iv. Never leave my side

1.4K 61 10
                                    

iv. Never leave my side

"Nah I just wanna spend some time with you." ani nya at nagshrug.

"Nah I just wanna spend some time with you."

"Nah I just wanna spend some time with you."

"Nah I just wanna spend some time with you."

Paulit ulit na nagring yung sinasabi nya sa utak ko. Sana pwedeng ulitin yung sinasabi nya, para naman mairecord ko at gawing ringtone. Pero oo nga pala... he's joking. Kelan nya ba gustong makiki-hangout sa isang katulad ko no?

Hindi ko sya pinansin at inalis yung sinabi nya sa utak ko. "Its 12345678 by the way. Feel free to use it."

Napatigil sya at napaiwas ng tingin sakin. "A-ahh, sige.. salamat."

Tama naman sinabi ko, diba? Kelan nya ba gustong maki hangout sakin? Pero bat may part sakin na parang gusto kong paniwalaan yung sinasabi nya? May part sakin na gusto syang makasama? Ang bigat ng hininga ko tuwing aalalahanin ko yung paghingi sakin ng wifi password.

Napatingin ako sa twitter ko. Walang kabuhay buhay akong nagscroll. Ano Chanyeol, hindi mo ba babawiin? Hindi mo ba babawiin yung sinabi mo? Na-clench ko ng madiin ang cellphone ko. Bumubigat na rin ang paghinga ko.

Napalunok ako, my breathing became uneven ...Chanyeol, naghihintay ako. Bat hindi mo binabawi? Diba gusto mo akong makasama? Chanyeol, ano na?

Hindi ko namalayang lumuluha na ako. Ano ba to, Baekhyun?! Bat ka ba nasasaktan dahil sa sinasabi nya? Putangina hinihingi lang naman nya ang wifi password ah? Hindi naman ako iiyak sa ganung lalaki! Hindi ako iiyak sa isang lalaki na wala namang pake sakin, na wala namang halaga sa akin.

"Baekhyun?" napapunas ako sa luha ko at hinarap sya. "U-uh, umiiyak ka ba?"

Pinunasan ko ulit yung mga luhang patuloy na tumutulo sa cheeks ko.

"Nasasaktan na ako, Chanyeol..." sabi ko sa kanya. Nagc-croak bigla yung boses ko. Tinuro ko yung puso ko. Hindi na rin ako makahinga kasi kanina pa rin ako hikbi ng hikbi. "Dito.. bat sobrang sakit?"

Kala ko ay lalapit sya sakin at hahagurin ang likod ko, pero wala syang ka-rea-reaksyon. Tangina, wag ka na umasa. Bat ka ba nagkakaganyan, Baekhyun? Kinagat nya lang ang inner cheek nya at tinignan muli ang cellphone nya.

Nagulat ako ng may bagong tweet na lumabas.

@real__pcy: Wag ka na umiyak. Magiging okay rin ang lahat.

Napapikit ako habang patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Napatakip ako sa bibig ko. Ni hindi ko nga alam kung ako ang sinasabihan nito. Hindi na ako aasa. Hindi na ako magpapaka-assuming. Baekhyun... tama na. Nagtype ako pabalik. May mga luhang tumutulo sa screen kaya pinunasan ko ito gamit ang sleeve ng damit ko.

@baekhyunee_exo: go away. but please, promise me. never leave my side.

- - - - - - - - -

"Talaga? Ahahahha!" natatawang sabi ni Chanyeol habang pumapalakpak pa. Mukhang napapasarap ata stay nya dito, ah? Gabi na oh. Tangina baka may lakad pa sila nung Kyungsoo nya. Sarap nilang ingudngod sa pader, hehe gago ;u;

Nakaupo lang ako habang nakatingin sa bintana. Pinagmamasdan ko na lang yung stars. Ang liwanag nila grabe. Sana mapailaw nila mundo ko ngayon. Senti shet. Sobrang sakit lang kasi. Di na ako makapagsalita ng maayos pag nandyan sya. Ano ba nangyayari sakin?

Hindi ko mapigilang gumlance kay Chanyeol. Ano ba meron dito at nagiging ganto ako? Tanginang lalaki to. Ginugulo nya ang buhay ko. Ano ba ginagawa mo, Chanyeol?

Nahihiya tuloy ako tuwing nandyan sya. Naalala ko yung pag-iyak ko. Baka bukas pagtawanan ako nun. Kainis. Laughing stock na naman ako sa school.

