Chapter 4

4.3K 45 8
                                    

“anong tambutso?” tanong sa kanya ni Maja, medyo napalakas pala yung sabi niya kanina.

“tambutso? Hindi, sabi ko otso, alas otso na pala.” Palusot niya sa kaibigan.

“ahh, otso ba?:D mali pala yung rinig ko…teka anong alas otso, alas nuebe na no…” sabi nito sa kanya sabay turo ng relo nito.

“naduling lang…” sagot niya dito.

“It’s ok Mr. Anderson, na excuse ka rin naman sakin ni Mr. Jaucian. You can now take your sit.” Sabi ng teacher nila.

“Thank you maam.” Sabi nito sabay hanap ng mauupuan.

“Ge!” tawag dito ni Maja lumapit naman ito sa kanila. “Dun ka na lang oh.” Turo nito sa tabi niya. “Sensya na ha, mas gusto ko kasi siyang katabi.:D” turo nito sa kanya. Tumango lang ito at umupo ni hindi man lang siya pinansin. Nanlaki ang mga mata niya ng mapag isip-isip na makakatabi niya ang lalaking kinaiinisan.

“kalma lang Sarah, kalma lang, hindi pa naman siguro to ang final seating arrangement niyo so pwede pang mabago to. Kalma!” kalma ni Sarah sa sarili.

“bye the way class, meron pala kaming meeting ngayong umaga sa faculty room and since inaayos pa ang schedule niyo mag iiwan na lang muna ako ng gagawin niyo ngayong araw na to. Pakitandaan narin yang mga inuupuan nyo dahil from now on yan na ang magiging permanent seating arrangement niyo…”

“Whaaaaaaat???” sigaw niya sabay tayo sa kinauupuan.

“Bakit Ms. Geronimo, may problema ba?” tanong nito sa kanya.

“Nothing maam.” Sagot niya sabay upo sa upuan “Malas, malas, malaaaaaaaaaas”.

“Ok class, I’ll be back soon, huwag masyadong maiingay ha…” bilin nito sa kanila.

“ok ka lang Sarah?” tanong sa kanya ni Maja matapos lumabas nung teacher nila. Tinanguan niya ito.

“hmmm… Sarah, Fred nga pala, Fred Payawan.” Pagpapakilala sa kanya nung lalaking katabi ni Maja. “Parang wala atang plano tong pinsan ko na ipakilala ka eh.” Patuloy nito.

“ay, oo nga pala sorry couz.” Hinging paumanhin ni Maja sa pinsan. “Sarah si Fred pala, pinsan slash best friend ko. Couz si Sarah new friend q.:D”

“Nice to meet you Fred” sabi niya sabay abot ng kamay nito

“Ahh, wait…Gerald!!!” tawag ni Maja sa kaibigan “Gerald!!! Hoy Gerald ano ba yang ginagawa mo, kanina ka pa diyan ahh…” tawag ulit nito sa kaibigan na abala pa rin sa kung ano mang ginagawa nito.

“Sorry Maj, I just…” sabi ng binatilyo habang palingon sa gawi nila. “YOU???” baling nito sa kanya.

“Yes, ME…bakit may problema…?” sagot niya dito

“Teka, magkakilala kayo?” tanong sa kanila ni Maja.

“ano ba Maj, siya yung sinasabi ko sayo kanina na masungit na babae sa garahe.” Sagot nito sa kaibigan.

“Hoy Mister, baka nakakalimutan mo, kaya ako masungit sayo kanina eh dahil tinapunan mo ng putik tong uniform ko.”

“Correction! natalsikan, hindi tinapunan, magkaiba yun. Ang tinapunan sinadya, ang natalsikan hindi sinasadya.”

“parehas na rin yun ---”

“anong parehas dun, magkai---“

“hep hep hep…” awat sa kanila ni Maja “ano ba kayong dalawa, hindi ba kayo nahihiya pinagtitinginan na kayo ng mga kaklase natin oh…”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon