Chapter Fifteen

272 16 2
                                    

Gabby's POV

It's time for me to go back to Manila, I need to see Kai. She's been texting me since she knew how, she wants me to go home. Gusto ko ding umuwi saglit, next week na ang trip namin to Boracay kaya uuwi muna ako, I want to be with Sofia all the way to Bora.


Papunta na ako ng airport ngayon, na miss ko din si Kai pati ang mga helpers namin. My parents? Well, na miss ko din naman sila, but ewan, hindi ko talaga mapigilang ma disappoint everytime naaalala ko sila.



Nasa airplane na ako, napa buntong hininga nalang ako while looking at the sky.


See you Manila...


Drake's POV


Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria, galing ako sa office ko making some paperworks nang may mabangga akong batang babae, mga nasa 10 or 11 years old.


"Ouchhhh!" Sabi niya, napahiga siya nang mabangga ko kaya agad ko siyang pinatayo.


"Sorry bata, sorry hindi ko talaga sinasadya," sabi ko, I bent down to help her up. Tumitig naman siya sa'kin na para bang kilala niya ako, and then smiled.


"It's okay po kuya, but can I have a favor?" Sabi niya. "Please?"


Napangiti naman ako, ang cute niya. "Oh sure ano yun?" Tanong ko sa kaniya.


"Can you take me to the cafeteria? I want to buy ice cream," mas lalo pa akong napangiti sa sinabi niya.


"Oo naman, sakto, I'm going there too. Halika," sabi ko sabay hawak ng kamay niya.


Nasa cafeteria na kami ngayon, she's sitting on the table at ako naman ay umorder ng ice cream, ito nalang din kakainin ko for snacks para parehas kami, I bought her burger too.


"Oh heto," sabi ko sabay upo sa tapat niya.


"Wow, thank you po!" Excited niyang sabi sa'kin. Napangiti nalang ako at nag-umpisa nang kumain.



"Alam n'yo po? Bagay kayo ng ate ko," biglang sabi ng bata habang kumakain ng ice cream niya.


"Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya.


"Ewan, feel ko po nakita ko na kayo sa dreams ko, tapos magkasama kayo ng ate ko," sabi niya, natatawa naman ako sa mga sinasabi niya.


"Talaga ba?" Sabi ko nalang, wala kasi akong masagot sa mga sinabi niya.


"Yes po, you should meet her po," sabi niya sa'kin.


"Na'san ba siya ngayon?" Tanong ko, wow curious ka Drake?


"Papunta na po dito," sabi niya sa'kin. "She's from Cebu po kasi, tapos uuwi siya dito para sa'kin," dugtong niya.


"Wow naman mahal na mahal ka talaga ng ate mo, 'no?" Sabi ko naman sa kaniya.


"Of course po!" Nakangiting sabi niya, ang cute niya, she reminds me of someone.


I checked my wrist watch and my break is over na pala kaya I told her to go back inside the building kasi madami pa akong work, she agreed naman and we immediately headed back to the building.


"Saan ba kita ihahatid?" Tanong ko sa kaniya.


"Ikaw nalang po ihahatid ko kuya," sabi niya habang nakahawak sa kamay ko. Napangiti naman ako, parang matured kung magsalita 'tong batang 'to, para talaga siyang si...



Let The Love BeginWhere stories live. Discover now