"Kaya ba kayo naging top ay dahil kay Kris? Wala bang sharing skills dyan?" rinig kong sabi ni Chanyeol. Aba mawalang galang na pero putangina mo po. Pinakamababa ko nga is English (aka yung subject ni Kris). AP lang ako dun sa card. Jok.

Ang komportable na rin ni Chanyeol kasama sina Sehun. Sana umalis na sya kasi masakit pa rin.

"Ulol. Ni hindi nga kami makapasok sa roo--" napatigil sa pagsasalita si Suho ng biglang nakita naming tumakbo si Chen sa second floor. Actually hindi naman sya second floor. Parang elevated part rin sya na may three steps. Kaya kita namin mga nangyayari sa labas ng kwarto.

"KRIS HYUNG, YUNG LUBE KO NA KITA M--" napatigil ng pagsigaw si Chen ng bigla syang batuhin ni Kris ng lampshade.

"GO OUT BITCH. IM MAKING YOUR TEST PAPERS!" napahawak naman si Chen sa ulo nya na tinamaan nung maliit na lampshade saka natumba. Napatawa naman ako ng mahina dito.

"See? Ni hindi nga kami makalabas ng buhay dun." sabi ni Suho. Pero napansin ko imbes na si Suho hyung yung tignan ni Chanyeol ay sa halip nakatangin sya--hindi naman nagassume--pero

Sakin.

"Uhm. Buti naman tumawa ka na."

Huh? Ano ngayon kung tumawa ako? Anong pake mo? Kelan ka nagkaroon ng pake?

"TEKA JONGIN, MAY NAAAMOY AKO." rinig kong sabi ni Sehun na nasa living room. Nandito kasi kami ngayon sa kitchen. Mga boses talaga nito eh. Parang magkalayo kaming lahat ng bahay -_-"

"AY AKO DIN. KADIRI UMUTOT KA PA SA HARAP NG ELECTRIC FAN."

"HINDI BALIW. HAHAHAH CHANBAEEEEEKKKKK!!"

Puta. Ano na naman ba yang Chanbaek Chanbaek na yan? Hindi na nakakatuwa. Masakit na. Ngayong alam kong lahat yan ay kasinungalingan.

Tangina bat ba kasi asa ka ng asa?

Napansin ko namang nagulat si Chanyeol.

Tumayo ako at ni-pat sya sa balikat. "Wag mo na lang sila pansinin. Joke lang nila yun. Sige, aakyat na ako." tumakbo ako papunta sa kwarto ko at tinalunan si Chen na nakahilata pa rin sa sahig. Sinubsob ko yung mukha ko sa unan at pinagsusuntok ang matress.

Pwede bang kahit ngayon lang ay maging seryoso sila Sehun sa Chanbaek joke na yun?

Naririnig ko pa rin ang boses ni Chanyeol sa tenga ko. Kahit anong takip ko hindi pa rin ito nawawala. Yung mga ngiti nya pinapangiti din ako. Chanyeol, ano ba to?

Ang bigat ng nararamdaman ko.

- - - - - - - - -

Napamulat ako ng mata. Wala na akong naririnig na ingay sa labas. Anong oras na ba? Nakatulog pala ako ng hindi ko namamalayan.

Napatingin ako sa orasan. 12:49 AM. Pero di ko sinasadyang mapatingin sa bintana na katabi lang nito. Napatayo ako at tinitigan ang sticky note na nakadikit lang sa labas ng bintana ko.

"Smile :)"

Napangiti ako sa nabasa ko. Alam kong sa kanya galing to. Alam kong sulat nya to. Chanyeol, may halaga ba ako para sayo?

Geuraenni naneun mollasseo hangsang gwichanheun deut useoseo
Nae nuneul barabwa jinshimini?
Gakkeumeun nado moreuge muttukttukhan nega teoolla
Ireon nae mam seolleneun naega isanghae

Really? I didn't know because you always smiled as if you were a little annoyed.
Look at my eyes, do you mean it?
Sometimes, without even knowing, I think of the cold you
It's strange how my heart races.

Nilapitan ko yung sticky note at kinuha. Napangiti ulit ako bago umupo sa study table ko at nilabas ang diary ko sa drawer. Dinikit ko yung sticky note sa panibagong page at nagsulat.

Geuraedo gwaenchanha, geuraedo gwaenchanha... ♪

But it's alright, it's alright...

"Never leave my side."

Picture PerfectWhere stories live. Discover now