Chapter 9

1.5K 98 1
                                    

Sabay naming tinakbo ni Arris ang banyo upang dun isuka ang lahat ng kinain.

Shit. Shit.

“what did you cook tomboy? What kind of rice is that?” reklamo ni Mr Epal habang patuloy parin sa pag suka at ako naman ito sumuka din.

Shit anong klaseng kanin yun?

“nilagyan ko lang naman ng asin, magic sarap, at vitsen tapos meron din akong nilagay na dahon ng sibuyas doon. Yun lang naman ahh” Saad ko at sumuka ulit

Shit yung tiyan ko ang sakit.

“ano ba kasi ang akala mo sa kanin? Huh! At nilagyan mo ng mga lamas at seasoning?” Tanong ni Arris at nag mog mog na ng tubig

“ginaya ko lang naman kasi yung luto ng katulong namin sa bahay, yung fried rice yung tawag” ani ko

Napatampal siya ng noo “tomboy, wala man akong alam sa kusina pero hindi  naman ako nag saing ng bigas ah para maging fried rice”

Umirap ako “eh di ko naman kasi alam kung pano mag luto ng kanin”

“eh bakit mo sinabi kanina na marunong ka ha? At nag mamayabang kapa tapos ngayon ganito pala ang resulta!”

“edi Ikaw na argh. I just want to cook okey? Kaya wag ka ng mag reklamo jan as if ako lang ang pumalpak sa pag luluto” inirapan ko siya at Nakita ko ang pag ngisi niya sa akin

“well  let's taste what I cook then para malaman natin kung palpak ba o hindi!”

“sige ba tingnan lang natin” pang hahamon kong sinabi at nauna ng lumabas sa banyo.

Sumunod naman agad sa akin si Mr Epal at sabay naming tiningnan ang niluto niya. Medyo okey naman ang hitsura nito. hindi sunog, pero hindi din perpekto pero okey na, Iwan ko lang kung ano ang lasa nito.

“ikaw ang mauna” sabi niya

“ayaw ko nga, Ikaw muna ikaw nag luto niyan eh”

“sabay na nga lang tayo” aniya

“sige para fair, baka nilagyan mo pa to ng lason, Edi ako ang unang ma tigok” Saad ko pa

“kung ano, ano nalang ang iniisip mo jan tomboy! Eh kanina nga yung niluto mo di ko naman inisip na baka may lason yun. Ikaw lang talaga tong napaka Sama ng isip”

Umirap ako “whatever Mr Epal eh malay ba natin kung--” napatigil ako sa pag sasalita ng bigla niya akong sinubuan ng manok na adobo. Yung niluto niya

Agad ko yung nginuya takot na mabilaukan.

Wala akong masabi sa luto niya.

It's,

It's,

It's good!

“parang feel na feel mo Yung lasa ng adobo ko tomboy ahh” may halong panunuya niyang sabi

Agad naman akong napatingin sa kanya at inismiran siya “shut up ang yabang mo kala mo naman masarap yang luto mo.eww mas masarap pa nga yung luto ko kaysa sayo eh” I lied! Kasi sa totoo lang. Nasarapan talaga ako sa luto niya it's good for a first time cook like him. Oh first timer nga ba?

“wehh? Di nga tomboy eh bakit natahimik ka nung natikman mo na ang luto ko? Hah?” panunuya niya

“edi Ikaw na” sabi ko sabay subo ulit ng adobong manok sa bibig.

Kinain namin ni Arris ang niluto niyang Manok at salamat sa Dios, ay nabusog kami kahit walang kanin

“grabe ang pangit talaga ng lasa ng niluto mo Mr epal” sabi ko ng matapos ng kumain

“kaya pala naubos mo” pabulong niyang Saad, pero rinig ko naman!

“tsk eh sa wala na akong choice at ayaw ko pang mamatay sa gutom no” umirap ulit ako

“tsk Buti hindi natatanggal yang mata mo tomboy sa kakairap!”

