studying right now for my exams next month! Yet, here I am. I sighed and looked in front of me.

I found myself enjoying the scenery. Sobrang ganda ng lights. The moon and the stars were actually seen in the sky. I suddenly felt the beauty in the ambiance. Even the city lights are pretty tonight. I hugged myself and I closed my eyes as I felt the cold wind brushed against my skin.

Agad kong ibinuklat ang mga mata ko nang marinig ang tunog ng sliding door at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaki na nakatayo sa gilid.

He is... wearing a mask. His long sleeves shirt button is halfway open so I can see a portion of his muscular chest. Ang gulo din ng buhok niya.

Isa lang ang ibig sabihin nito... Macho dancer siya! I balled my fist in front, ready to punch him anytime. Baka manyak pa to!

"Whatever you're thinking, don't... hindi ako interesado. Nakikita mo ba itong position ko ngayon? Isang sipa ka lang sakin. Black belter ako ng taekwondo." I threatened him.

His face remained passive like he's unimpressed to see me here.

"Swerte mo kung sayawan kita." He said in a very dead tone. He walked past me and sat on one of the chairs. My brows arched.

Wow ha? Sasayaw na lang choosy pa siya? Rich kid ba 'to?

"Bakit ba nandito ka? Di ba binayadan ka para sumayaw dun?" I moved the curtain a little to take a peek of what's happening inside and immediately regret it.

Napangiwi ako at sinubukang burahin sa inosente kong isipan yung nakita ko. Ang hahalay grabe! Naghuhubaran na sila sa loob!

He ignored me and instead of answering, he removed his mask and laid it on the coffee table. My lips parted as I saw how good looking he is. He combed his straight hair using his fingers before he stood up and looked down at the city lights below us.

Pogi sana pero mukhang masungit. Dalawang klase lang naman meron ang mga lalaki; yung mga friendly kuno pero balak ka na palang landiin at yung tipo na pa seryoso at mysterious effect sa mga babae. Feeling ko siya yung huli.

"Tapos ka na?"

"Ha?" Wala naman akong ginagawa nung dumating siya tapos magtatanong siya kung tapos na ako. Tumingin pa ako sa paligid dahil baka may ibang tao siyang nakikita na hindi ko makita. Natakot tuloy ako bigla.

"Are you done judging me?" Nanlaki ang mga mata ko. Hala? Mind reader?

"Luh, di kaya kita jina-judge." He side glanced at me and one of his brows lift. Bigla akong nag iwas ng tingin. "Hindi nga. Hindi nga sabi."

Nagkibit balikat lang siya at hindi na siya ulit nagsalita. I don't know why I feel like my feet are glued to the ground because I kept on watching him kahit nakatulala lang siya sa kawalan.

He took out a cigarette stick and a lighter from his pocket.

"Fuck." He muttered under his breath when he realized na luntay na yung yosi niya. "Do you have a cigarette?" He asked me.

Umiling ako. He cursed again and threw it from the veranda. Natahimik kami ulit ng sandali.

"Don't you think it's bad for your health?" Tanong ko at naglakad upang sumandal din sa glass railings. Nag iwan ako ng isang metrong layo sa pagitan naming dalawa. Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. "Yung paninigarilyo."

Just Some Random GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon