Chapter 5

172K 5.2K 319
                                    

Chapter 5

"Yey!" sigaw ng dalawa ng makarating na kami ng Mall.

Tumakbo naman si Mrych at naupo sa upuan. Pati nga si Nica, tumakbo na rin. Bago pa man ako maka-upo ay napansin ko sa hindi kalayuan si Buddy. Kasama niya iyong girlfriend niya na akala ay mag asawa kami.

I raised my brow a bit before looking away.

As if I had an idea that he was just a bodyguard. I mean, if you would look at him... halatang halata na mayaman talaga siya. Pati ang girlfriend niya ay mukhang celebrity pa nga. Hindi naman siguro papatol iyan kapag hindi niya kalebel.

And speaking of which, they broke up right? I rolled my eyes. Ha... Marupok.

"Parating na 'yung dalawa na 'yun. Matatagalan na naman ng konti daw." aning Mrych.

Pagka-upo ko. Sakto namang patayo na 'yung mga gaga. Pesteng mga babaeng 'to

"Ang tagal mo kasing maupo eh. Ayan tuloy ginutom kami." anila.

"Ako din. Nagugutom ako." sabat pa ni Nica.

"Bakit ako? Hindi?" Seryosong tanong ko. Tumayo nalang ako para makaalis na. "Tara na, kumain muna tayo. Nine, ikaw ang mago-order."

"Ako?" Nakanguso niyang reklamo.

Tinignan ko siya.

"Bakit? Ako ba dapat?"

"Sabi ko nga! Ako!" Mataray niyang sabi at inunahan na kaming maglakad.

Saglit akong tumingin sa kinaroroonan nila buddy.

Pero wala na sila.

"Hoy! Kulang ka ng piso Nica!" sigaw ni Mrych na kanina pa nila pinag-aawayan ang sukli. Nakarating narin sila Nine at Jhezz ngayon.

"Itatapon ko 'tong pagkain sa lamesa kapag magaaway lang kayo. Isa..." I lifted my eyes to look at them.

Natigilan naman sila at nagsimula na ring kumain. Habang naguusap na naman sila ay bumalik sa sukli ang usapan.

"Hindi nga! Dapat 554 pesos 'yung sukli ko tapos kulang ng piso si Nica!" Iritang bulong ni Mrych.

"Why me? Si Jhezz dapat iyong may kulang na piso! Hindi ako!"

At nagsimula na naman ang pagaaway nila habang ako ay patuloy nalang sa pagkain.

Matapos naming kumain ay napagpasyahan naming lahat na manuod ng sine. Ayaw ko sana dahil andoon si Buddy - nakita ko siya bago lang na papasok roon kaso baka mapansin nila na may iniiwasan ako. Lalo na at nakita ni Nica at Mrych ang pagpasok nila sa sinehan. Nakilala pa nga nila kahit na nakakalo ang dalawa.

Oh, heck, wait... What the... Sinong umiiwas kanino? Bakit ko naman iiwasan iyon kung gwardiya ko lang naman siya. Dapat ngayon ay binabantayan niya ako at hindi ang makipaglandian kahit kanino! Anong klaseng gwardiya... Well, hindi ko naman magugustuhan kung may gwardiyang sumusunod sa akin kaya...

Pagkapasok na pagkapasok namin, pinili naman agad ni Nica na maupo sa taas. At sa kawalangyaan ba naman ng tadhana, nasa harapan lang namin ngayon si Buddy at ang girlfriend niya. What a nice sight, honestly...

Ang Pogi kong GwardyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon