CHAPTER THREE

292 11 0
                                    

Gabby's POV

Nag text si Sofy sa'kin na hindi niya ako masusundo dahil sasabay lang siya sa daddy nya at maaga silang aalis. Bumangon ako para sabihan ang driver namin.

"Manonggg? Papahatid po ako sa school, umalis na si Sofy eh." sabi ko sa driver namin.

"Okay Gabby!" nakangising sagot niya.

Bumalik ako sa kwarto ko upang maligo at mag bihis. Pagkatapos, bumaba na ako para kumain nang mag text si Sam.

1 New SMS from Sammy

Gabby dalian mo, we will have a diagnostic test ngayon, ang hindi makaka-take ay ililipat daw sa ibang section.

"Shittttt No wayyyyyy! Hindi pwede, mga dumb freaks lang ang nasa kabilang section." sigaw ko, at agad agad na akong pumunta sa parking lot namin.

"Manong pwede po bang umalis nalang tayo? Late na po kasi ako." sabi ko kay manong.

"Oh sige Gab, dali." pagmamadali naman ni manong sakin.

Dali-dali kaming umalis, sinabihan ko na si Manong na pakibilisan kasi malayo-layo pa yung school ko.

Halfway na kami nang nagkaproblema ang sasakyan namin.

"Hala Gab! Nasunog yung makina ng sasakyan." sabi na Manong sa labas na chine-check kung anong nangyari.

"Hala manong pa'no yan!?" nag-alalang tanong ko. No way, hindi ako pwedeng ma late, hindi ako pwedeng ma transfer sa ibang section.

Nagulat ako nang may pinarang tricycle si Manong.

"Gab hindi ko ito maaayos kaagad. Male-late ka kung maghihintay kapa sakin, kunti lang taxi ngayon lahat ng dumadaan occupied." sabi sakin ni Manong. "Pwedeng dito ka nalang muna sumakay sa kaibigan ko? Yung umayos nung aircon mo?" sabi nya sabay turo sa tricycle.

What? Bakit naman ako sasakay sa isang cheap vehicle? Gooodddd! Bakit ba ang malas ko ngayong araw!?

"Hali ka na miss!" sabi ng driver ng tricycle.

"No way!" mataray na sabi ko.

"Ayaw nya tay, halika na! Male-late pa ako nito." sabi ng isang pamilyar na boses sa loob ng tricycle.

"Sasabihin ko nalang kay maam ha na absent ka nalang. Ang arte mo." Bigla siyang dumungaw sa akin.

Si Drake. Ang lalaking scholar na mahirap. Ugh! Wala na talaga akong choice ayaw kong ma late, ayaw kong malayo sa mga kaibigan ko, ayaw kong tawaging bobo.

"Tara na tay!" sabi ni Drake.

"Waittttttt! Manong, sasakay po ako sa'yo" sabi ko, wla na talaga akong ibang option kundi ito lang. "Pero pwede bang e disinfect ko muna tong tricycle nyo?" sabi ko sabay kuha ng alcohol ko at ini-spray yun sa upoan ng sasakyan, ini-spray ko na rin yung Drake. Duh, baka may virus pa sila no?

"Salamat pare ha? Ingat kayo." sabi ni Manong sa papa ni Drake.

Pag ako talaga nakita ng mga schoolmates ko ewan ko nalang talaga.

"Alam mo, ang taray mo rin no? Ikaw na nga tinutulongan ikaw pa maarte." biglang sambit ni Drake. "Yan ba ang attitude ng mga privileged people na kagaya mo?" tanong n'ya.

"Can you stop talking to me?" sabi ko sa kanya at tumahimik naman siya. Malapit na kami sa school nang pinahinto ko yung tricycle.

"Ah manong? Dito nalang po ako, wag nalang po kayong dumiretso dun sa gate kasi nahihiya po ako sa mga tao. Baka akalain nilang mahirap na kami." sabi ko. Huminto naman ang tatay ni Drake. "Manong heto oh, bayad ko, salamat ha." sabi ko sabay abot ng pera dun sa tatay ni Drake, at agad-agad akong tumakbo papuntang school, sana walang nakakita sakin.

Let The Love BeginWhere stories live. Discover now