“malakas ang kapit nito Mr Epal kaya wag kang mag alala”

Umismid siya. “hindi ako nag aalala sinasabi ko lang ang gusto kong sabihin, ang feeling naman nito” sabi niya na ikinatahimik ko

Edi Ikaw na, epal ka! Argh!

Nag walk out ako palabas ng kusina at pumunta na sa living area tsaka padarag na upo sa sofa sabay dampot ng remote control ng TV at marahas na pinindot ang on-button nun. Bumukas ang TV at ang pinaka hate na palabas pa talaga ang bumungad sa akin!

SPONGEBOB SQUAREPANTS!!

shit panira nanaman ng mood, panira ng Gabi ang bwesit!

Nakita kung nag lakad papunta sa akin si Mr Epal kaya mabilis kong  kinuha ang remote at pinindot ang off-button pero dahil sa pag kataranta ay mali-mali ang napindot ko imbes na ang off button ang mapindot ay ang volume ang napindot ko kaya mas lalong lumakas ang tunog nun.

Shit!

“oyy Ano yan tomboy?” sabi ni Arris habang nakangisi. Nakalapit na siya sa akin at nakaupo na siya sa tabi ko. Gamit ang mapanuya niyang ngisi at mata ay tiningnan niya ako.

“ngayon confirm na talaga na adik ka kay SpongeBob.”

Santa Maria! Ayaw ko na..

Kay malas ng araw nato!

Wala akong ibang sinabi. Agad akong umalis sa tabi ni Mr Epal at nag mamadaling inakyat ang hagdan at dahil sa pag mamadali natisod ako ng sarili kong paa dahilan para matumba ako at tumama ang tuhod ko sa sahig.

Shitty ang sakit!

Tiningnan ko ang tuhod ko ng makaramdam ako ng kirot don nang tingnan ko yun ay halos hindi na ako makahinga.

Shit dugo!

“wahhhhhh” tili ko ng may nakitang dugo. I hate blood. I'm afraid of blood. That's the fact!

Agad na dumating si Mr Epal sa harap ko mukhang mabilis nitong tinakbo ang pagitan ng living room namin at ang hagdan para mapuntahan ako

“anong nangyari sayo tomboy?” Tanong agad ni Arris ng maka lapit

“seriously? Kailangan pa ba talaga akong tanungin ha Arris, eh kita mo namang namimilipit tayo sa hapdi ng sugat ko dito eh” I fired up “atsaka” sinulyapan ko ang dugo sa tuhod ko.

“i hate blood”nanginginig at nanghihina kung sinabi

Nag squat siya sa harap ko at tiningnan yung tuhod ko, pumikit ko dahil ayaw makakita ng dugo. I hate blood!

I heard Arris release a sigh tapos ay naramdaman ko nalang na umangat na ako, dumilat ako para makita kung Ano ang ginawa ni Arris.

He carry me like a newly Wed, seryoso ang mukha nito habang karga ako patungong kwarto. Nang makarating na sa kwarto ay agad niya akong inilapag sa kama.

“stay there, don't move” aniya at tinalikuran ako, nag tungo siya sa banyo at maya-maya ay nakita ko na siyang lumabas dun na may dalang first aid kit. Umupo siya sa kama, tumabi siya sa akin at kinuha niya ang isang bulak at vetadine tapos ay nilagyan niya ng vetadine ang bulak at marahan yung ipinahid sa tuhod ko.

Seryoso ang mukha Niya habang ginagamot ang tuhod ko. Nag kasalubong ang makakapal na kilay habang nakatitig sa sugat ko, matapos niyang pahiran ng vetadine ang sugat ko sa tuhod ay agad niya itong nilagyan ng band aid.

“next time watch your steps don't be so clumsy my dear fiancee you make me worried....”




MY BOYISH FIANCEWhere stories live. Discover now