Part 11

773 42 8
                                    

Ng makarating sila sa apartment ni Pat ay dumiretso na agad si Bryne sa kama at nahiga. Lumapit naman si Pat sa kanya.

"Uy okey ka lang?" tanong ni Pat kay Bryne.

"Gusto Kong matulog Pat. Masakit ang katawan ko."

"Bumangon ka muna diyan saglit. Kumain ka muna." utos nito kay Bryne ngunit hindi ito kumikilos.

"Bry, bangon na at nang makainom ka ng gamot mo." sambit ni Pat at pinuntahan ang mesa kung saan niya nilapag ang kanilang pagkain. Inihanda na niya ang kakainin nila.

"Bry, ano ba? Ang tigas na naman ng ulo mo. Paano ka gagaling niyan?" inis na wika ni Pat at muling pinuntahan si Bryne. Wala namang nagawa si Bryne kundi bumangon at tinungo ang mesa.

Habang kumakain si Bryne ay pinapanood lamang siya ni Pat.

"Samahan mo kaya ako?" sambit ni Bryne at tinigil ang pagsubo.

"Makita lang Kitang kumakain busog na ako. Paano pa kaya pag ikaw ang kinain ko." ngiting sambit ni Pat at kinindatan si Bryne. Inis naman ang mukha ni Bryne sa sinabi ni Pat.

"Pafall ka na naman. Para kang movie trailer no? Puro ka teaser." inis na wika ni Bryne.

"Ikaw. Para ka namang commercial ng pagkain. Hindi pa kita natitikman natatakam na ako." ngiting tugon naman ni Pat.

"Tigilan mo nga ako. Kumain ka na lang." sambit ni Bryne at nagsandok tsaka isinubo kay Pat. Sinubo naman iyon ni Pat. Nakatitig siya kay Bryne habang ngumunguya samantalang umiwas naman si Bryne ng tingin kay Pat. Hindi na niya gusto ang ginagawa nito. Nagiging marupok siya sa titig at pang aakit na ginagawa ni Pat.

"Wala ba kayong praktis ngayon?" tanong ni Bryne upang maiba ang kanilang topic.

"Mamayang hapon. Sama ka?" sambit naman ni Pat.

"Baka nandoon na naman yung chix mo." tanong ni Bryne.

"Sino ?" usisa naman ni Pat.

"Si baby mo Tammy." inis na sagot ni Bryne. Napangiti si Pat sa sagot NI Bryne.

"Kung may baby man ako ngayon, si Bryne yun." nakangiti ng sagot naman ni Pat. Umiwas ng tingin si Bryne. Nagsandok na lang siya ng kanyang pagkain.

"Oh bat ayaw mo ba?" tanong ni Pat ng tumahimik si Bryne.

"Ayaw ko talaga." sagot ni Bryne at tumingala. "Teaser na naman yan eh."

"Eh paano pag totoo?" tanong naman ni Pat.

"Wake up." sambit ni Bryne at sumubo ng kanyang pagkain. Tumayo naman si Pat at naglakad papunta sa sa water dispenser.

"Eh paano naman, hindi ka nanliligaw." sambit ni Pat habang kumukuha ng tubig. Napatigil si Bryne sa pagnguya ng kanyang kinakain. Napatingin siya kay Pat at abala ito sa paginom.

"Akala ko ba ayaw mo?" tanong ni Bryne kay Pat.

"Akala ko nga rin eh." tugon naman ni Pat at muling nilagyan ang kanyang baso. Napatayo si Bryne at niyakap ang likod ni Pat.

"Totoo ba yan?" tanong nito kay Pat. "Baka naman prank na naman."

Ng mapuno ang baso ni Pat ay hinarap siya kay Bryne at binigay niya ito.

"I'm not a fan of prank." seryosong sagot naman ni Pat.

Pagdating nila ng music room ay nandoon n si Tammy. Masaya itong sumalubong kay Pat at niyakap ito. Nakanuot noo namang tinignan ni Bryne ang dalawa. Napangiti naman si Pat sa reaksyon ng mukha ni Bryne. Dumiretso na lang si Bryne sa loob. Nandoon na ang iba nilang kasama. Inaayos na nila ang set up.

Player meets the Introvert Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon