Chapter 1

294K 8.1K 1K
                                    

Chapter 1

Tahimik kaming kumakain sa hapag kainan nang biglang nagsalita si tanda.

"Titira kayo sa isang bahay, ipapasundo ko lang kayong dalawa ng gwardya mo. Sabihan mo lang ako kung may problema kayo," seryosong sabi ni tanda.

Natigilan ako sa pagkain saka nanlalaki ang matang tinignan ang walang pakealam na gwardya na ito. That's bullshit. Why do they have to protect me? It's not like I am the President's daughter!

He just watched me intently. Nakakainis ang aura niya. His built told me that he doesn't listen to  anyone's opinion. Tipong respetadong tao ang kaniyang tayo. I'm not sure if I'm the only one who can notice that.

"Hoy tanda, ano nanamang kalokohan yang tumatakbo sa utak mo? pumayag na nga akong magkaroon ng sunod-sunurang gwardya, tapos pagsasamahin mo pa kami sa iisang bahay? Ano 'to, gaguhan?" napatayo na ako sa sobrang pagkaasar. Ano bang problema ni tanda bakit nagkakaganito to? Pinapalayas na ba n'ya ako?

"Kapag sasagutin mo pa ako ng pabalang Jamaica. Baka makikita mo na yang sarili mong hubo't hubad na naglalakad sa labas." Tignan lang natin kung kaya niya. Akala niya papayag ako sa kalokohan niya? Of course not!

"Tch. Kailan ba" mahirap na no? Baka totohanin ni tanda, ayoko namang magkanda-letse-letse yung buhay ko.

"Ngayon na. Kaya mag impake kana..." sambit niya.

Nanlaki ang mata ko.

"Ngayon na?! As in, now na?! No!" sigaw ko.

Nababaliw na siya. Nababaliw na talaga siya! Ayoko!

Nakahiga ako sa kama ko habang hawak hawak ang phone ko. Gabi na at nasa bagong bahay na kami.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Kinaumagahan ay narindi ang tainga ko sa ingay ng buzzer galing sa pinto. Tumayo ako at matamlay na binuksan ang pintuan ko.

Hindi ko mamulat mulat ang mata ko dahil inaantok parin ako. Naramdaman kong may pumitik ng noo ko. Napakunot ang noo ko sa inis. Pagmulat ko ay nakita kong may nakasandal na lalaki sa may kaliwang gilid ng pinto na ipinagtaka ko.

"You need to wash up," anito.

Who... Naimulat ko ng todo ang mata ko ng makita ko ulit yung pogi kong bodyguard. Pogi? Did I just say that? Well... I must say he's attractive. He's hot, too. Pero inuutusan niya ba ako?

"And who are you to tell me what I should do?" Tumaas naman iyong isang kilay niya sa sinabi ko.

"You'll be late. Maligo ka na..." aniya at aaktong aalis na.

"Ayoko nga. Maliligo ako kung kailan ko gusto." mataray kong sabi.

He licked his lips at nilingon ako ng umiigting ang panga. "It's time for you to wash up." seryoso niyang ani. Akala ko ay bubugahan niya ako ng apoy.

Pero alam kong nairita siya sa sinabi kong iyon. Sino ba 'yung boss sa amin, huh?

"Ayoko."

"What?"

Nilapitan niya ako kaya muntik na akong mapaatras! He really looks powerful. I don't get why he let himself be a bodyguard. Is he poor?

"Wala! Sabi ko ang gwapo mo!" pasigaw kong sabi.

"Tch, alam ko." saka s'ya nakapamulsang naglakad.

W-What?! Masyado siyang confident na gwapo siya ah! Akala mo naman totoo!

Sinilip ko muna ang orasan ko. Napatalon ako sa gulat. Aba ang walangya! Halos mag aalas singko pa pala ng umaga! Talagang inistorbo niya ang tulog ko. Kung kailan kailangan kong matulog ng maayos dahil first day palang naman ng school. Masyado ata siyang nakikialam.

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon