Chapter 01

3.2K 96 0
                                    

Apat taon na ko nagtatrabaho bilang caregiver. Hindi na ko nakapagtapos ng kolehiyo, hanggang senior high lang natapos ko.

Malaking tulong ang kinuha kong kurso ng caregiver sa senior high dahil ito ang tumutulong sakin. Nakapasa ako ng NCII at pagkagraduate ay nag-apply din ng trabaho sa isang agency na tinanggap din ako kalaunan.

"Camelaine Betanzor. 25 years old..." Basa ni Ma'am Hannah sa folder.

Pagpunta ko rito ay sya ang sumalubong sakin at nagpakilala rin. Kapatid sya ni Sir Haryl, ang lalaki na aalagaan ko.

Nakaupo ako sa harapan nya dito sa sala. Malaki ang bahay nila at tahimik rin.

"Ikaw ang pinadala ng agency nyo?" Tanong nya pagkatapos basahin ang tungkol sakin.
"Opo."
"I hope you will be longer here."
"Sana nga po, Ma'am." Napipilitan kong sabi.

Lima silang magkakapatid at ang nasa harapan ko ay pangatlo. Si Sir Haryl naman ay bunso sakanila. Wala na rin ang mga magulang nila, dahil namatay ang ina nila sa pagkakaanak kay Sir Haryl at ang tatay naman nila ay sa lung cancer.

Ang pagkakaalam ko ay may mga sarili na rin sila pamilya maliban nalang kay Sir Haryl.

"Si Haryl nasa taas at mukhang natutulog pa. Sakanya ang bahay na 'to at hindi rin namin sya kayang alagaan dahil may mga pamilya na kami." Namilog ang mga mata ko sa gulat.

Hindi sila nakatira rito? Ibig sabihin, mag-isa lang dito si Sir Haryl.

"Ayaw ni Haryl na alagaan sya pero bilang kapatid nya at pamilya ay nag-aalala kami sakanya. He is blind and we afraid that he might do something bad for himself. May housekeeper sya at tagapagluto rito pero umaalis din sila at hindi rin nakatira dito kaya madalas ay mag isa sya rito sa bahay."
"Bakit di nyo nalang ho kayo tumira dito?" Simple nya ko nginitian at tumingin sa taas.
"We're busy in our bussiness and family. Ayaw din ni Haryl na nandito kami palagi."

Pagkatapos nya ko e-tour sa loob ng bahay ay pinasunod ako ni Ma'am Hannah sakanya papunta sa second floor. Ipapakilala nya raw ako kay Sir Haryl. Hindi ko maiwasan kabahan dahil ito ang unang lalaki na aalagaan ko.

"Tatlong buwan na siguro simula lumipat dito si Haryl kaya medyo hindi pa nya kabisado ang buong bahay nya." Kwento ni Ma'am.

Tahimik naman ako sumusunod sakanya hanggang tumigil kami sa isang pintuan. Binuksan nya 'yun at pumasok kaming dalawa.

Sa pagpasok namin ay madilim ngunit nang makita ang liwanag na nagmumula sa likod ng kurtina ay hindi pala dahil nagsisilbing itong ilaw sa loob.

"Haryl!" Tawag ni Ma'am sa kapatid.

Nakita namin ang bulto ng katawan ni Sir Haryl sa sulok. Nakaupo ito at nakasandal sa pader habang may hawak na bote.

"Naku naman! Haryl, nag inom ka na naman!" Lumapit sya sa kapatid at inagaw ang bote sakanya.
"What are you doing here?" Malalim tanong ni Sir kahit nakayuko pa ito.
"Dumating na ang bagong mag-aalaga sayo. At pwede ba, baguhin mo na ang ugali mo."

Tumayo si Sir at kinuha ang mahabang stick sa tabi nya, napaatras ako ng isang hakbang dahil sa kilos nya.

"Ilang ulit ko na sinabi na ayoko may mag-aalaga sakin, Hannah. Why can't you understand me?" Halong inis at galit sa boses nya.
"Haryl, nag-alala kami sayo. Hindi ka kumakain araw-araw, iniipon mo ang pagkain sa lamesa mo hanggang mapanis nalang ito!"

Bumaling ako sa mesa na sinasabi ni Ma'am. Masama ako napangiwi sa nakita, tambak ang mga plato at may mga pagkain pang laman.

"Tinatapon ko naman sa basurahan kapag panis na." Napaawang ako sa sinabi nya.

Caring My Rapist (Full Story on Dreame)Kde žijí příběhy. Začni objevovat