CHAPTER FIVE

268 13 0
                                    

Gabby's POV

"Good morninggggg earthhhhh!" bati ko sa mundo hahaha kakagising ko lang, ang sarap sarap ng tulog ko at ang sarap din ng gising ko.

Agad akong bumangon at naligo, tapos nag ayos na ako.

Ngayon pala babalik si Drake sa school. Ang saya saya ko!

"Good morning to my beautiful yaya and my handsome Manong Joel!" bati ko sa kanila na sa kasalukuyan ay nag hahanda ng breakfast ko.

"Yaya, paki dalawa nung lunch ko." utos ko kay yaya.

"Para kanino yung isa?" tanong naman nya.

"Duh yaya secrettttt." sabi ko habang nakangisi.

After I ate my breakfast ay umalis na ako agad papuntang school, sinundo ako ni Sofia. Sinabi ko kay Sofia lahat ng nangyari sa bahay nila Drake.

"Uy nakakakilig naman kayo!" sabi niya habang nakangiti.

"Anong nakakakilig dun Sofia?" sabi ko naman sa kanya.

"Wag ka ngang mangialam sa mga sinasabi ko, basta ko kinikilig talaga ako." sagot naman niya. "But kidding aside, I'm so glad Gabby na naging okay ka na kay Drake." dugtong naman nya.

"Oo nga eh, who would have thought Sofia?" sabi niya, ang laki pa din ng ngiti niya.

"Next time sama ka samin ha?" pag-aaya ko sa kanya.

"Oo naman, kailan ba?" tanong niya.

"Depende nalang kay Drake." sagot ko.

Sa dami kong chika kay Sofia, hindi na namin namalayan na nandito na pala kami sa school kaya dali-dali kaming pumasok.

Pag dating namin sa classroom, nandun na sina Drake kasama ang mga kaibigan niya.

"Drake!" sigaw ko, napatingin naman lahat ng kaklase namin at lahat ay nagtataka.

Tumakbo ako papuntang upuan namin. I didn't mind the stares my classmates gave me, not even Sam's stare.

"Uy sabat tayo mag lunch ha?" sabi ko.

"Sa labas pa din ako kakain Sam." sagot naman nya.

"No worries, dinalhan kita ng lunch, masarap magluto yaya ko." excited kong sabi sa kanya.

"Sige na nga, malakas ka sakin eh." sagot niya habang nakangiti.

"Yey! Thank youuuu!" sigaw ko at bigla ko siyang niyakap, ewan ko kung bakit. Ano ba to, ang weird ko na ata.

"Wow nag-iba ata ang simoy ng hangin Gabby." sabi ni Sam at naglakad sya papunta samin.

She's the meanest, alam kong ayaw nya ang mga nangyayari. I kept silent and everyone around is looking at us.

"Sama ako sa lunch nyo." sabi nya nang nakangiti.

I felt so relieved, she's not mad, in fact she's happy.

"Drake, I'm sorry for what happened noon. Friends?" sabi niya sabay abot ng kamay kay Drake.

"Oo naman!" sabi ni Drake at nag shake hands sila.

"Good job sweetie." sabi ni Sam sakin at umalis na papuntang upuan niya.

"Mabait naman pala kayo eh." bulong ni Drake sakin.

"Sayo lang." bulong ko din sa kanya at nagtawanan kami silently kasi nandito na ang adviser namin.

Lunch time na, sabay kaming lumabas ni Drake, at sumunod naman mga kaibigan namin.

Let The Love BeginWhere stories live. Discover now