Chapter 04

2.3K 94 13
                                    

"Camelaine, wala pa rin ako nahahanap na tagapagluto ngayon. Pwede ikaw muna ang magluto?"

Pagdating ko rito ay si Ma'am Hannah agad ang bumungad sakin. Nakakahiya nga dahil nahuli nya ko na 7 am na dumating. Dapat kanina pa kong 6 am na nandito.

"Dodoblehin namin ang sahod mo. Wag ka mag-alala, hindi rin naman 'to magtatagal baka bukas o makalawa, may mahanap na kami."

Hindi na dadating si Ate Nita dahil umuwi na sya sa probinsya nila kaya kinausap ako ngayon ni Ma'am Hannah na ako muna magluto dahil wala pa raw sila nahahanap.

"Ma'am, ayos lang. Wag nyo ng doblehin. Ako na magluluto. Sorry ho rin pala dahil alasyete na ko dumating."
"Ok lang, Camelaine. Tulog pa rin naman si Haryl. Wag ka lang lalampas sa alas-otso." Ngiti nyang sabi.

Umalis agad sya dahil may trabaho pa raw syang aasikasuhin. Pumunta lang talaga sya dito para sadyain ako.

Pumunta ako sa taas at kumatok sa kwarto ni Sir bago pumasok. Nakita ko syang kagigising palang at nakaupo sa kanyang kama.

"Sir, kakain ka o hindi?" Kumunot ang noo nya sa tanong ko.

Napangisi ako. Ha-ha-ha! Nagtataka siguro dahil una kong tinanong iyon sakanya. Gusto ko lang masigurado kung kakain sya dahil ayoko sinasayang ang luto ko.

"Alam mo naman si Ate Nita, hindi na nagluluto at pumunta rin dito ang Ate nyo para sabihin sakin na ako raw muna magluluto sa pagkain nyo dahil wala pa raw silang nahahanap." Kwento ko.

Nagpaalam si Ate Nita sakanya kagabe pero ito'ng lalaki parang wala lang na umalis ang tagapagluto nya. Hindi manlang nagpasalamat. Tsk!

"Bakit wala kang dalang pagkain? Hindi ka nagluto?" Tantya nya.

Umismid ako at humalukipkip.

"Hindi nga ko nagluto, Sir. Kapag ako nagluto, dapat nyo ubusin ang pagkain at hindi dapat tinatapon."

Tumayo sya at pinulot ang kanyang mahiwagang stick. Hindi nya pinansin ang sinabi ko. Napairap ako.

"Oh ano sir? Kakain ka ba? Nagugutom ka? Para magluto na ko." Tanong ko ulit.
"Dalhan mo nalang ako ng kape. Ayoko rin naman tikman ang luto mo." Sagot nya habang naglalakad papunta sa bathroom.

Aba. Akala ba nya hindi ako masarap magluto? Duh. Masarap ako magluto. Sigurado ako. Kung matikman nya lang ang niluto ko, siguradong lulunukin nya ang sinabi nya. Shet, parang ang hambog ko naman mag-isip.

Lumabas ako sa kwarto nya para sundin ang utos ni Hari -- este Sir Haryl. First time ko magtimpla ng kape ni Sir dahil madalas ginagawa iyon ni Ate Nita.

Hahayaan ko ba na kape lang ibibigay ko kay Sir? Syempre, hindi. Gumawa ako ng sandwich. Kung hindi nya kakainin, edi ako ang kakain.

"Nandito na ang kape nyo Sir." Nilapag ko ang dala ko sa cofee table na nasa harapan nya. "Gumawa na rin ako ng sandwich. Sana kainin nyo." Sarcastic kong huling sabi.
"Ang sabi ko, kape lang." Tamad pero may halong irita na sabi nya.

Hindi ako umimik at kinuha nalang ang mga gamot nya.

"Sana rin inumin nyo ang mga gamot nyo. Hindi lang vitamin." Naningkit ang mga mata nya.
"Ilapag mo ang vitamin sa tabi ng tasa. Ako na ang kukuha. Tanggalin mo ang ibang gamot." Awtoridad nyang sabi.

Sinunod ko ang utos nya. Pasalamat sya, mabait ako. Umupo ako sa sofa na di kalayuan sakanya. Pinanood ko sya sa pag-iinom nya sa kape. Hinihintay ko rin sya matapos.

"Kung gusto mo na kainin ko ang gawa mo, lumabas ka." Napadiretso ako ng umupo sa narinig.
"Hindi mo naman ako pinapalabas noon?" Pagtataka ko.
"I hate when someone watching me." Napataas ang isang kilay ko.

Caring My Rapist (Full Story on Dreame)Where stories live. Discover now