Part 10

858 47 9
                                    

Pagdating nila sa apartment ni Pat ay pinahiga niya agad si Bryne upang makapag pahinga. Agad namang nakatulog si Bryne dahil sa gamot na ininom niya. Pinuntahan naman ni Pat ang kanyang computer at chineck ang kanyang investment. Habang abala siya sa pag check ng market ay may na receive siyang notification galing Facebook. Binuksan niya iyon at isang message galing sa stepmother niya.

"Pat, its been 4 month since the last time na umuwi ka. Alam ko, were not in good terms but let's fix this."

Hindi alam ni Pat ang isasagot. Nakatingin lang siya sa chat ng mama niya. Ng wala siyang maisip na isasagot ay sinarado na lang niya ang kanyang laptop. Napatingin siya kay Bryne at mahimbing ang tulog nito. Nagpalit siya ng kanyang damit at nagsimulang nag training. Simpleng mga basic training lamang ang ginawa niya dahil wala man siyang mga gamit. Tanging mga curl ups, planks at push ups.

Nagising si Bryne na medyo okey na ang likod niya. Napansin niya si Pat na abala sa training nito. Pinanood niya ito habang nagti training. Humahanga siya sa determination ni Pat sa ginagawa nito.

Ng matapos magtraining ay nagpahinga ito. Napatingin siya kay Bryne at nawari niyang gising na ito. Nahiya naman si Bryne kaya bumangon ito.

"Mukhang pursigido ka ah." bungad ni Bryne kay Pat.

"Oo naman. Pag may gusto ako, hindi ako tumitigil hanggang Di ko makukuha." sagot ni Pat at tumayo. Tagatak siya ng pawis kaya hinubad niya ang kanyang suot na damit at pinunasan ang kanyang mukha at katawan. Pinagmamasdan naman ni Bryne ang katawan ni Pat. Gumaganda na iyon. Nahuli siya ni Pat na nakatingin sa katawan niya.

" Oh yang mata mo. Baka matunaw naman ako niyan. " wika ni Pat kay Bryne. Nakadama muli ng hiya si Bryne at inis na umiwas ng tingin.

"Imbes na pupurihin kita, wag na lang." inis na sambit ni Bryne at tumayo.

"Oh ano ba yun?" tanong ni Pat.

"Wala na. Ang sungit mo eh." tugon ni Bryne at naglakad papunta sa Cr. Napangiti si Pat at itinuloy ang pagpupunas ng katawan niya.

Pagbukas ni Bryne ng pinto ay nagulat siyang nasa bungad ng pinto si Pat. Kita niya ang katawan nito. Nakasandal ang isang kamay nito sa gilid ng pinto. Seryosong nakatingin ito sa kanya.

"Bakit?" tanong ni Bryne at masungit na tinignan si Pat.

"Magliligo ako." sambit ni Pat.

"Teka nga muna. Padaanin mo muna ako." inis na wika ni Bryne at sinubukang itulak si Pat pero nagulat siya ng mahawakan ang mag kabilang dibdib ni Pat. Nagkatinginan sila at agad ding binawi ni Bryne ang kanyang mga kamay.

"Ayaw mo kasing magpagilid eh." sambit ni Bryne. Kusa namang nagpagilid si Pat ngunit di matanggap na nahawakan siya ni Bryne sa dibdib. Pagkadaan ni Bryne sa harap niya ay pasimple niyang dinakma ang isang pige ng pwet ni Bryne. Nagulat si Bryne sa ginawang iyon ni Pat at agad niyang tinapik ang kamay nito.

"Nakakapikon ka na ah." inis na sambit ni Bryne.

"Bumabawi lang naman ako ah. Lugi ako pag ganun" depensa naman ni Pat at nginitian si Bryne na naiinis.

"Bakit, sinadya ko ba? Ikaw naman tong nauna " inis namang sambit ni Bryne.

"Oh relax. Mukhang ikaw na tong highblood." panunudyo muli ni Pat. Inis at seryosong tinignan lamang ni Bryne si Pat.

"Ayusin mo yang tingin mo. Baka halikan kita diyan." sambit na naman ni Pat.

"Sige nga."

Player meets the Introvert Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon