Chapter 10

189 12 3
                                    

ABIGAIL'S POV

"Kaya pala, pilit nang pilit itong si Sandra kanina. Imbes ako 'yung magsusurprise sa inyo eh," ani ate Laura. "Pero salamat sa inyong lahat. Sa pagmamahal niyo sa akin at sa pag-iintindi ninyo. Nararamdaman kong marami rin ang magmamahal sa baby girl ko. Thank you, MFC fam. Mahal ko kayo. Ano ba 'yan naluluha ako, gan'to ba talaga kapag buntis?" pabirong sabi ni Ate Laura kahit naluluha na siya. Binigay niya ang mic kay Kuya Von para ito naman ang magsalita.

Katatapos lang naming kumain, pero kumakain pa din ako ng prutas dito sa table namin nina Jessa.

"Ayun, maraming salamat sa inyo. Hindi niyo naman kailangang gawin 'to, pero ginawa niyo pa rin. At siyempre, salamat sa pag-aalaga niyo sa asawa ko kapag nasa malayo ako, ha? Kumakayod lolo niyo, eh..." Tumawa kami nang sinabi ni Kuya Von 'yun. "Salamat din sa pagtugtog niyo kanina, boys! Oh siya, i-enjoy niyo lang 'yung gabi. Maraming salamat ulit."

Nagpalakpakan kaming lahat. Kinuha ni Sandra 'yung mic galing kay Kuya Von, since siya naman ang host kuno namin tonight.

"Thank you Ate Laura at Kuya Von. Happy Anniversary sa inyo at congrats sa baby niyo." Sabi ni Sandra. "Pero request naman, isang slow dance naman diyan."

Umalis na si Sandra sa stage. Biglang nagplay ang I Do sa speakers ng hall. Inalay pa ni Kuya Von ang kamay niya kay Ate Laura para ayain itong sumayaw. Naghiyawan naman ang ibang kasama namin dito nang nagsimula silang sumayaw. Pinanood muna namin sila. Maya-maya, nakita kong tumayo ang mga magulang ni Ate Laura at sumayaw na din. Tapos isa-isa nang nagsipuntahan ang mga tao sa gitna. Nagulat kami nang ayain ni Jason si Mary Ann at tinanggap niya naman ito.

"Aba, Mary Ann, may hindi ka sinasabi sa'min ah?" nanunuksong tugon ni Anna dito. Magkasama kasi sila sa choir pero mukhang hindi ito nagkukuwento sa kanila. "Hala, hindi namamansin."

Naghagikgikan lang kami rito at nagkukuwentuhan.

"Maligo tayo sa pool?" pag-aaya ni Anna.

"Ay gusto ko 'yan. Let's go!" ani Jessa. "Sama ka, Abi?"

"Hindi na muna..." pagtanggi ko.

Hindi naman na niya 'ko pinilit. Lumabas na sila at palagay ko'y patungo na sila sa pool sa baba. Tumayo ako at pumunta sa railings. Makikita kasi mula dito ang pool. At doon, nakita ko sina Sandra, Jessa, at Anna na nag-eenjoy na sa pagligo. Nandoon din ang ibang members ng MFC na hindi na sumali sa sayawan. Tinawag pa 'ko ni Jessa at kumaway lang ako.

Lumalalim na ang gabi pero mukhang hindi pa ito agad matatapos ngayon. Inenjoy ko na lang ang sarili ko sa panonood sa mga kaibigan kong naliligo.

-

KIAN'S POV

"Ayan tuloy, tumayo na. Hina mo kasi!"

"Ikaw na lang sana umaya sa kanyang sumayaw, siraulo." Sagot ko kay Ivan. Kanina niya pa ako kinukulit na isayaw si Abi pero hindi ako makalapit. Maybe I got shy, I don't know.

He suddenly stood up. "Bahala ka, maliligo na kami sa baba. Daming chiks do'n. Tara Grey!! Pat! Sama ka, Kian?"

"Hindi na, kayo na lang."

Umalis na silang tatlo at naiwan na lang ako dito sa table. Huminto na ang iba sa pagsayaw at mukhang gusto na ding maligo sa pool sa baba. Nandito pa naman sina Ate Laura at Kuya Von, kasama ang pamilya nila. I looked at Abi who's standing at the corridor looking at her friends swimming. I drank the glass of wine and breathed in a large amount of breath bago ko siya nilapitan. I stood beside her, making her feel my presence. Hindi naman ako nabigo dahil nilingon niya naman ako.

"Oh, hindi ka maliligo?" tanong niya sa akin nang makita niya ako.

"No. You?"

"Hindi rin. Baka bukas. Depende..."

It was quiet after that conversation until she suddenly spoke. "Hindi ba mahilig ka sa mga bituin?" she asked.

I didn't know I actually liked the stars themselves, not until she pointed it out to me. Palagay ko nga, nahiligan ko lang dahil sa kanya, eh. "Bago ko lang nalaman. Why?" sagot ko sa kanya.

"Alam mo ba, pangarap kong umakyat ng bundok, kahit 'yung mababa lang, tapos mag star gazing." She was looking at the sky while saying that. Wala masyado'ng mga bituin ngayon, hindi gaya noong mga nakaraang gabi, pero the moon is shining so bright tonight. "May bucket list ka ba?"

"None, really..."

Tumango siya nang narinig niya ang sagot ko. "Ako kasi meron. 'Things to do before I die' pa nga title no'n. Kasama do'n 'yung stargazing. Gusto ko rin magpa-pierce sa tenga. Gusto kong mag-camping. Gusto ko'ng may gumawa ng kanta para sa'kin. Matutong tumugtog ng kahit isang instrument. Lumangoy kasama ang mga dolphins. Sumakay ng eroplano, never ko pa kasing na-experience." I was looking at her the entire time she was saying those things. Sobrang dali lang naman ng mga gusto niyang gawin. "Gusto ko rin magpakasal at magka-anak." Nagulat ako nang sinabi niya 'yun. She seemed so innocent pero naiisip niya rin pala ang mga ganoong bagay.

"Pwede naman 'yun lahat ah. You're still young..."

"Well, oo nga naman..." sabi niya lang and then it became quiet again after that.

"Come with me..." I said. Her brows furrowed at that.

"Saan?"

I didn't answer but I gestured her to come with me at sumunod naman siya. Pumasok ulit kami sa hall at 'saka ko lang napansin na konti na lang ang nandoon. Kuya Von and Ate Laura were still there though, may kausap. Abi and I went to the stage kung nasaan ang keyboard. I grabbed a chair for her and told her to sit down while I sat on the chair beside her.

"Ano'ng –"

"You want to learn how to play, 'di ba? It's on your bucket list. So, I'll teach you." I told her. She looked at me with amused eyes. "Are you okay?" I asked when she's not talking. Naka-titig lang siya sa akin like as if there was something sa mukha ko. Naguluhan ako.

"H-Hindi. Gusto... thank you." She smiled and I smiled back. Right, that's what I wanted to see. I just want to see you smiling, Abi.

Maybe It's YouWhere stories live. Discover now