CHAPTER ONE

576 16 0
                                    

"Gabriella gisingggggg!"
"Gabby wake up, male-late na tayo sa school."
"Gabby pag ikaw di bumangon dyan iiwan talaga kita."

Ang aga-aga ang ingay! Bakit ba may mga pakialamera sa buhay ko!? Isa na 'tong si Sofia dun, ang bestfriend ko. Palagi nya akong dinadaanan dito sa bahay just to make sure na papasok talaga ako. She's my nerd bff, top 1 sa class. Hindi nya gustong mahuhuli sya kaya nya ako kinukulit na bumangon.

"Sofy can you give me a minute?" antok na sabi ko habang nakapikit.

"No way Gabby! It's our first day as Senior High Student, baka ma bad record ako nyan!" inis na sambit niya.

"Mauna ka nalang sofy, promise papasok talaga ako." antok pa ding sabi ko.

"Gabby sabi kasi ni titamom hintayin kita at sabay tayong pumasok. Kaya get up and fix yourself." sabi niya sakin.

Bakit ba palagi nyang sinusunod mommy ko? Eh wala nga yung pake sakin eh. Akalain mo yun, pinasa nya sa bestfriend ko responsibilities nya? Hanep!

Bumangon ako at naligo, si Sofy naman ay kumakaon sa dining room. Dito na siya kumakain sa'min pag fene-fetch niya ako papuntang school, ang aga nya kasi masyado. Anyways, walking distance lang naman yung bahay nila, nasa iisang village lang kami.

Siya si Sofia Elena Diaz, my childhood bestfriend. Highschool classmates yung mga magulang namin. Siya na ang naging sister ko since then. Kahit meany ako sa kanya, mahal ko yan. Siya ang pinaka mabait na taong nakilala ko, kaya swerte ako dyan. Siya lang hindi sumuko sa attitude problems ko. Matalino din siya, well matalino din naman ako pero hindi ko siya kayang lamangan, ewan. Wala din akong interest na lamangan siya, masyado kasi syang masipag mag-aral. Meron syang ate, si ate Chandria, nasa Italy siya ngayon, dun sya nag-aaral. Mabait din masyado yun, umalis sya ng bansa dahil sa isang tragic reason.

I am fixing my things when Sofy shouted sa baba.

"Gabbyyyyyyyy bilisan mo nga dyaannnnn mali-late talaga tayo, pag ako na bad record friendship over na talaga!" sigaw niya.

Dali-dali naman akong bumaba at binigyan siya ng isang perfect roll-eyes.

"Sofy can you stop being bungangera? Ang aga-aga pa. Isa ka talagang asal squatter." mataray na sabi ko sa kanya.

"Duh. I don't care Gabby!" magmamataray nya din at binigyan pa ako ng roll-eyes.

Sumakay na kami sa kotse niya. Nakakapag drive na siya dahil may licence na siya, nag 18 na siya last summer.

DRAKE'S POV

Nasa school na ako ngayon, kanina pa ako dito, 6am pa lang. Maaga akong pumunta kaso first day ko dito, first time ko ring pumasok sa isang private school. Pina baunan ako ni nanay ng puto dahil nagbebenta siya tuwing umaga ng mga kakanin at sa gabi naman ay bbq ang tinitinda namin.

Pagdating ko dito sa school hinanap ko agad yung classroom ko. Scholar na pala ako dito, ang may-ari kasi nito ay childhood best friend ko sila yung pinapasukan ni nanay noong bata pa ako. pagkatapos kong nahanap ang classroom ko ay dali dali akong lumabas at hinanap ko yung mga kaibigan ko.

Tumatakbo ako ng biglang may babae akong nakabangga.

"Miss sorry talaga, hindi ko po kayo nakita sorry po talaga." sabi ko, nakakatakot yung mukha nya.

"Are you blind? Hindi mo ba ako nakita? Or are you stupid?" mataray na sabi niya.

"Sorry po miss nagmamadali lang talaga ako." paliwanag ko sa kanya.

Let The Love BeginWhere stories live. Discover now