xvi. Babysitting (not)

1.2K 54 22
                                    

sorry ule kasi late ud na naman. actually after dapat 'to nung exoluxion day 1 pero tinamad na akong ginawa, lol. at kasi nagtests rin kami kaya hindi ko muna to ginawa. o diba ang bait ko shet.

_____________

xvi. Babysitting (not)

"BAEKHYUN!!!!" sigaw ni Jongdae nung makita nyang nadapa si Baekhyun. Agad kaming napatakbo at sya naman ayun, nakaplakda. Napailing ako bago lumuhod at alugin si Baekhyun. Mukhang nahimatay ata.

Hello, Park Chanyeol pala. Um, puta ang awkward ko. Pero cute parin. Hihi.

Gets ko naman lahat ng lesson ni ma'am, ang hindi ko lang gets ay kung bakit tumatakbo si Baekhyun? Natakot na ba sya? Oy! Wag nyo ako sisihin dyan! Si Jongdae ang may pakana, hindi ako!

Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko naman ang Math book nya sa di malayo. Tumayo muna ako at kinuha ito bago bumalik sa pwesto ko kanina. Mukhang nakamulat na si Baekhyun.

"Putangina nyo! Kala ko rapist! Kala ko titan! SISIGAW NA SANA AKO NG JAEGER." oh, shingeki no kyojin? Nice naman, napanuod na nya yun. Pero medyo OA. Pero hindi pa naman sya baliw... siguro. Hehehe puta! Ang bad ko.

"Kumalma ka, putangina mo." ang nasabi na lang ni Junmyeon bago buhatin namin si Baekhyun sa isang bench na malapit. May nilabas naman sya sa loob ng bag nya.

"Aba, aba #boyscout! May tissue!" sigaw ni Jongdae.

"Omg tissue? San mo ginagamit yan?! Ikaw talaga daddy Junnie." sabi ni Baekhyun bago nag-pout. Si Junmyeon naman halos ibuhos na yung Betadine sa mukha ni Baekhyun.

Grabe, ang cute talaga ng friendship nila. Minsan talaga gustong gusto ko kasama sina Baekhyun eh. Yung parang free ako magpakatotoo sa harap nila? Hindi yung tuwing kasama ko sina Kyungsoo at Luhan. Ayun, totoo parin naman ako sa kanila. Pero ang problema, kay Kyungsoo may limitations. Kay Luhan okay lang naman.

"Aray ko bwisit ka!" sabi ni Baekhyun bago sabunutan si Junmyeon ng mahina. Tumawa naman sya habang si Jongdae nakatingin lang sa kanila.

Sayang din tong si Jongdae at Baekhyun eh! Yung feeling na crush nila ang isa't isa dati ngunit hindi agad nag-aminan? Grabe talaga. Sayang. Pero... wala na ba silang feelings para sa isa't isa ngayon?

"Chanyeol, paabot naman nung isa pang cotton ball," pakiusap sakin ni Junmyeon at agad agad ko naman itong hinanap saka binigay. Pumirmi naman ako ng upo at napakurap. Naging habit ko na iyon. I mean, yung pagkurap ko. Katulad ni Jongdae, nakatingin lang rin ako kung paano ginagamot ni Junmyeon yung sugat ni Baekhyun. Pero bigla akong nakaramdam ng uneasiness...

Dahil napagod na rin ako sa kakatingin kung paano yun ginagamot ni Junmyeon, umangat muna ako ng tingin. At saktong pagka-angat ng tingin ko, sya agad ang nakita ko. Para naman syang nagulat at hindi mapakali sa pwesto nya pero hindi parin naman nya inalis ang tingin nya sakin.

Tinaas ko yung kilay ko kay Baekhyun at nag-smirk na para bang sinasabing 'crush mo ako?'. Nakatingin pala sya sakin ah? Ng palihim? Napasinghot naman sya at napairap. Ako naman natawa lang. Minsan ang sarap asarin nitong si Baekhyun eh. Ang cute lagi ng reaksyon nya!

At isa pa, alam ko namang hindi ako crush nya, no! Pero kung totoo man ang conclusions ko, why not coconut diba? Pwede ko naman syang matutunan maging crush rin.

Katulad nga nung sinabi ko, hindi naman talaga mahirap mahalin si Baekhyun. I mean, oo mahilig syang magmura. Madalas manakit, masokista at brutal. Madami syang imperfections na visible at nakikita natin. Ang isa lang, hindi natin alam kung what's within. Pag nanakit ba sya, masaya sya? Kasi mahilig sya minsang manghampas tuwing tatawa. Mahilig syang magmura? Nature nya na ba yun? Kasi hindi ko mapigilan eh. Kahit habit nya na yun, tawang tawa pa rin ako tuwing nagmumura sya kasi ang lutong.

Picture PerfectWhere stories live. Discover now