Chapter 24

1.2K 78 0
                                    


"Very well" narinig kong pumalakpak si Gabriela ng magawa ko ng maayos ang pag rampa.

Ito ang huling araw ng pag practice namin dahil bukas na bukas ay pageant day na. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas naayos ko na din ang pag rampa. Ilang araw din akong nahirapan don, sumakit pa ang mga paa ko dahil sa kakasuot ng heels.

"Congrats babe" Arris exclaim.

Nanood kasi sya ng practice ko actually simula pa to noong hinilot niya ang paa ko, hindi na siya pumasok dahil nanonood nalang siya ng practice, iwan ko sa kanya ilang beses ko naman na siyang pinag sabihan. Pero ayaw makinig

Kesho babantayan niya daw ako baka daw pahirapan nanaman ako ni Gabriela ganito, ganyan.

Tsk kabaduyan niya! Kala niya naman mag papaapi ako kay Gabriela, pasalamat lang talaga tong si Gabriela dahil nag titiis pa ako atsaka nirerespeto ko siya.

Natuto naman din ako kaya di ko na ginantihan.

"Kung maka congrats parang nanalo na ako ah" I said

He just smirk " di Bali manalo matalo number one ka parin sa puso ko" Banat niya

Narinig ko naman ang matinis na tili ni Gabriela dahil sa kakornihan ni Mr Epal habang ako ay napa roll eyes nalang.

Kinikilig ako, oo mahal ko eh pero syempre di ko ipapahalata, ano siya hilo? Lalaki ulo niya tsk, mayabang pa naman tong epal na to

"Fafa Arris ang sweet mo"malandlng sabi ni Gabriela, napairap nalang ako

"Buti pa siya kinilig" I heard Harris murmured, napailing nalang ako.

Anong gusto niyang mangyari? Mag tatalon ako para ipakita sa kanya na kinikilig ako! Lol siya

"So bukas na talaga ang pageant, excited na akooooo" matinis na sigaw ni Gabriela, inalog alog niya pa ako habang sinasabi iyon

Siya lang Yung excited, habang ako kinakabahan na ng Todo. Kasi naman! First time ko to! Nakaka stress, wala akong alam dito. Wala rin akong ideya dahil first of all bashers talaga ako sa mga sumasali ng pageant dati tapos ngayon isa na ako sa kanila. Naembyerna.

"Whatever happens, you're still my queen" Arris whispered, nakaupo siya sa sofa habang ako naman ay nakahiga at nakaunan sa hita niya, he is caressing my hair softly while murmuring some encouraging words

"Alam mo kasi babe, matalino ka naman eh, may laban ka sa pautakan. Talo ka nga lang sa pagandahan pero syempre mahal parin kita" my heart immediately skip a beat because of what he said, i don't know pero kahit ininsulto niya na ako kinikilig parin ako sa kanya, my heart is really smitten so bad.

So whipped mga dude

"Arris" tawag ko

"Hmm?"

"Why did you like me?"

"I don't know, ayaw mo ba? Don't worry ayaw ko Rin" napasimangot ako dahil sa sinabi niya, ang galing niya talagang mang ruin ng mood nakaka touch sarap niyang bigyan ng isang sakong bigwas! Litse

"Joke lang babe" tumawa pa siya, parang may nakakatawa talaga tsk jinojoke time lang talaga ako ng Epal na to eh!

"Basted ka na litse to!" Inis na sambit ko at umayos na ng upo, sumandal ako sa back rest ng sofa at tumingala sa kisame.

"Babe" malambing na tawag ni Arris pero di ko siya pinansin, naaasar ako sa kanya

Panira siya ng moment

"Babe joke lang yun. Tsaka wag mo na akong bastedin" naramdaman kong lumapit siya sa akin at niyakap ako, I didn't move I just let him
Isiniksik niya ang sarili niya sa akin at inilibing niya ang mukha niya sa leeg ko

Suminghot singhot siya doon na para bang batang inaapi

"Sorry na babe, wag mo na akong bastedin, di ko kayang mawala ka Yesha kasi im half a heart without you, kung wala ka para akong sapatos na walang partner, kaya kong mabuhay ng wala ka pero syempre hindi masaya" he said " at wala din akong sagot sa Tanong mo, iwan ko ba. hindi ka naman likeable pero itong puso ko bulag eh, sa lahat ng babaeng pwedeng magustuhan ikaw pa haha, but i Didn't regret it tho. Kasi alam ko safe iyong puso ko sayo at masaya ako kasi nahulog ako sa tamang tao kaya, wag mo na akong bastedin tombs" yung boses niya ay parang nag susumamo.

Anak ng! Ang drama nito, parang gusto ko ng matawa di ko alam na may ganitong side pala tong epal na to, at masaya ako kasi sa akin niya ipinakita iyon. Pero sa akin lang nga ba? How about Sheena?

Hayyss never mind kasi nabibitter nanaman ako

"Whatever Arris basted ka parin" pag mamatigas ko.

I felt him stiffened mas hinigpitan pa niya ang pag yakap niya sa akin.

"No hindi ako papayag Tombs, ayaw ko. Sorry na kasi love naman kita eh, sabihin mo lang kung ano ang ayaw mo sa akin tombs handa akong mag bago para sayo" bulong niya.

Ang oa ng pucha

"Bitiwan mo ako Arris" nag pumiglas ako at tinulak ang ulo niya palayo sa leeg ko

"Babe" nagulat ako ng biglang nabasag ang boses niya, namula ang mukha niya at sunod sunod na tumulo ang luha niya

Anak ng! Seryoso ba to? Si Arris umiiyak

"Arris" kunot noo kong sambit

Umiling iling siya at niyakap pa ang bewang ko "wag mo na kasi akong bastedin" nag pout siya sa harap ko habang ang luha niya ay patuloy sa pag tulo.

Napangiwi nalang ako.

Anong drama ng isang to?

"No, I want you to stop courting me right now" I said firmly, habang nakatitig sa mukha niyang sobrang pula

"Hindi mo ba ako mahal Ayesha, tell me if theres something you don't like about me, I could change babe, for you, wag mo lang akong bastedin, di ko kaya di ako nagiging kampante, feeling ko anytime soon may aagaw na sayo mula sa akin, ay wala palang nakakaagaw sayo mula sa akin, kasi hindi naman pala kita pagamay-ari, pero babe give me chance please?" Pag susumamo niya

Yung mata niyang Puno ng luha ay nakatingin sa akin na Puno ng pag mamakaawa.

Like heck, totoo ba talaga to? Arris Montefalco ang Hari ng kaepalan umiyak kasi binasted, ibang klase

"Handa akong mag bago" saad pa niya

Umiling lang ako sa kanya, I raise my hand and cupped his face, I wiped his tears away

"You don't have to" I said while looking directly to his eyes

"Anon-"

"I basted you, I want you to stop courting me kasi sinasagot na kita" bulong ko at hinalikan siya diretso sa labi

MY BOYISH FIANCEWhere stories live. Discover now