GHERB THREE: The BITTER and The Gangster

186 3 3
                                    

=====================================

Anong ginagawa ng lalaking ito dito?

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya saka sinilip at pinagmasdan ang makina ng kotse nya.

"Mukhang may nakialam sa sasakyan mo."

Yumuko ito saka inabot ang isang wire na mukhang sadyang pinutol.

May pumutol doon sigurado sya. Pero sino naman ang gagawa non?

Ngayon lang sya pumasok sa unibersidad na ito dahil katatransfer lamang nya, at wala syang ibang kakilala sa lugar na ito.

Hindi kaya ang lalaking ito ang may gawa nito?

"Bakit ganyan ka makatingin? Iniisip mo ba na ako ang may gawa nito?" Anito ng makita sya na nakatitig dito.

"Walang ibang tao dito at bukod pa ron ay wala akong ibang kakilala dito."

"Kung ganon ako talaga ang pinagbibintangan mo." Napangiti ito bago nagpatuloy. "Sa tingin mo bakit ko naman gagawin ito?"

Napaisip sya. Bakit nga ba? Wala naman syang atraso dito para gawin nito ang ibinibintang nya.

"Wala akong maisip na dahilan para gawin mo ito, kaya bakit nga ba?"

"Hahaha! Talaga? Wala kang maisip na dahilan? Hindi mo ba natatandaan na may atraso ka sakin?"

Napakunot ang noo nya.

Anong sinasabi ng lalaking ito? Ano ang sinasabi nito na atraso nya dito?

Pero kung may atraso nga sya dito ay patunay lamang iyon na ito nga ang may kagagawan sa nasirang kotse nya.

"Kung ganoon ay inaamin mo na ikaw ang sumira sa makina. Anong atraso ko sayo?"

"Hindi mo talaga alam?" Muli itong tumawa.  "Nakakatuwa ka talaga." Nakangiti nitong saad.

Nagulat sya hindi dahil sa sinabi nito kundi dahil sa paraan ng pagkakasabi nito.

Kitang kita nya sa mata nito na hindi ito nang-aasar o nangungutya. Sa halip ay tila tunay itong masaya at natutuwa sa kanya. 

Sya nakakatuwa? Pinagkakatuwaan ba syang talaga ng lalaking ito? Anong nakakatuwa sa kanya??

Pakiramdam nya ay nag-init ang buo nyang mukha dahil sa naging pagtrato nito sa kanya.

Nang makita nito ang mukha nya ay mas lalo itong tumawa kaya naman naiinis syang lalo dito.

Kinalma nya ang sarili bago nagsalita.

"Anong nakakatawa?" Seryoso nyang tanong dito. "Ibalik mo na sa dati ang  makina ng sasakyan ko saka ka na umalis." Utos nya dito

Gangster, Hot, Evil, Rich and the BITTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon