Chapter 28

4K 59 15
                                    

“Patawarin mo ako anak, patawarin mo ako kung matagal kong inilihim sayo ang katotohanan, kung hindi ko sinabi sayo kung ano ang totoo. I’m sorry son!” umiiyak na sabi ng kanyang ina.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya, kung magagalit ba siya dahil sa nalaman niya o maawa sa kalagayan ng ina. “You’re just kidding, right ma? Nagbibiro ka lang diba? Yang nakasulat sa diaring yan, hindi totoo yan.” Hindi niya na napigilan ang sarili tuluyan ng bumuhos ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. “Ma, sabihin niyo naman oh, sabihin niyo na nagbibiro lang kayo. Ma!”

“Buong buhay ko wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng gusto ng lolo mo. Simula sa damit na susuotin ko h

anggang sa kursong kukunin ang lolo mo ang nagdedesisyon nun para sakin. Pero hindi ko inaasahan na pati ang lalakeng makakasama ko habang buhay ang lolo mo pa rin ang magdedesisyon para sakin, kaya ng malaman ko ang plano niyang pagpapakasal samin ng daddy mo, naglayas ako. Nakarating ako ng Cebu at doon namuhay ako ng normal. Para ako noong ibong nakawala sa hawla, for the very first time nakapagdesisyon rin ako ng para sa sarili ko, ng walang nagdidikta ng mga dapat at hindi ko dapat gawin. Hanggang sa nakilala ko si James, he’s a US marine, mabait siya, maalaga, siya ang nagparamdam at nagturo sakin kung pano magmahal at mahalin kaya naman hindi kataka-takang mabilis akong nahulog sa kanya. Nagsama kami at nagplanong bumuo ng isang masayang pamilya. We were planning about our wedding nang malaman ko na may asawa’t anak pala siyang naiwan sa America. Para ako noong binagsakan ng langit at lupa. Ang sakit anak, ang sakit sakit, akala ko tuluyan na akong magiging masaya, akala ko tama ang naging desisyon ko, akala ko mapapatunayan ko na sa lolo mo na kaya ko ring patakbuhin ang sarili kong buhay, pero hindi ganun ang nangyari kasi mas pinatunayan ko lang sa lolo mo na tama siya at mali ako. Hiyang hiya ako noon anak, hiyang-hiya ako sa lolo mo, sa mga kapatid ko, sa mga tao at maging sa sarili ko. Sino ba naman ang mag-aakala na ang bunso at nag-iisang anak na babae ng ginagalang na Gobernador at tinitingalang businessman ay isa palang kerida. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noon, kung uuwi ba ako sa amin o paninindigan ang pagiging mistress, kerida, kabet.” Umiiyak na pahayag ng mommy niya. “Kasabay ng pagkakadiskubre ko ng lihim ni James ay siya ring pagkakatunton sakin ng lolo mo. Wala akong nagawa ng sapilitin niya akong isama pabalik. Inisip ko na lang para saan pa kung manlalaban ako, dapat nga magpasalamat pa ako, kasi ginawan niya lang ako ng pabor.Pero hindi dun natapos ang lahat dahil dalawang buwan matapos ang insedenteng yun nang makompirma kong buntis ako. Mag eeleksyon nun at hindi maganda para sa pangalan ng lolo mo ang kalagayan ko, palugi na rin noon ang kompanya. Kaya para makaiwas ng eskandalo at para na rin maiahon ang kompanya, sapilitan akong ipinakasal ng lolo mo sa Daddy mo. Tinanggap ako ng Daddy mo sa kabila ng kondisyon ko. Binigyan ka niya ng pangalan, minahal at itinuring parang tunay niyang anak. Aaminin ko noong una akala ko hindi ko siya matututunang mahalin. Madalas kaming mag-away noon, lalo na ng malaman niyang nasa kanya ang deperensya kung bakit hindi kami makabuo at hindi ka namin mabigyan ng kapatid. Pero hindi mahirap mahalin ang daddy mo anak, lumipas ang panahon at natutunan ko rin siyang mahalin. Miss na miss ko na ang daddy mo anak, miss na miss ko na siya. Pero nararamdaman ko na malapit na ulit kaming magkita, malapit na ulit kaming magkasa—“

“Don’t say that mom!” umiiyak na pigil niya sa ina. “you won’t leave me, you will be fine okay?”

“Gustuhin ko mang makasama ka pa ng matagal pero hindi ko na kaya, hindi na kaya ng katawan ko anak.” Hirap na sabi nito sa kanya. Kinuha nito ang larawang nakaipit sa diary at saka ibinigay sa kanya. “Alexander James Mackillop, he’s your father, your real father. Patawarin mo ako anak kung ngayon ko lang sinabi ang lahat ng ito. Natakot ako anak, natakot akong iwan at kamuhian mo oras na malaman mo ang lahat ng ito kaso nalaman mo pa rin eh tama nga siguro ang sabi nila, na walang lihim ang hindi nabubunyag. Gusto ko ring malaman mo na hinanap ka sakin noon ng tunay mong ama. Hindi ko alam kung paano at kanino niya nalaman. Gusto ka niya noong makita pero pinigilan siya ng Daddy mo at sinabing patay ka na kaya wala ng rason pa para pumunta siya dito. Hindi kita pipigilan sa kung ano ang gusto mong gawin, kung gusto mo siyang hanapin at makita go son you have my blessing.”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon