Chapter 02

2.5K 99 5
                                    

Pangatlong araw ko na nagtatrabaho kay Sir Haryl. Hindi pa sya kumakain sa tamang oras. Ayaw nya rin na bantayan sya at alagaan. Kapag pinipilit sya, nagagalit. Sumasakit ulo ko sakanya. Parang bata!

"Sir, nandito na ho ang pagkain nyo." Linagay ko sa mesa ang pagkain.

Nakaupo na naman sya sa paborito nyang pwesto sa gilid na malapit sa bintana. Tahimik at tulala lang sya na parang may malalim na iniisip.

Lumapit ako sakanya. Hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako kapag lumalapit sakanya pero kailangan ko labanan ang takot ko. Napagtanto ko rin na hindi naman pwede na forever ako maging takot sa ibang lalaki, marunong na kong mag self-defense kung sakali na may masamang gawin sila sakin. Ayoko mangayari ulit ang madilim na nakaraan.

"Umalis ka na." Malamig nyang turan.

Madalas syang ganyan, pinapaalis ako. Syempre, hindi ko sinusunod dahil kailangan ko gawin ang trabaho ko, ang bantayan at alagaan sya. May mga CCTV dito kaya baka binabantayan din nila ako Ma'am Hannah kung ginagawa ko ba ang trabaho ko, ayoko silang biguin at madismaya.

"Kanina pa ho kayo umaga hindi kumakain, may gamot pa kayo kailangan inumin."

Ayon kay Ma'am, may mga gamot si Sir Haryl para sa kalusugan at sa mata nya pero hindi nya iniinom. Sobra talagang hirap nya alagaan pero hindi ako susuko. Kung aalis ako rito, dapat nya muna baguhin ang sarili nya.

"Hindi ka ba nagsasawa na dalhin ako ng pagkain? Wala akong gana kaya umalis ka na." Irita na nyang sabi.

Alam nya ba kung anong nakakasawa? Ang mga sinasabi nya. Pauli-ulit na tumatanggi. Kakain lang sya kapag gusto nya, kakain sya pero hindi nya inuubos ang pagkain. Sinasayang nya talaga!

Nakilala ko na ang tagapagluto rito sa bahay, si Ate Nita, nasa kwarenta pataas ang edad nya. Pumupunta sya rito ng umaga, tanghali at hapon para magluto pero ang pagkain na niluluto nya ay sinasayang ng lalaki na 'to.

"Gusto nyo Sir, subuan ko kayo para kumain na ho kayo." Ngumiwi ako pagkatapos ko 'yun sabihin.

Hindi nya ko pinansin at naging tahimik lang. Ayaw nyang subuan sya, ayaw nya kumain. Umirap ako sa kawalan at umupo sa single sofa na malapit sakanya.

"Alam nyo Sir, dapat kumain na kayo. Masarap naman ang pagkain. Hindi ka ba naaawa kay Ate Nita, ang tagapagluto nyo. Naghirap sya magluto para sayo pero hindi mo naman kinakain."

Ganito ako madalas kapag walang ginagawa at nagbabantay lang sakanya. Kinakausap sya kahit di nya ko sinasagot minsan. Nagiging madaldal lang si Sir kapag galit o naiinis.

"Oh, Sir, saan ho kayo pupunta?" Pansin ko nang tumayo sya at naglakad papunta sa mesa.

Kakain na ba sya? Sabi na eh, magugutom din sya. Napangisi ako nang ginalaw-galaw nya ang kamay nya sa mesa para hanapin ang tray na naglalaman ng pagkain.

"Tulungan ko na ho kayo, Sir." Pero bago pa ko makatayo ay nakuha na nya ang tray.

Ang ngisi na nakaplaster sakin mukha ay nawala agad nang tinapon nya ang pagkain sa malapit na basuran. What the... shet! Isa-isa nya pa kinuha ang plato at bowl sa tray para itapon ang laman nito.

"Sir, bakit nyo tinapon?" Medyo inis at dismaya kong tanong.

First time ko makita na ginawa nya ang pagtapon ng pagkain. Sa tuwing hindi sya kumakain ay ako ang nagliligpit at ininilagay ko ang pagkain sa plastic para ibigay sa mga pulubi na dinadaan ko pauwi kasi sayang naman kung tatapon lang! Marami pa naman.

"Dahil wala akong gana." Tamad nyang sabi at ibinalik ang tray sa mesa na wala ng laman.

Nilampasan nya ko at bumalik sa pagkaka-upo kanina. Pumikit ako para ikalma ang sarili ko, parang nanlumo ako sa ginawa nya. Nakakainis! Pagkain yun! Oo, hindi galing sakin ang pera yung pagkain pero sayang eh! Dapat na ba ko masanay sa mga ginagawa nya?

Caring My Rapist (Full Story on Dreame)Where stories live. Discover now