GHERB ONE: The GANGSTER the BITTER and the HOT

722 10 5
                                    

 I will dedicate this to the first voter. thanks! fairy0427 :)) i appreciate it so much! fairy0427

 ===================================

The Gangster:


BROOM! BROOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOMM!

Pinabagal ni Rocky ang pagpapatakbo ng motorsiklo nang makitang bumabagal din ang mga sasakyan sa unahan nya.

Traffic nanaman, pero wala syang balak magpapigil sa trapiko. 

Muli na sana nyang pahaharurutin ang motor ang biglang may marinig syang sumisigaw sa di kalayuan.

Pinahinto nya ang motor.

Napatingin sya sa lalaking sumisigaw at halos umusok na ang ilong sa galit na kinakatok ang bintana ng kulay pulang kotse.

"HOY BUMABA KA DYANG WALANGHIYA KA! TINGNAN MO ANG GINAWA MO! BAYARAN MO ANG NAGASGASAN MO SA SASAKYAN KO! SINABI NANG LUMABAS KA!!"

Napangisi sya sa narinig.

Gusto nya ang ganitong eksena. Siguradong may gulong mangyayari.

Tiningnan nya ang kulay abo na sasakyan sa harapan ng kulay pula.

Nakita nyang mukhang malaki nga ang gasgas ng sa kulay abo at may gasgas din naman ang kulay pulang sasakyan.

Nang ibalik nya ang tingin nya sa kinakatok na bintana ng lalaki ay unti-unti nang bumababa ang salamin niyon.

"Masaya to." naibulong nya sa sarili.

Ngunit nadismaya sya ng makitang babae ang nasa loob ng sasakyan kaya naman muli nyang ibinaling ang atensyon nya sa motor nya para paandarin..

"Tumabi ka. Ang ingay mo." narinig nyang sabi ng babae.

Natigilan sya.

Ibinalik nya ang tingin sa babae na nasa loob ng sasakyan.

Sa pananalita ng babae ay mukhang lalaban ito. At sa itsura nito lalo na ang mga mata, mukhang mahihirapan ang lalaking iyon na kalabanin ang malamig na presensya nito.

"HOY!  HINDI NGUNIT BABAE KA AY PAGBIBIGYAN KO NA ANG GINAWA MO!"

Matalim na tumingin ang babae sa lalaki.

"Wala akong oras sayo. Tumabi ka na kasama ang bulok mong sasakyan." 

Muli syang napangisi sa narinig na sinabi ng babae. 

Gusto nya ang lakas ng loob nito. 

"ABA'T TALAGANG! BASTOS KANG BABAE KA! GINAGALIT MO AKONG TALAGA! LUMABAS KA DYAN AT MATITIKMAN MO ANG LUPIT KO!"

Nang makita nyang bubuksan na nito ang pinto ng kotse ay bumaba rin sya ng motor saka dumukot ng sigarilyo sa bulsa. 

Balak nyang panuorin muna ang nakakaaliw na babaeng iyon.

Unti-unting nang nawawala ang mga nakapilang sasakyan dahil sa trapiko.

Nang makababa ang babae ay kaagad itong sinalubong ng lalaki at hinawakan sa kuwelyo.

Ngunit wala syang nakita ni konting takot sa mata ng babae.

"Bitawan mo ako." anito na matalim ang tingin sa lalaki.

Gangster, Hot, Evil, Rich and the BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon