Chapter 33

4.3K 80 19
                                    

“Sige po Nay!” nagmamadaling paalam niya sa matanda matapos nitong sabihin kung saang Ospital dinala ang binata.

“teka lang anak, sandali lang…” tawag pa nito sa kanya pero hindi niya ito pinansin, sa katunayan, meron pa itong sinasabi pero dahil sa pag-aalala sa kalagayan ng binata ay hindi niya na ito napakinggan.ng mabuti. Hindi na rin siya makapagmaneho ng maayos dahil sa matinding panginginig ng kamay pati na rin ng buong katawan. Hindi niya kasi mapigilan na hindi kabahan lalo na kapag naaalala niya ang nangyari sa binata, samo’t saring negatibong kaisipan na rin kasi ang pumapasok ngayon sa isip niya.

“Lord please take care of him! Huwag niyo pong hayaang may mangyaring masama sa kanya.” Mahinang usal niya bago niya pa mamalayang nasa tapat na siya ng Ospital. “Miss!” tawag niya sa babaeng nasa information counter habang patuloy ang pagkagat sa ibabang labi, ito ang madalas niyang gawin sa tuwing kinakabahan siya.

“Yes?”

“Ahhh!!! Meron ba ditong –“ bigla namang nag ring ang teleponong nasa tapat nito.

“Just a minute maam!”

“Ahmmm…ne-never mind, ako na lang ang hahanap.” Natatarantang dagdag niya pa sabay takbo papuntang emergency room. Mabuti na lang at maliit lang ang Ospital kaya hindi siya mahihirapang hanapin ito.

Then there he is lying in one of those hospital beds. Lumapit siya dito saka marahang hinaplos ang pisngi nito. “Babe…” may bikig sa lalamunang tawag niya dito. “Babe it’s me. Babe, alam ko na ang lahat, yung tungkol sa Daddy mo, yung tungkol sa pag-alis mo, pati na rin yung tungkol kay Cobbe. Alam ko na ang lahat ng yun babe and I’m sorry, sorry kung hinusgahan kita, kung pinagdudahan kita, sorry sa mga nasabi ko sayo. Babe…” Hindi niya na napigilan pa ang sarili at tuluyan na siyang napahagulhol. “Babe naman oh, para naman akong tanga dito. Babe wake up please! Wake up na. Baby boy ko, RJ ko, Gege ko, Babe ko. Diba gustong-gusto mong tawagin kita ng ganun? Babe, miss na miss na kita kaya please naman oh, gising ka na. Promise, lahat ng gusto mo susundin ko.”

“talaga?”

“oo” umiiyak pa ring sagot niya sa kung sinuman na nagtanong sa kanya.

“promise?”

“oo nga…”

“o sige nga, kiss mo ko sa lips!”

Wala sa loob na pinunas niya ang namamasang pisngi at akmang hahalikan niya na ang binata ng mapagtanto kung sino ang kanina pa nagsasalita. “Ge-Gerald?” sabay tingin sa binatang ngayon ay ngiting-ngiti sa kanya.

“O? asan na yung kiss ko?” bumangon ito sabay pout pa ng lips. Pero sa halip na halik, isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya dito.

“I’m sorry! “  umiiyak pang sabi niya.

Kumawala ito mula sa pagkakayakap niya saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya. “you don’t have to say sorry, I should be the one asking for that. Sorry, sorry kung may nagawa ako, kung may nasabi ako, kung nasaktan kita, sorry sa lahat-lahat. Babe I’m sorry but please, please don’t leave me.” Umiiyak na ring sabi nito. “Huwag ka ng umalis, huwag ka ng pumunta ng Paris, please…” nagsusumamo ang matang dagdag pa nito.

“Then tell me why? Why do I have to –“

“Because I love you!” mabilis na sagot nito na lalong nakapagpaiyak sa kanya. “I love you so much, I love you not for what people say if they see me with you, what I’ll be feeling when you touch me, but I love you for what I can make you feel, the happiness I can give to you. I love you to the point where hurting means loving, and loving doesn’t have to something I feel.” Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya at ninamnam ang bawat salitang binibitawan nito. “You are the best thing that has ever happened to me. I feel so good with you. I feel myself so complete when I am with you and I can’t imagine living without you. I will forever take care of you no matter what happens. I will always support you. I will always love you.”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon