Chapter 10

132K 4.8K 432
                                    

Chapter 10

Masasabi kong pagtataksil parin ang pagsasama sa iisang bubong ng isang babae at lalaki. Kahit sabihin pa nating gwardiya siya at amo niya ako. That is still cheating... for me.

Ang magsama ang lalaki't babae sa iisang bahay ay maling mali na desisyon ni Tanda.

Hindi ko magugustuhan ang lalaking ito. Pero paano kung siya?

Nabahala ako sa iniisip ko. Hindi naman siguro. Mahilig magbiro ang lalaking ito kaya sigurado akong mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Iniinis niya lang talaga ako.

"Ano ba! Bakit mo kinain lahat?!" sigaw ko nang makababa ako galing taas. Naligo pa kasi ako.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at binato niya sa akin ang isang envelope. Pinulot ko ito sa sahig dahil hindi ko nasalo. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat sa loob.

Reeca,

Can we meet today? I don't know your number because I lost my old phone.

May numero niya sa ibaba nito kaya tinawagan ko siya.

"Hello, Reeca?" Bungad ko at naupo sa high chair na katabi lang ni Hero.

Inabutan niya ako ng kutsara para subuan ng niluto namin. Nagkunot noo ako at umiling sa ginawa niya. Kinain ko na rin naman dahil inilapit kasi nito sa bibig ko. Nagpatuloy na siya sa pagkain niya.

"May sasabihin ako sa iyo. Importante." Napakunot naman ang noo ko dahil sa tunog ng pananalita niya. Alas syete na nang gabi. May problema ba? Bakit ang seryoso niya ata?

Binabaan niya ako ng tawag kaya tumayo na ako at umakyat pa sa kwarto.

"Saan ka naman pupunta?" tanong sa akin ni Hero nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Pake mo?" agarang sagot ko.

Excited ako ngayon. Makikita ko na rin si Reeca. Pinsan ko siya kaya lagi kaming magkasama kahit noong bata pa kami. Ngayon kasi ay napahiwalay kami nang dahil sa daddy niyang pumanaw. Tumutulong siya sa pagpapalago ng trabaho niya kasama si Tita, ang Mommy niya.

"Lalabas ka na ganyan ang suot?" takang tanong nya.

"Oo. Akala ko ba ayos lang sa 'yo ang mga ganito?" takang tanong ko sakaniya at nagperfume.

"Ayos sa iba. Hindi ko sinabing ayos sa'yo." katwiran niya.

Inirapan ko siya at tinignan muli ang suot ko. Mahabang manipis na white shirt at short-shorts ang suot ko. Natatakpan ang shorts ko pero ayos lang naman. Gusto ko lang magayos ng konti dahil magkikita na kami ni Reeca. Masyado iyong strikto sa suot ko. Ayoko naman mabaling ang usapan namin sa suot kong hindi niya gusto dahil kaniya iyong gusto kong pagusapan. Miss na miss ko na siya.

Nagulat ako ng sumunod sa akin si Hero.

"Sasama ka?" takang tanong ko.

"Hindi mo ba nakikitang madilim na?" inis na tanong niya.

"Bakit? Hindi mo ba nakikitang ang tanda ko na para bantayan mo pa?" taas kilay kong sabi at naglakad na. Malapit lang kasi dito ang pagkikitaan namin ni Reeca.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon