Chapter 21

153 11 4
                                    

KIAN'S POV

"Kian..."

Nagising ako sa pagtapik ng isang kamay sa akin. I opened my eyes and immediately examined the place. Nasa watcher's area pa rin pala ako ng ICU dito sa ospital. Nakatulog ako nang hindi ko namalayan. Standing in front of me is Abigail's mom kaya't napabangon ako agad.

"G-Good morning po." Binati ko siya habang bahagyang inaayos ang aking buhok.

"Umuwi ka muna. Ako na ang bahala kay Abi dito." Saad ng mama niya. I looked at her for a while and stood up. I guess she's right. I'll shower up first, tapos babalikan ko na lang si Abi.

"Sige po–"

"Malou..." pagtawag ng isang doktor sa mama ni Abi kaya't sabay kaming napalingon dito.

We bowed a little to greet her and she did the same. Aalis na dapat ako pero something urged me to stay there and listen to their conversation.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam ko namang alam mong kailangan niya nang maoperahan, hindi ba?" sabi nito.

Yumuko si Tita Malou.

"Doc, wala pa kasi talaga kaming pera. At, ayaw din ni Abigail. Pwede bang intayin na lang natin siyang magising?" sabi ni Tita.

"I understand. Pero alam mong hindi na natin to dapat dine-delay. Baka dumating tayo sa puntong pati operasyon, hindi na magwo-work sa kanya." She tapped Tita's shoulders and smiled a bit. "I'll go check on her. She's actually stable right now so pwede na natin siyang ilipat sa regular room mamaya."

Isinuot na ni Doc ang kanyang face mask at nagsanitize ng kamay bago pumasok sa loob ng ICU kung nasaan si Abigail. Umupo si Tita Malou. at tinabihan ko siya.

"Bakit po ayaw ni Abi magpa-opera?" diretsong tanong ko.

She smiled sadly. "Dahil sa tatay niya. May sakit din 'yun sa puso, katulad ni Abi. 'Yung tatay niya, pinaoperahan namin noon. Sabi ng doktor, maayos naman daw ang naging operasyon. Pero dalawang araw matapos 'yon, biglang nagkaroon siya ng mga komplikasyon. Kaya ayun, nawala nang tuluyan ang tatay ni Abi."

I nodded, trying to absorb all the information.

"Noong malaman naming may sakit din sa puso si Abi, ang unang-unang sabi niya ay ayaw niyang ma-admit at mas lalong ayaw niyang magpa-opera. Na trauma yata siya doon sa nangyari sa tatay niya, at ayaw niyang mangyari sa kanya 'yon." Dagdag pa ni Tita. Now, I fully understand Abigail. "Sabi niya, ayaw niyang mamatay sa ganoong paraan."

Her voice almost broke while she said that, na parang ang sakit-sakit sa kanyang binanggit niya pa 'yon.

Tumayo si Tita at tumingin sa glass window kung saan natatanaw namin si Abigail na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

"Naaawa na nga ako sa kanya, eh. Alam kong nahihirapan na din siya. Minsan nga, kinakausap ko ang Diyos na huwag nang pahirapan ang anak ko. Kung kukunin Niya na, kunin Niya lang nang hindi na ito pinahihirapan pa."

She sniffed. I looked at her and there were tears flowing on her cheeks already. Niyakap ko ang mama ni Abigail para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Huwag naman pong ganyan, Tita."

Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko nang sinabi niya sa akin 'yon. It was as if she is ready to let Abigail go.

"Diyos lang naman makakapag-sabi, Kian..."


-

Maybe It's YouWhere stories live. Discover now