Chapter 03

2.3K 86 7
                                    

Dumating na ang lunes at balik ulit ako sa trabaho. Pumasok ako sa kwarto ni Sir at nakita na nakahiga pa rin sya sa kanyang kama, mukhang tulog pa.

Bumaba ako para bumalik sa kusina. Naroon si Ate Nita at nagluluto sya ng pagkain.

"Ate Nita, matagal na ho ba kayo nagtatrabaho rito?" Tanong ko sakanya habang nakaupo sa high chair at pinapanood sya sa pagluluto nya.

Sa isang linggo ko na nandito ay ngayon ko lang sya nakausap ng ganito dahil nahihiya ako nung una at minsan, hindi ko na sya naabutan dito sa kusina dahil abala ako sa pagbabantay kay Sir.

"Kay Sir Haryl, tatlong buwan palang ako nagtatrabaho. Noon, kay Sir Henry ako nagtatrabaho at tumagal ako roon hanggang sa lumipat ako rito."

Ang pagkakaalam ko si Sir Henry ang panganay sa magkakapatid.

"Ayos lang ho ba sa inyo na lumipat dito?"
"Oo naman. Ang trabaho ko lang naman ay magluto." Napanguso ako.

Kinuha ko ang kutsilyo at chopping board para maghiwa ng ingredients. Hinayaan nya naman ako gawin 'yun. Minsan, tumutulong ako sakanya. Sinasaway nga nya ko nung una pero dahil sa gusto ko at mapilit ako ay sumuko rin sya sakin.

"Bakit ho hindi nalang kayo rito mag stay-in?"
"Malapit lang ang bahay namin dito, atsaka, ayaw ni Sir Haryl." Kinuha nya ang mga hiniwa ko para ihalo nya sa lulutuin na sopas.

Ngumiwi ako dahil ayaw na naman ni Sir Haryl. Ayaw nya ba maging masigla ang bahay na 'to? Oh well, sya naman ang may ari, hindi dapat ako makielam.

"Ate Nita, hindi ba kayo nagagalit dahil hindi naman inuubos ni Sir Haryl ang pagkain at madalas, tinatapon pa nya."
"Sanay na ko sakanya at wala rin naman ako magagawa. Ang trabaho ko lang ay magluto."

Hinintay ko maluto ang pagkain para ihatid na rin sa taas. Naamoy ko na ang luto ni Ate Nita, amoy masarap. Sana naman kumain ni Sir at ubusin nya 'to.

Sa pagtatrabaho ko rito ay libre ang pagkain ko pero minsan nakakalungkot dahil ako lang mag-isa ang kumakain dito sa kusina. Umuuwi kasi agad si Ate Nita.

"Camel, nagpaalam na pala ako kay Ma'am Hannah na simula bukas ay hindi na ko magtatrabaho."
"Ho?" Bigla ako umalis sa high chair dahil sa gulat ko sa anunsyo nya.

Luto na ang sopas at inililipat nya na ito sa bowl. Kinuha nya ang tray para ipatong doon ang bowl.

"Kailangan ko na bumalik sa probinsya namin dahil doon talaga ko galing. Gusto rin ng mga anak ko na umuwi ako roon." Lumungkot ang mukha ko sa narinig.
"Sino na ang magluluto?"
"Maghahanap pa raw sabi ni Ma'am Hannah. Pasensya ka na, Camel."

Malungkot ko hinatid ang sopas sa kwarto ni Sir. Gising na sya at nakaupo na naman sa paborito nyang pwesto habang tulala. Inilapag ko ang tray sa mesa at kumuha na rin ng gamot sa isang cabinet para inumin nya pero alam ko sa huli ay magiging display lang ito sa mesa.

Tahimik ako umupo sa single sofa. Aalis na si Ate Nita, wala na ko magiging kausap dito sa bahay. Mag-a-adjust na naman ako kapag may bagong tagapagluto na dumating. Nakilala ko naman ang mga housekeeper dito, dalawa sila naglilinis pero twice a week lang sila pumupunta at mukhang mahirap sila kausapin. May hardinero rin pero kapag nandyan na sa likod ng bahay, hindi na ko lumalabas o tinitingnan sya.

Napatitig ako kay Sir. Sana naman kumuha sya ng yaya rito sa bahay. Mayaman naman sila. Napakamot ako sa ulo ko dahil sa mga iniisip.

'You are really different to other caregivers huh? because they could touch me to give me a help but you? You just wouldn't help!'

Bigla pumasok sa isip ko ang sinabi ni Sir. Kinukumpara nya ko sa mga dating nag-aalaga sakanya. Kung tinutulungan pala sya ng mga dating caregiver nya, bakit nya pinapaalis? May mga ayaw ba sya?

Caring My Rapist (Full Story on Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon