Chapter VI

410 25 13
                                    

Maingay ang room namin pero mas maingay ang kabog ng dibdib ko. My heart is racing so fast. It's been a while since I saw Angel. I asked her classmates and they're not giving me answers. I'm starting to get worried.

" Tagal mo nang 'di nag-uupload ng bagong vlog Kurt ah. Break na ba kayo ni Yasmin?" pang-gugulo sa akin ni Ivan. Mukhang nakalimutan niya na din yung issues ko.

" Paanong magvvlog yan busy yan sa atabs niya." pagpaparinig ni Ruel na sinosolve ang worksheet namin sa Pre-Cal.

" Parang ayoko na nga mag-vlog. Hirap magpanggap na masaya." I sighed. Nagkatinginan naman silang lahat. Kahit si Ruel ay napatigil sa pagsosolve.

" Narecord nyo ba yun guys? " pang-aasar ni Ivan. Malamang hindi naniniwala sa sinabi ko.

" Charannnnn! Kurt natagpuang miss si Yasmin! Hashtag nangungulila!" biglaang sumulpot ang kaklase namin na si Jade. Bihira lang namin makita sa room dahil busy sa school publication.

May hawak hawak itong camera na nakatutok sa akin. Kitang kita ko kung paano niya zinoom in ang mukha ko. Pilit kong tinakpan ang mukha ko kaya nagsigawan sila bilang kantyaw sa akin.

" Ivideo call mo na!! Ivideo call mo na!" sabay sabay nilang sigaw. Nagsilapitan sila sa bag ko para hanapin ang phone ko. Si Ivan naman ay kinuha ito sa bulsa ko. Itinapat niya sa mukha ko para sa face recognition.

Pigil pigil ko siya nang magscroll siya sa phone ko. Ipinakita niya ang messenger ko kaya mas lumakas ang hiyawan.

Yasmin L. Fuente Active Now

" Hala active now! "

" Ivc mo na Ivan!"

" Bat ganon? Walang nickname?"

" Pag mature rs wala na sa nickname yan."

" Baka naman nag-away lang."

" Ano Kurt? Pindutin ko na ba?" nakangisi na asar ni Ivan. Itinaas pa nito ang phone para makita ng lahat.

Sa totoo lang may nickname talaga kami kaso clinear niya yun dahil nag-away kami. I am a jerk okay? Hindi ko siya sinuyo. And my mind is seeing our fight like an escape!

I snatched my phone when I saw that Yasmin is now typing. Hindi na dapat pa nilang makita 'yun.

" Gago! Tumigil na kayo!" saway ko sa kanila. Kinuha ko ang bag ko at naglakad na sa pintuan para umalis. Hanggang ngayon ay gulong gulo pa din ako.

Nang makalabas ako ng pintuan, tiningnan ko ang message ni Yasmin.

Yasmin L. Fuente Active Now

Can we talk?

In-exit ko agad ang message niya. I don't know what to reply. Kung mag-uusap kami anong sasabihin ko? It's ironic how I don't want to hurt her yet I'm hurting her now.

Umilaw muli ang phone ko. I saw Yasmin's name flash into my phone's screen. Sinagot ko ito habang palinga linga sa hallway. I was hoping that I can see even just Angel's shadow. Tila nababalisa na ako dahil wala ang presensya niya.

" Hello." bungad ni Yasmin. She's checking if I'm there. I can hear the busy background. Mukhang nasa set pa din siya.

" Hello." I replied coldly. Kahit ako din nagulat sa lamig ng boses ko. Gusto ko man bawiin pero nasabi ko na.

" Nasan ka?" diretso niyang tanong sa kabilang linya. Tumigil ako sa paglalakad para mag-isip kung nasaan na nga ba ako. Para akong papel na lumulutang. Walang buhay at tinatangay na lang kung saan.

" Nandito ako sa..." mahina kong sagot.

" Saan sabi eh!" napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Yasmin. I can feel her frustrations.

She's Crazy But She's MineWhere stories live. Discover now