Chapter V

504 19 14
                                    

Hindi ko alam ang sasabihin. I don't even know how to start. Pa'no ba kami dumating sa puntong ganito? Dati naman kaya kong kausapin siya sa kahit anong paraan.. sa kahit anong sitwasyon.

Why do I feel that I am slowly....gradually...letting--oh no! This is just a phase!

I found comfort in her silence..

before..

Pero ngayon nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa amin. Tanging tunog lang ng linya ng telepono ang namamagitan sa amin. I couldn't even ask how she was.. Bakit? I gritted my teeth.

" Baby? May problema ba?" Yasmin yawned while asking. I can feel her tired voice. Naiimagine ko ang namumungay niyang mata sa boses niya. Strange. I don't feel butterflies.

" Sorry Yasmin I don't know what to say." honest kong sagot. Napapikit ako dahil sa frustration. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. May be the guilt is eating me right now.

" Hindi ka daw umuwi sa inyo kagabi? Kila Ruel ka natulog?" I didn't even heard a slight of anger in her voice. Yasmin is never a nagger when it comes to my friends. Napangiti ako at di sumagot. Why am I smiling? Kaya ko pa talagang ngumiti?

Nilingon ko ang orasan na nakasabit sa gilid ko. Wala naman pasok ngayon kaya dito ako natulog. Madami rin kaming nainom kagabi kaya halos di na din nakauwi ang iba. I even felt my smile wider when I saw Ruel kicking Ivan. Mga ogag talaga hanggang sa pagtulog.

" Kurt? Still there?" naibalik ng boses ni Yasmin ang atensyon ko sa phone na nasa tapat ng tenga ko. Oo nga pala kausap ko siya. Shit!

" Uh oo dito ako nakatulog.. nag-inom kami kagabi. Medyo napadami kaya 'di na nakauwi." nahihiya kong kwento. Napakamot na lang ako ng ulo nang matawa siya sa kabilang linya.

" Sino sino kasama mo?" usisa pa ni Yasmin. Narinig ko ang paghila niya ng kumot sa background. Mukhang matutulog pa lang siya sa araw na 'to.

" Sila Ivan, Alex at Ruel kami kami lang." sagot ko naman. Itiniklop ko na din ang hinigaan ko habang ipit-ipit sa leeg ang phone.

" Nagkasya kayo?" natatawang tanong ulit ni Yasmin. Natawa na lang din ako sa tawa niya. There is something in Yasmin's laugh that you can't resist.

" We slept on the floor Yas." natahimik siya bigla. Ilang segundo din na wala akong narinig. I even check my phone if our call was cut. Nakaconnect pa rin naman kaya chineck ko ang wifi.

Tumayo ako para lapitan ang router nang magsalita siya.

" The last time that I heard you called me Yas was on our first vlog. Why'd you call me Yas?" she asked in monotone. Hindi ko mahulaan ang ibig niyang sabihin. Bakit nga ba? Bakit parang naiilang na ako sa kanya?

" What's wrong? I even call you Yasmin." sagot ko naman. Alam kong nagrarason ako. I can't believe that I am gaslighting her right now. Ang totoo kasi hindi ko na kaya. Sa tuwing tinatawag ko siyang baby parang krimen na ang ginagawa ko.

Hindi ko na din alam.

" Weird lang 'yung Yas. Bigla akong nagulat. You know that I hate it when I am called Yas." naging matamlay na ang boses niya sa kabilang linya. Napahilamos ako nang mukha. Oo nga pala. The first time that I called her that sinampal niya ko. Bakit ba nawala sa utak ko 'yun? Kailan pa ko naging pabaya sa ganito?

" Sorry baby.." napalunok ako. Really Kurt? Baby? Gago.

Natahimik ang kabilang linya. Wala na akong narinig kundi buntong hininga. Yasmin is really sensitive on some things. I understand her. I won't invalidate her feelings.

" Please don't do it again. Ayoko talagang naririnig ang pangalan na 'yan. Got to go I need some sleep."

Hindi na ako nakasagot dahil pinatay niya na ang linya. I sighed. Nagleave na lang ako ng message sa kanya bago lumabas ng kwarto ni Ruel.  Nadaanan ko pa si Ivan sa sahig na nakayakap sa paa ng monoblock.

She's Crazy But She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon