Chapter VII

218 12 10
                                    

Mama is calling....

Nagising ako dahil sa tunog ng phone ko. Paulit-ulit itong nagriring kaya kahit si Angel ay muntik na din magising. Why did I forget about my family? Malamang hahanapin nila ako. Bakit pag kasama ko si Angel nawawalan na ako ng common sense.

I reached for my pocket and open my phone. Tinitigan ko ito nang matagal, iniisip kong sasagutin ko ba o hahayaan na lang. But for now I know that I need to turn it off. It is the right thing to do as of now. Kung sasagutin ko ang tawag, paano ko ipapaliwanag na kasama ko si Angel papuntang Samar?

Tiningnan ko si Angel na komportableng nakahiga sa lap ko. Nakaunat naman ang mga binti niya sa upuan ng bus. Nasa dulo kaming upuan kaya kasyang kasya dahil hindi din naman siya katangkaran. She was so cute and peaceful. Nagmumukha talaga siyang anghel kapag tulog.

Napabuntong-hininga ako nang maisip sila mama na naghihintay sa'kin umuwi sa bahay. Hindi pa naman sila sanay na 'di ako umuuwi. Napasabunot ako sa buhok dahil sa frustrations nang maisip si Mayor, hinahanap na rin sigurado si Angel ng daddy niya.

Ano naman ang gagawin namin sa Samar? Hinawi ko ang kurtina sa bintana at sumilip. Mag-uumaga na at mukhang papasok pa lang kami sa Bicol. Kinuha ko ang bag na dala ni Angel sa lapag ng bus at tiningnan ang laman nito. May dala dala siyang neck pillow kaya inilagay ko yun sa kanya at inihiga siya nang maayos. Umusog ako nang konti at kinalong ang bag para tingnan pa ang laman nito.

May laman ang bag niya na make up kit, biscuits, toiletries, konting damit at camera. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to ah kasi may dala din siyang charger at power bank. Sinilip ko ang hygiene kit na dala niya at napangiti ako nang may dalawang toothbrush, toothpaste, shampoo na pang lalake at pambabae, at may dala din siyang deodorant na pambabae at panlalake din. I kissed her forehead and thanked her in my mind. It melts my heart when someone knows me so well. Since when did someone care for me? Bakit Kurt, hindi ka ba inalagaan ng girlfriend mo?

Napatigil ako sa pag-iisip nang gumilid ang bus at pumasok sa isang resort. Pinark din ni kuya sa gilid ang bus na sinasakyan namin. I checked my wristwatch and it's 4 AM in the morning.

" Sir, magstop over muna tayo dito. Nandito din kasi pamilya ko Sir. Isasabay natin sila pauwi ng Samar pero kailangan muna natin magstay ng ilang days para makapagpahinga." paliwanag sa'kin ng driver nang lumapit siya sa'kin.

" Ah buti naman po kasi delikado din naman na dire-diretso ang byahe." ngumiti ako sa pagod na driver kaya tumango siya sa'kin.

" Gisingin nyo na lang ang girlfriend nyo Sir para naman makapagpahinga na siya sa loob." Sinilip niya si Angel na tulog na tulog pa din. Kinuha na din ni Manong ang bag na nasa gilid ko at nauna nang bumaba sa bus.

" Opo salamat." sagot ko naman dito. Tinapik ko nang marahan si Angel para gisingin ito.

" Gising na Angel." kumunot ang noo ni Angel na nakapikit pa din at ngumuso. Mukhang ayaw niya pang gumising dahil niyakap niya pa ang sarili para maibalot sa jacket na isinuot ko sa kanya kagabi.

" Gumising ka na para makapagpalit ka na din ng damit." I combed her hair using my fingers. I can't help but to stare at her. Sobrang ganda niya pala sa umaga. Iniiwas ko ang tingin nang iminulat niya ang mata niya.

" Are we in Samar?" she asked me while yawning. Hindi man lang nalukot ang mukha niya habang humihikab. Sobrang ganda niya pa din.

Tinanggal ko ang neck pillow na suot niya pa din. Iniayos ko din ang buhok niya at iniipit ang tumatakas na buhok sa likod ng tenga niya.

" Nasa Cam Norte pa lang tayo, magpapahinga muna tayo dito ng ilang araw bago bumyahe ulit." paliwanag ko naman sa kanya. Tumayo na ako para bumaba ng bus at hinawakan niya naman ang kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's Crazy But She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon