04

9 2 1
                                    

Mabilis kong pinatay ang alarm clock sa cellphone ko bago pa ako kalampagin ng mga katabi kong kwarto. Alas singko na ng umaga at kailangan ko nang mag luto kung hindi ay maghapon nanaman akong gutom neto.


Tinali ko ang buhok ko ng messy bun style, agad kong binuksan ang pinto para makapasok ang kaunting hangin. Agad akong nagtakal ng bigas at nagluto, beef loaf nalang ang lulutuin ko, pantawid gutom lang.


No choice ka Mira.


Kinuha ko ang earphone ko at nilagay iyon sa tenga ko, pumili ako ng kanta at napagdiskitahan ko ngayon ang all time favorite kong Eraserhead With A Smile.



Pagkatapos ko magluto ay kumain na rin ako kaagad pagkatapos ay naligo. Medyo mahaba haba ang araw ngayon dahil ngayon palang mag e-enroll si Albie. Pupunta pa yun sa College Dean nila at Student Government Office.



Pambihira. Para naman akong nanay nito ng isang bata kailangan pa samahan sa school kasi first day.


Tiningnan ko ang mukha ko at nilagyan ito ng sunscreen, hindi naman ako kaputiaan at hindi naman ganun kaitiman, tama lang. Ang maganda lang sa kutis ko ay hindi ako tigyawatin.


Nagsuot ako ng high waisted mom jeans at tinupi iyon ng kaunti para makita ang iconic socks na suot ko. Sinamahan ko rin ng plain v neck shirt na kulay itim at pinusod ang buhok ko, humahaba na pala uli ang buhok ko kailangan ko na uli ito bawasan.


Tumayo ako tiningnan ang sarili sa salamin. Mas lalo akong tumangkad tingnan dahil sa suot ko. Tumalikod ako at tinaas ang dalawang kamay para siguraduhing komportable ako sa pagka tuck in nito.


Biglang nagring ang phone ko, tiningnan ko muna bago ko kinuha iyon. Unknown number nanaman, sinong ang tatawag sa akin sa alas sais ng umaga?


"Sino to?" Bungad ko sa tawag.


Mamaya yung mga prank call pala to or mga multo sa movie. Shocks, scary movie ang peg. Lol


"Sungit mo naman! Ako to si Migs."



Huminga ako ng malalim at ni-loud speaker ang tawag. Mag wawalis muna ako bago umalis ng bahay, medyo maalikabok eh. Ilang araw ko na rin itong hindi naasikaso dahil busy sa enrollment.



Teka, paano niya nalaman number ko? Stalker!


"Paano mo nalaman number ko?" Naningkit ang mata ko habang hinahantay ang sagot niya sa kabilang linya.


"Ewan, Si albie hindi ko alam"


Awit tong si Miguel, hindi mo maintindihan kung anong sasabihin eh o kung may sinabi lang man. Paanong malalaman ni Albie ang phone number ko eh nasira ko nga phone nun.


"Napatawag ka?" Tanong ko.


Close na ba kami para magtawagan ng ala sais ng umaga?


Feeling close. Char!


"Sunduin mo raw si Albie, bye." Mabilis siyang nagsalita at agad binaba ang tawag. Aba! Ang kapal ng mukha. Hindi man lang ako pinasagot kung papayag ba ako o hindi. Hindi kasama sa deal namin ang pagsundo no.


Pambihirang tao to. Ang lalaki laki ng bahay hindi makasakay sa tricycle? 20 pesos lang pasahe hanggang sa school.


Muling nag beep ang phone ko. Isa pang unknow number nag nag register dito. Pero text nalang ito.


:Sorry, I don't know how to commute.



Hinilot ko ang sintido ko at umiling, talaga naman! Pag commute lang hindi alam. Papara kalang naman ng Jeep at magbabayaad mahirap ba yun.  Taong alien Albie? Wala sa Manila nun?


More Than this Provincial LifeWhere stories live. Discover now