Chapter 9

146K 4.7K 332
                                    

Chapter 9

"Oh talaga? Ako rin, andito lang 'tong kamao kong handang-handa nang suntukin yung pagmumukha mo." inis na sabi ko. Nagsmirk s'ya sa'kin.

"Oo na. Biro lang."

"May topak ka ba?"

"Wala naman."

"Good," sagot ko at binalik ang tingin ko sakaniya. "So, saang bansa ba ang gagayahin natin ng suot?" tanong ko habang nasa baba ng rooftop ang tingin ko. Kitang kita ko ang field mula rito sa taas. Atsaka masarap rin ang ihip ng hangin dito.

"Africa," napatingin ako agad sa kaniya. Natawa ito. "Biro lang."

Ghad. Akala ko totoo iyon! Magrereklamo ako kung ganoon.

"Pero ano nga?" kulit ko sa kanya.

"China."

"Seryoso?"

"Hmm, Japan yata eh." Hindi siguradong sagot niya at sumandal sa dingding.

"Sarap mong kausap ah."

"Salamat."

Nagba-byahe kami ngayon. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero hinayaan ko na lang siya. Tumigil kami sa may kalakihang bahay at pinagbuksan niya ako ng pinto.

Umangat ang tingin ko sa bahay. "Kaninong bahay 'to?" tanong ko.

Hindi na niya ako sinagot pa at nag doorbell na ito. Maya maya ay pinagbuksan na kami ng isang bakla.

"Darling! Napaaga yata ang dating mo!" sigaw ng bakla. Yayakapin na sana ng bakla si Hero pero umiwas ito.

"Paulo," may pagbabantang sabi nito. Itinuro niya ako. "Iiwan ko itong babae sa'yo. Turuan mo maging babae," aniya at nilingon ako. "I'll be back, okay? You can trust this guy so you don't have to worry, brat. He's kind." pagkukumbinsi niya sa akin. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.

"Pretty! Maganda ka bakla ha! Pero hindi ko maintindihan iyang suot mo kaya aayusan kita. Tuturuan kita maging babae!" natatawang lait sa akin ng bakla.

I faked a smile bago lumapit kay Hero para bumulong. "Do I really have to do this? That's why I'm freaking against with this, jerk."

"You told me it was okay so it means you are not entirely against with this. Why you taking it all back?" nakakunot nitong tanong. "Maiiwan na kita dito. Aalis na ako." aniya at sumakay na sa kotse niya at mabilis na pinaandar ito.

This is insane!

And unfortunately, iniwan niya akong kasama itong baklang ito. Pinapasok na niya ako sa loob ng bahay niya. Dahil madaling mangalay ang paa at tuhod ko ay umupo na ako sa kanilang sofa at hindi na hinintay pa ang permisyon niya.

Nginitian niya ako at inabutan ng tubig. Ininom ko iyon habang nakadako ang mga mata ko sa maraming gowns na nasa harap kong upuan. Mayroon ring nakasampay at naka-hanger pa ito.

Maya maya ay pinatayo niya ako sa hindi malamang dahilan. Lumapit kami sa naka hanger niyang gown. Inabot niya ang pulang traditional dress ng japanese. Nakita ko rin ang katabi nitong panglalaking suot na traditional japanese rin.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon