GHERB TWO: The EVIL the RICH and the BITTER

291 4 4
                                    

+++

The Evil:

"Tama na Miss Jenice hindi na mauulit parang awa mo na!" naglulumuhod na pakiusap ng kaawa awa babae.

Puro pasa na ang mukha nito at puro gasgas na sa katawan dahil tanging panloob lamang ang itinirang suot nito.

Muli ay walang awang tinadyakan ito ni Jenice sa mukha dahilan para bumagsak ito sa sahig.

Nagdugo na ang ilong at labi nito. 

"Hindi kita lulubayan hangga't hindi ka nagtatanda!"

"Miss Jenice hindi na po mauulit please patawarin nyo na ko. Magtatanda na po ako parang awa nyo na hindi ko na lalapitan kahit kailan si Rocky pinapangako ko." halos pabulong na lang nito iyon nasabi dahil sa hirap na dinaranas.

Tumalungko sya sa harap nito saka ito hinawakan sa baba.

"Kung ganon patatawarin na kita." aniya dito saka ngumiti na animo'y may masamang binabalak.

Lalong nahintakutan ito at napaatras ng makita ang nakakatakot nyang ngiti.

"Kayong dalawa itali nyo ang malanding babae na to!" utos nya sa dalawang babaeng kasama.

Pabalibag nyang binitawan ng mukha nito saka lumayo ng ilang hakbang para bigyan ng daan ang dalawang inutusan.

"Teka anong gagawin nyo sakin!? Bitawan nyo ako!" naisigaw ng babae dahil sa takot.

"Mauuna na ako sa inyo, siguraduhin nyong hindi na makakasigaw yan at hindi makakawala. Heto ang padlock at ang susi, ilock nyong mabuti ang pinto pag-alis nyo." ibinagsak nya ang hawak na padlock sa sahig bago tumalikod at Lumakad palabas ng bodega.

Ganito ang ginagawa nya sa tuwing may nahuhuli syang babae na lumalapit sa pinakamamahal nyang si Rocky. Gusto nya ay solo lang nya ito at walang ibang babae na magugustuhan ito kundi sya lang.

Ngunit kahit anong gawin nya ay hindi pa rin sya nito pinapansin. Kahit na magkasama sila sa iisang Gang group at Unibersidad.

Yan si Jenice, ang isa sa pumapangalawa sa pinuno ng pinakakilala at pinakakinatatakutang gang group sa Constantine University, ang Black Scorpions. 

Lahat halos ng estudyante ay takot sa grupo nila at iniiwasan sila lalo na ang pinuno nila na si Rocky at ang kasama nya sa posisyon bilang pangalawa sa pinuno na si Stephen.

Sila ang nangunguna sa listahan sa buong unibersidad kaya naman kahit ang mga guro ay takot sa kanila.

"Hoy! tumabi kayo dumadaan na si Miss Jenice dali!"

Dali-daling nagsitabi ang mga estudyanteng naglalakd sa koridor ng makita si Jenice.

Taas noo itong naglalakad patungo sa sarili nitong klase ngunit hindi para mag-aral kundi para  magpalipas ng oras lamang.

"Ha? Miss Jenice? Di ba sya yung Lady Black Scorpion?"

"Oo sya nga!"

"Huwag kang titingin sa kanya baka malintikan ka!"

"waaah ayoko talaga syang tingnan! Tinitingnan ko pa lang sya kinikilabutan na ako!"

":Bilisan mo na!"

"Fvck! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" inis nyang hinarap ang hindi pamilyar na mukha ng babae na bumangga sa kanya.

Ngunit tiningnan lamang sya nito saka nagpatuloy ng lumakad papasok sa loob ng klasrum.

Lalong nag-init ang ulo nya sa ginawa nito.

Mabilis nya itong sinundan.

Paupo na ito ng maabutan nya, ngunit bago pa ito nakaupo ay hinigit na nya ang kuwelyo nito dahilan para mapatigil ito sa gagawin.

Gangster, Hot, Evil, Rich and the BITTERWhere stories live. Discover now