Chapter 27

4K 57 15
                                    

 “you belong with me, you belong with me.”

“Wow naman, meron na pala tayong Taylor Swift dito eh.” sabi niya sabay yakap kay Yohan na katatapos lang kumanta.

“Is it good Tita?”

“Not just good Yohan, it’s very good. You can be the next Taylor Swift.”

“Taylor Swift? Hmmm… but I don’t like her tita, I want Sarah Geronimo.”

Natawa siya sa sinabi ng pamangkin. “you want to be like Sarah Geronimo?” nangingiting tanong niya sa pamangkin, sunod-sunod naman ang naging pagtango nito. “bye the way, who is she?”

“Naku, parang alam ko na kung san papunta to.” Singit ng ate niya.

“shh… ate huwag kang maingay” hinarap niya ulit ang pamangkin. “Go Yohan. Tell me, who is Sarah Geronimo?”

“You don’t know her tita? She’s a very talented person and a teacher too, she can sing and dance just like Beyonce and Jlo.”

“sabi ko na nga ba, diyan ang punta niyan eh.” Singit uli ng ate niya. Siniko niya lang ito, natutuwa siyang tingnan ang mukha ng pamangkin kuhang-kuha nito ang mukha ng ate niya kapag nagsasalita, lalo na kapag ngumingiwi o nagpapout ito ng lips.

“she’s a good cook!” pause for a moment. “But my mom cooks better than her.” patuloy pa nito na pareho nilang ikinatawa ng ate niya.

“hindi marunong magsinunghaling eh.” natatawang sabi pa ng ate niya.

“amin ko yan ate.”

“she’s sexy too.”

Napahagalpak siya sa huling sinabi nito. “she is?”

“yeah! And she’s the most wonderful and beautiful tital in the world that’s why Lucio and I love her very, very,much…” lumapit ito sa kanya sabay yakap ng pagkahigpit-higpit. “I love you tita!.”

“aaawww…I love you too…yun naman yun oh! Ang sweet.”

“I’m happy for you babe.” Nakangiting sabi ng ate niya.

“ha?”

“masaya ako na masaya ka na ulit, yung totoong masaya ha. Akala ko, hindi ko na ulit maririnig yung mga halakhak mo, makikita yang mga ngiting yan, yang spark sa mga matang yan.” Sabay turo ng mga mata niya.

“spark? Sa mata ko? baka naman muta lang yung nakita mo ate.” Biro niya.

”hindi kuliti ata.” Ganting biro naman nito. “pero seryoso babe, ang ganda talaga ng aura mo ngayon. Blooming ka ngayon babe.”

“claim natin yan, blooming ako, blooming ako, blooming ako, blooming akoooo…”

“nangyari sayo?” natatawang tanong sa kanya ng ate niya. “sinabi ko lang na blooming ka nagwawala ka na diyan. Tingnan mo pamangkin mo, natutulala sa pinaggagagawa mo.” dagdag pa nito nang biglang bumukas ang pinto.

“Magandang gabi mga mahal na Prinsesa!”

“Daddy Lolo.” Sigaw ni Yohan, lumapit ito dito saka yumakap.

“Dad, andiyan na pala kayo.” Sabi ng ate niya sabay halik sa pisngi nito.

lumapit din siya dito para humalik “De.” Bati niya sa ama, inakbayan naman sila nito.

“Si Ryan Dad saka si Lucio?”

“Nasa kwarto, nakatulog si Lucio eh, napagod siguro .” sagot dito ng daddy niya. Tumakbo naman agad palabas ng kwarto si Yohan nang marinig ang pangalan ng ama. “Nga pala dito na kayo matulog, mapapagod masyado ang mga bata kung uuwi pa kayo, mukhang pagod na rin naman si Ryan.”

Right Here Waiting Ashrald Fan FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon