Part 16

761 42 6
                                    

Kinabukasan ay back to normal na ang lahat. Hindi na busy ang lahat dahil tapos na ang program. Maliban kay Pat na dinudumog muli ng kanyang mga tagahanga pag labas palang niya ng kanyang sasakyan. Nagpapa picture ang mga ito at tuwang tuwa na binabati si Pat sa pagkapanalo niya. Gusto man umalis at tumakas ni Pat ay nahihiya naman itong baka ma offend sa kanya ang mga ito kaya pilit niyang pinag bigyan ang mga iyon. Matapos ay dumiretso na siya sa kanyang klase.

Samantala, sa klase naman nila Bryne ay panay ang tingin ng tatlo sa kanya. Napansin niya iyon at sinuri ang dahilan ng pag titig ng mga iyon sa kanya.

"Bakit? May problema ba?" tanong ni Bryne sa tatlo.

"Kumusta ang unang gabi niyo? Jackpot ba?" nagising tanong ni Piyo kay Bryne.

"Umayos nga kayo. Baka mamaya may makarinig sa atin." inis na suway ni Bryne.

"Nagtatanong lang naman kami eh." ngiting sabi naman ni Jude.

"Guys, sikreto lang natin kung anong meron sa Amin. Kapapanalo lang ni Pat at ayaw Kong ma issue kami." pakiusap ni Bryne. "Pwede ba yun?"

Nagkatinginan ang tatlo at napatango sila.

"Oo naman." tugon ni Ark. "Pero kaya mo ba?"

"Oo naman. Hindi naman kailangang I public ang isang relasyon. Ang relasyon namin ay amin lamang, hindi pwedeng pakialaman ng ibang tao dahil hindi kami gumagawa ng malaking sawsawan na pwedeng dampihan ng sinuman ."

"Oo nga naman." sangayon naman ni Ark.

Pagkatapos ng klase nila ay pumunta na si Bryne  sa klase ni Pat. Naghintay siya sa may sasakyan ni Pat. Saktong palabas na ito ng kanyang classroom. Lalapitan na sana niya ito ng makita niyang dinumog ito ng mga tao at nagpapicture. Napangiti na lamang siya habang pinapanood si Pat. Maya maya ay napalingon si Pat sa kanya at nginitian siya nito.

"Pasensya na guys, maya na lang yung iba. May pupuntahan pa ako eh." ngiting paalam ni Pat sa mga tao at naglakad papunta kay Bryne.

"Kanina ka pa?" tanong ni Pat kay Bryne ng makalapit siya.

"Medyo kadarating lang din." sagot naman ni Bryne. Sumakay na sila at pumunta ng food court. Pagpasok nila doon ay nakita nila sina Mira at Pong.

"Congratulations sa inyo. Lalo ka na Pat." bati ni Pong sa dalawa.

"Salamat Pres." tugon naman ng dalawa.

"Kumusta ang feeling Pat? Nagkalat ang pictures mo sa Internet." ngiting sambit naman ni Mira.

"Flattered Vice. Hindi ako sanay sa ganito." tugon ni Pat.

"Nako masanay ka na. And you deserved it." tugon naman ni Mira.

"Anyway, nagseset na kami ng blow out party natin tutal tatlong tagumpay nakuha natin." singit naman ni Pong.

"Talaga Pres? Nako masaya yan." masayang sabi ni Bryne.

"Oo naman. Deserve natin ang magbunyi." sagot ni Pong. "Oh siya, mauna na kami at may mga aayusin pa kami"

Nang makaalis sina Pong at Mira ay naghanap na ng mauupuan sina Bryne.

"Ako na bibili ng pagkain natin." sabi ni Pat at iniwan si Pat. Habang naghihintay si Bryne ay pansin niya ang dalawang babaeng nasa likuran niya na pinag uusapan si Pat. Taimtim niyang pinakinggan ang dalawa.

Player meets the Introvert Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon