02

35 18 4
                                    

Tumalikod ako at sumenyas sa kaniyang sumunod sa akin. Walang kahirap hirap niya akong naabutan, sa haba ba naman ng mga binti niya.

Apakamalas talaga.


Hindi kami nagpapansinan, walang umimik sa amin hanggang makarating kami sa Student affair building, huminto ako at hinahantay siyang magsalita.


Tss! Ako ba mag eenroll?


"Oh. Punta kana doon sa loob. Tanong ka sa mga student aid or teachers, tapos dito lang ako." Sabi ko.


Tinuro ko pa ang loob ng student affairs office. Ito ang first step eh, hindi niya pa ata nakukuha ang result ng exam niya eh. Sabi niya kasi lahat wala pa siya.


Teka. Pumasa rin kaya itong tukmol na to?


"Okay. Handa mo na Iphone ko."


Anak ng tokwa.


Sumimangot ako at siya nama'y tumawa. Nagmartsa ako pa papasok ng office. Nakakapikon, lakas mang black mail. Pag ito tinakbuhan ko, nganga ba 'to.


Grrr!!


"Aaron Billie Suarez." Sinigaw niya ang pangalan niya, muntik ko na malimutan ang pangalan niya sa sobrang inis.


Aaron Billie Suarez. Siraulo!
Kung pwede ko lang sabihin yun sa kaniya eh.


Pumunta ako sa malaking white board. Nakapaskil doon ang mga passers, anak ng pusa hindi ko alam yung course niya. Kakainis nanaman, sayang sa oras.


Uutos nalang kasi hindi makokompletuhin. Sana hindi makapasa! Para kung sakali huling pagkikita na namin ngayon.


Tumakbo ako at hinawakan ang palda ko, ganda ganda ng outfit ko ngayon naka leather akong palda at loose shirt tuck in tapos papatakbuhin niya lang ako.


"Wow, the flash?"


Nakaupo lang siya, crossed arms at nakasilong sa tent kasama sa mga ibang estudyante nag aantay. Ang iba'y tumitingin sa kaniya. Halatang pinag uusapan siya.


"Tss." Seniorito!


"Oo bakit? Nang aasar ka pa. Hindi ko alam course mo." Pag rereklamo ko sa kaniya napa 'o' ang bibig niya at tumawa ng bahagya.


Hayop na lalake to, close ba kami? Para ngisi ngisihan niya ako ng ganiyan.


"Petroleum engineer." Nakangiti niyang sabi. Ano bang nakakatawa sa mga sinasabi niya. Nakakapikon, sarap bangasan.


"Hi, I'm Rhea." Napalingon ako sa likod ko. Isang babae ang lumapit sa kaniya. Kaya naman pala tumatawa, nakikipag landiaan pala sa babae sa likod ko.


Tumingin siya sa akin sandali bago tumingin sa babae. Humihingi siguro ng privacy! Kapal.


Umalis na rin ako. Kailangan kong matapos to ng mabilis. Mag aapply pa ako sa Jollibee sana lang tumatanggap pa sila ng part time job. Wala na akong grocery sa boarding house e. Kababayad ko lang ng boarding house rent kaya wala akong pera ngayon.


Kaya kailangan na ng work. May isang buwan pa bago magpasukan. Mapapalayas ako nito kung hindi ako makakapasok sa kahit anong trabaho.


Hinanap ko ang letter S sa listahan ng petroleum engineer, kunti lang sila kaya agad ko rin nakita.


"Suarez...


Nakapasok siya sa listanan. Pasado.


Umismir ako. Sayang naman, sana sa HTU nalang siya nag enroll total kayang kaya niya naman tuition doon. Sayang ang mga aspiring students na naubusan ng slot. Iphone nga hindi ininda eh.


More Than this Provincial LifeWhere stories live. Discover now