GHERB FOUR:The Evil, The Bitter and The Gangster

224 4 6
                                    

======================================

The Evil:

"Bakit ang tagal?! Nandito na dapat ngayon yun ah?!" inis na tanong ni Jenice sa mga kasama.

"Oo nga Miss Jenice." nakayukong pagsang-ayon ng isa sa mga babaeng kasama nya.

Nasa labas sila ng gate habang hinihintay ang paglabas ng babaeng kumalaban sa kanya kanina lamang sa loob ng klasrum.

Lahat ng kasama nya'y may sari-sariling hawak na armas. Ang dalawa'y may hawak na baseball bat at ang isa naman ay may hawak na nakabilot na latigo.

Hindi sya makapapayag na makaligtas lamang ito ng ganun ganun. Kundi lamang dahil sa pagdating ni Cali di sana'y nanghiram na ng mukha sa aso ang babaeng yon.

"Letse!! Kanina pa tayo naghihintay dito bakit wala pa rin ang hayop na babaeng yon?!! Bwisit!!" aniya na halos umusok na ang ilong dahil sa galit.

"Miss bakit hindi na lang po natin puntahan?" 

"Ano?! Pinapangunahan mo ba ako?!" aniya sa isang babaeng may hawak na bat saka ito tiningnan ng masama.

"Ah-eh nag-sasuggest lang naman po ako para makasiguro." takot na sagot naman nito.

"Tumahimik ka!! Ayoko sa lahat ang pinapangunahan ako!!"

"O-opo Miss. Patawad." nakayuko nitong sagot.

"Margoo!!" tawag nya sa isa na may hawak ng latigo.

"Miss?" sagot nito.

"Check that bitch at the parking area!" utos nya dito. 

Nakailang hakbang na ito ng muli nya itong tawagin.

"Wait! Bring this tactless bitch with you, naiirita na ako sa pagmumukha nya!!" aniya dito na tinutukoy ay ang babaeng nagsuhestiyon kanina lang.

"No problem Miss." 

"Now go and make it fast! GO!"

Kaagad naman sumunod at lumakad na ang dalawang babae.

Bumaling sya sa natirang kasama.

"Give me a stick of cigar." utos nya dito na dali-dali naman nitong sinunod.

Maingat nitong isinubo sa bibig nya ang stick ng sigarilyo saka nito iyon sinindihan.

Puno ng tensyon niya iyon hinitit at dahan dahang ibinuga ang usok.

Maya-maya'y wala pang anim na minuto ay bumalik na ang dalawang inutusan.

"Ano?" salubongnya sa mga ito.

"Miss wala na ang babae doon."

"WHAT?!"

"Pasensya na po hindi na po namin sya nakita."

"ISTUPIDA!!" inis nyang sigaw sa mga ito. "Paano sya makakaalis?! Hindi nyo ba sinira ang makina ng sasakyan nya?! O baka naman sa katangahan nyo, nagkamali kayo ng sasakyan na sinira?!"

"Sigurado po kami na yon ang sasakyan nya Miss."

"Sigurado?! Kung ganon paano sya nakaalis ng hindi nagdadaan dito?!"

"Hindi po namin alam Miss. Pero ang sasakyan po nandoon parin."

"LETSE!! ISTUPIDA!!" bulyaw nya at gigil na gigil. "Sinuswerte talaga ang babaeng yon!" Binitawan nya ang sigarilyong hawak at mariin iyong tinapakan.

The Bitter and The Gangster:

Matapos ang mahabang byahe ay naramdaman nyang huminto rin sa wakas ang sasakyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Gangster, Hot, Evil, Rich and the BITTERWhere stories live. Discover now