Chapter IV

1.1K 33 17
                                    

Moments with Yasmin end up like a bliss. Sobrang bilis ng mga nangyari, umalis na siya sa Pilipinas para sa project niya sa States. Hindi ko na nga siya nahatid sa airport dahil kasama niya si direk sa flight.

" Uy Kurt ang sama ng tingin sayo nung mga barkada ni Angel, may ginawa ka ba? " siniko ako ng katabi ko at itinuro pa ang mga tambay sa labas ng room namin na ako yata ang pakay.

Iniangat ko ang tingin ko at ibinalik muli sa pagbabasa ang atensyon ko.  I'm so done with Angel. Maybe if I ignore her she'll stop bugging me.

" Hayaan mo sila Ruel mga bata pa yan, hindi sila busy kaya nagagawa pa nilang tumambay. " kibit balikat na sagot ko. Senior high na kasi kami kaya nagsstart na ng research sa Practical research kaya talagang hectic ang schedule.

Kinuha ko ang isang notebook ko at iniscan ito. Hmm mukhang wala naman akong nasagutang mali. Akmang ibabalik ko na ito sa bag ko nang may tumilapon na libro sa mesa ko.

Iniangat ko ang tingin ko para kumpirmahin ang iniisip ko. The person smells like fresh flowers but the aura around her feels different..

Natahimik ang room namin hinihintay lang ang susunod na mangyayari. Tumambad sa'kin ang nakangisi na si Angel.

" What did you say? Hindi kami busy? Ikaw din yata hindi busy kasi nakikipaglandian ka nga for a week kay Yasmin?" mariin niyang sumbat sa akin. Dumukwang pa siya sa desk ko kaya iniwas ko ang tingin. Nabaling ang tingin ko sa umaangat niyang palda.

" What's wrong with your skirt?" nandidilim na saway ko. Itinulak ko ang noo niya para ilayo siya sa akin.

" May class ba tayo ngayon Ruel? " tanong ko sa kaklase ko habang hawak na ang pulso ni Angel. Pasimple ko din na hinila ang skirt niya para ibaba. Last time I check hindi naman ganito kaiksi ang skirt ng uniform at hindi din ito high waist.

" Absent daw si Ma'am Bonti pero may mga activities na iniwan. " sagot naman nito na tila naiintindihan na ang sitwasyon.

" Pasend na lang pare salamat. " sabi ko dito na ikinatango niya naman.  Hinila ko na si Angel palabas para makausap. Nakita ko pang sinenyasan ni Angel yung mga kabarkada niya na kunin ang librong ibinato sa'kin. Napailing na lang ako. What a stubborn kid!

Ikiniling ko ang ulo ko para tingnan siya na nasa likod ko panay taas ng skirt niya kaya iritable na tumigil ako.

" Bakit ba ganyan kaiski yan?" binitawan ko ang pulso niya at sinipat ang palda na kita na ang kalahati ng hita niya.

" It looks good on me naman Kurt." namewang siya at tinitigan ako. Her stares says what-are-you-going-to-do-look.  I sighed in frustration. I don't have a choice but to do this.

Hinawakan ko siya sa bewang at ipinasok ang kamay ko sa magkabilang gilid nito at ibinaba ang skirt niya para maibaba ang pagkakahigh waist nito. Tulala naman na napatingin siya sa akin. Muli kong hinawakan ang pulso niya at hinila na siya papuntang room niya.

" Wag kang tumambay sa tapat ng room namin. You should attend your class Angel. " mahinahon kong sabi sa kanya nang marating na namin ang tapat ng room nila.

Marahan siyang tumango dahil tulala pa din ito sa nangyari kanina.

" And please the skirt.. Ayoko ng sobrang iksi. And this..." inayos ko ang kwelyo ng blouse niya at binutones ng maayos para matakpan ang lumuluwa niyang cleavage.

Titig na titig lamang siya sa mukha ko habang iniaayos ko din ang buhok niya.  I don't know why I'm doing this.  I just feel like I need to take care of her. May responsibility na din ako sa kanya dahil sa nangyari. I don't want to neglect her while figuring things.

She's Crazy But She's MineWhere stories live. Discover now