xvii. Hidden stares

1.1K 50 27
                                    

alam nyo ba yung pinromise ko na matutulog akong maaga ngayon pero bigla ko na lang nakita na 12am kst ang labas nung teaser ni kyungsoo kaya ako napuyat ng ganto??? AND YUNG CALL ME BABY PUTA HINDI KO MAIKALMA PUKE KO ANF HOT NG BOSES NI JONGIN TANGINA MO BA DEACT DEACT KA PA NG IG MO D: PERO YUNG PINAKINGGAN KO LEAKED PAULIT ULIT BWAHAHA LEAKED VERSION KA PA HA PUTANGINA MONG GAGO KA :-(

ps: cno senyo may twitter hihihi follow ko kayo gamit yung new acc ko (wow promoter wag nyo pansinin)
pps: hnd po ito edited ehehe
ppps: bye overdose era hays
pppps: hnd ko gets ang astig ng teasers tapos biglang call me baby ok! ok! ok! lang ako

_______________

xvii. Hidden stares

Pagkatapos nung pag-babysit ko kay Chris, nagpaalam na sila Luhan sa akin na wala man lang 'thank you' kasi tinuruan ko daw magmura si Chris. Ako na lang tuloy ang nagpasalamat sa kanila kasi sa wakas ay pahinga na ako sa pag-aalaga ng bata.

Nandito ako ngayon sa auditorium para panuorin ang practice nina Baekhyun. Required kaming buong klase na panuorin ang mga sumali dito. Para daw magbigay ng 'support'

Hindi ko gets. Konti nga lang kaming mga natira tapos may nalalaman-laman pa silang support. Halos hindi nga kami umabot sa kalahati. Hindi ko rin naman kasalanan kung wala akong gustong salihan diba? Nakakapagod kaya gumalaw.

Ang nakikita ko lang sa ngayon ay yung apat na candidates para sa singing contest. Sila Kyungsoo, Luhan, Baekhyun at Jongdae. Nanduon sila sa stage kaya hindi ko masyadong marinig yung pinaguusapan nila kasama yung dalawang teachers namin.

Ang style kasi ng Audi ay yung parang sa UST Auditorium. Yun bang yung stage yung mababa tapos yung seats yung mataas -____-

Hindi naman problema sakin na panuorin sila. 20/20 kaya vision ko. Wala sinasabi ko lang. =______=

Ang nakakatawa lang, ako nag-suggest kila Kyungsoo at Luhan. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Ma'am na kinabukasan yung practice. Pero na-delay pala kayo ngayon na lang ginawa.

....Nang biglang namatay lahat ng ilaw. Napahawak ako sa upuan ko sa hindi malamang dahilan. No. Hindi ako takot. Nagulat lang. Mas malala yung katabi kong si Junmyeon hyung kasi napatayo pa. Pero hohoho, guess what? Nakatayo na sya mas matangkad parin ako sa kanya.

"No judging pls, thank you." sabi nya sakin at umupo ulit. Kanina ko pa sya napapansin. Kain sya ng kain ng popcorn, amputa.

"Top 2 ka hindi ka marunong sumunod sa batas." sambit ko sa kanya. Lumaki naman ang mata nya. "Anong batas?!"

"Dapat bibigyan yung katabi nang pagkain pag merong dala." nung sinabi ko yan ay bigla akong hinampas ni Junmyeon hyung. Ano na naman bang ginagawa ko. =____=

Actually totoo yung batas, hindi nga lang yung sinabi ko. Pag nahuli ka ng usher (oo may usher, tangina) na kumakain dito sa Audi ay papatapon ka sa malayo. Don Juan ng Ibong Adarna much?

Hindi ko yun sasabihin kay Junmyeon. Sana mahuli sya. =_____=

"We will being in 2 minutes."

Wow tangina, ma'am mukha ba akong may pake?

Nakita ko namang pumalakpak yung katabi ko. Humarap sya sakin at napatingin na lang din ako. "Chanyeol, narinig mo na bang kumanta si Baekhyun?"

Kumanta...? Napaisip ako sandali. Inalala ko yung possible moments na narinig kong kumanta si Baekhyun pero wala. Not yet. Tanging naririnig ko lang ay yung normal voice nya.

"Hindi pa. Maganda ba ang boses ni Baekhyun?" tanong ko pabalik. Hindi ko maiwasan magtaka. Nag-thumbs up sya. "Sobra. Nakaka-insecure. Hindi ganun ka-powerful ang voice nya, hindi din naman ganun kalamya. Tamang tama lang."

Picture PerfectWhere stories live. Discover now