Chapter 14

174 12 3
                                    

KIAN'S POV

"Good morning, Kian. Kape?"

Napangiti ako nang makita ko si Abi dito sa staff room. Maliwanag naman ang paligid pero mas maliwanag siya sa aking paningin. Lalo na because she's wearing a white Sunday dress right now. I almost ran towards her because of excitement pero pinigilan ko ang sarili ko.

Tinanggap ko ang kape na hawak-hawak niya. "Thank you. I'm glad you're here..."

"Nahirapan ka ba kahapon habang wala ako?" she asked me.

"No. I'm fine. I was just worried baka... nevermind."

I sipped from the cup of coffee she gave me. "Baka ano?"

I looked at her and placed the coffee down. "Ivan said you ghosted me."

Natawa siya sa sinabi ko. "Ano'ng ghosted uy? Hindi ko naman kasi gagawin 'yun."

I turned to her. "Abi, walang session this Saturday. Gusto mo, uh, gala tayo? Sunduin kita sa inyo..."

She smirked. "Kian, umamin ka nga..." Kinabahan ako bigla when she said that. "Gusto mo ba 'ko?"

I let out a faint laugh when she said that. I held her hand and looked at her in the eyes.

"Well, Mia Abigail..." her eyes widened. I smirked back. "I like you..."

She stared at me for a while, her eyes still wide. She removed her hand from my hold.

"A-Ano ka ba, joke lang kasi – "

I held her hand back and she looked at me again. "I'm not joking, Abi. Gusto talaga kita. Will you give me a chance?"

Her nervous face softened. She smiled sweetly and nodded.

"Really? So... tayo na?"

Hinampas niya ako nang mahina. "Baliw, ligawan mo kaya muna ako?"

Tumawa siya at natawa na din ako. "Okay, okay. My bad. I'll court you, Abi. But, Saturday, please?"

"Oo na. Saan na naman tayo pupunta?" she asked.

"It's a surprise."

She didn't ask much anymore. The kids arrived and we all proceeded with the session until the end.

Nang matapos ay tinulungan ko siyang iligpit ulit ang mga upuan at ang mga booklets.

"Hatid na kita pauwi?" I told her.

"Char, may kotse ka ulit ngayon?" she said. I held the back of my head when I realized na nasa Davao nga pala ako at wala akong sasakyan dito. "Okay lang ako, ano ka ba. 'Tsaka, may dadaanan pa kasi kami ni Jessa eh."

"Oh. Sa'n kayo?" I felt like I'm being nosy pero I can't help but ask.

"Uhh, basta. Ikaw ba, sa'n ka?"

"I guess I'll go with the boys. Ingat kayo ha? And uh, update me?" nahihiya ko pang sabi sa kanya.

We went out of the staff room and I saw Jessa waiting for her outside.

"Una na kami, Kian..." she waved goodbye.

"Bye, Kian..." ani Jessa.

-

ABIGAIL'S POV

"Omg, so suitor mo na siya? Naks, ganda mo, pinsan!" panunukso niya sa'kin.

"Pero natatakot kasi ako eh."

"Shh. Seize the moment, my dearest cousin. 'Wag ka munang mag-isip ng kung anek-anek d'yan..."

Inirapan ko siya. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si nanay. Sinagot naman niya ito kaagad. "Nandito na kami ni Jessa, Nay. Nasaan ka na po?"

"Malapit na 'ko..."

"Sige, Nay. Dito lang kami sa labas ng clinic mag-hihintay."

Binaba ko na 'yung tawag, Umupo kami ni Jessa dito sa harap ng clinic ni Dra. Bernardo, ang doctor ko.

"Salamat at sinamahan mo 'ko rito ha." Sabi ko sa kanya.

"Siyempre naman. Kinabahan talaga 'ko sa'yo kahapon, Abi."

Malungkot ko siyang nginitian. Maya-maya ay dumating na si nanay. Nagmano kaming dalawa ni Jessa sa kanya bago umupo ulit.

"Mia Abigail Salvador?" tawag nung secretary ni doc.

Tumayo na kaming tatlo at pumasok sa loob.

"Magandang hapon, Doc." Bati namin ni nanay sa kanya.

"Magandang hapon, din. Dito ka, Abi..." pinaupo ako ni doctora sa maliit na silya sa tabi niya samantalang sina nanay ay doon sa pahabang couch sa gilid. "How are you feeling today?" tanong niya habang chinicheck up ako.

"Mas okay na po ako ngayon kaysa kahapon, Doc." Sagot ko naman. Tumango lang siya.

"Please don't stop drinking your meds, Abi. 'Pag naulit 'yun, iaadmit na talaga kita ulit." Pagbabanta niya sa akin.

"Tigas talaga ulo niyan, Doc. Nakakainis. Tusukan mo nga po, yu'ng masyadong masakit." Pagsingit ni Jessa.

"Akala ko okay na 'ko Doc eh. Nabigla din po ako kahapon." sagot ko naman.

"Abi, alam mo naman na – "

"Opo, Doc. Naiintindihan ko po. Sorry po."

Ngumiti na lang siya at tinapos ang pag check up sa'kin. "You know your complications, right? Take care of your heart."

"Pero pwede pa rin naman siyang magmahal, 'di ba Doc?" tanong ni Jessa. Nakita kong kinurot siya bahagya ni nanay pero tumatawa naman sila. Tumawa din si Doc.

"Pwede naman. Meron bang iniibig 'yan?" natatawang sabi ni Doc.

"Naku, 'wag kang makikinig d'yan Doc."

Bumaling ako sa kanila ni Nanay at tiningnan ko sila ng masama. Nakakahiya kay Dra. Bernardo.

"Here. Drink your meds, Abi please. Stop being so hard-headed..." anito.

Tumayo na ako at kinamayan si Doc. "Thank you, Doc..."

Lumabas na kaming tatlo para pumunta sa botika ng ospital na ito. Dito talaga kami bumibili ng gamot ko kasi nakaka-discount kami dahil kay Dra. Bernardo. Malapit kasi siya sa pamilya namin.

Nang mabili ang gamot ay umuwi na kami ni Nanay. Si Jessa din ay nauna nang umuwi.

"Pahinga ka na muna. Magluluto ako para may laman ang tiyan mo. Iinom ka pang gamot." Ani nanay.

Umupo ako sa sala at pinaandar ang tv. Naalala ko ang nangyari sa akin kahapon. Akala ko talaga mamamatay na 'ko no'n eh. Kahit pala talaga gaano'ng paghahanda 'kong mamatay, natatakot pa rin pala talaga ako...

Nakita ko ang phone ko na maraming text mula kay Kian. Binasa ko lahat ng 'yon at napangiti. Pumikit ako at pasimpleng kinausap si Lord.

Lord, pwede pong isa pang chance mabuhay? Binigyan niyo po kasi ulit ako ng rason para maging masaya eh. Sayang naman kung hindi natin magagamit...

Maybe It's YouWhere stories live. Discover now