PROLOGUE

82 18 4
                                    

"Okay, class dismiss."


Agad na tumayo ang mga estudyante ko. Ang iba'y dali daling lumabas na nag uunahan sa pintuan, ang iba naman ay nakaupo pa rin nagkekwentuhan.


After 4 years of studying ito na ako ngayon, licensed professional teacher. Masaya at na fulfill ko ang dreams ko. Masaya dahil nandito na ako. Masaya dahil kahit papaano'y may napatunayan ako.


"Hi Ma'am"


Napalingon ako at nakita ko si Miguel sa pintuan. Gwapong gwapo sa suot niyang corporate attire. May dala dala siyang packed lunch at hindi matanggal na ngiti.


"Yieee si Ma'am hindi pa amining sila talaga ni Kuya Migs." Pang aasar ng mga estudyante kong babae.


Umiling at ngumiti nalang ako, si Miguel naman nag high five sa mga palabas kong estudyante. Minsan talaga'y inaantay nila si Miguel sa pagdating tuwing lunch time para lang asarin kami.


Sanay na kaming asarin ng ganito, matagal na rin kasi kaming mag kaibigan ni Miguel kaya hindi na rin maiiwasan yun. Wala naman silang ibang nakikitang lalake kasama ko kaya siguro ganun.


"Ma'am, pumapayat kana. Kumain na tayo."


Pumasok siya at umupo sa harapan ko. Tamang distansiya lang para magkaharap kami. Nakangiti lang siya na parang naka- stapeler sa mukha niya.


"Sinagot kana ba ng nililigawan mo kaya hindi mawala ang ngiti mo?"


Umiling siya at sinubo nalang ang kanin sa kutsara niya. Kahit naman inaasar kami, alam namin sa sarili naming magkaibigan lang kami. Si Miguel may nililigawan ako, boyfriend ang  white board.


"Hindi mo pa nga ako sinasagot eh." Agad siyang tumawa sa biro niya.


Umiling nalang ako at kumain na rin ng binili niyang Siomai rice sa labas. Walang pinagbago, siya pa rin ang dating Miguel na nakilala ko. Ang pinagkaiba lang, hindi na siya maarte ngayon. Kumain na siya ng siomai rice sa labas ng university namin at umiinom na ng ice water galing sa gripo.


"Si Albie pala..


Nasamid ako sa pangalang narinig ko. Nakakabingi, ang sarap palitan ng tenga ko. Mukhang nasisira na ata uli.


"Kumakain tayo migs oh, don't talk if your mouth is full"


Alam niya ang tinutukoy ko, si Albie. Hanggat maari ayoko na marinig ang pangalan na yun. Marami ng nangayari, 5 na taon nang lumipas. Hindi na iyon babalik pa.


Ang totoo magkaibigan sila ni Miguel. Mas matagal silang mag-kaibigan kesa sa akin. At alam ko rin namang nag uusap silang dalawa. Pero hinigi ko kay Miguel na wag na niya itong babanggitin kaya hindi ko alam kung ano nanaman nakain nito ni Miguel.



"Hoy Mira, kakainin ko itong Siomai mo bahala ka diyan."


Bumalik ako sa wisyo at uminom ng tubig. Nawala ata ang gana ko sa pagkain nung narinig ko ang pangalan ng tao na yun. Nakakawala na talaga ng gana.


Limang taon na Albie hindi ka pa rin bumabalik. Sana nabusog ka sa pangako mo kasi lahat yun kinain mo.


"Hoy! Nabubuhos na ang tubig mo."


Agad akong napatayo at inaalis ang tubig sa pencil cut ko. Tumayo rin si Miguel para tingnan kung okay lang ako. Inabotan niya ako ng panyo at dali daling pinunasan ito, mabuti at kulay itim ang nasuot ko ngayon kaya hindi masyadong halata.


"Umuwi kana babyyy..." Kumanta siya at agad ko siyang binato ng mineral water. Tumawa siya at nagkunwaring nasaktan.


Umiling nalang ako at hindi siya pinansin. Wala na dapat balikan pa sa amin. Hindi naman naging kami kaya bakit ba manghihinayang? Bakit pa ba aasa? Matagal na akong naka move on sa mga pangakong ako nalang ang humahawak.


"Si Albie kasi —


Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Miguel. Ayoko nang makarinig ng kahit anong balita sa tao na yun. Hindi ko na siya kilala at wala na akong pakialam pa.



"Alam kong kaibigan mo siya pero please lang Miguel."


Hinarap ko sa kaniya ang tinidor at nagtaas siya ng kamay niya, tumawa naman ako at binaba ang kamay niya.


"Ayaw mo talaga malaman?"


Inulit niya pa uli. Sinamaan ko siya ng tingin at tumawa siya ng malakas. Siraulo!



"Bahala ka, napaka mature mo. Aalis na ako, may meeting pa kami. Stressful maging anak ng may ari ng kompanya hindi ako makapag relax. Feeling ko hindi na ako makakapag asawa."


Humalik muna siya sa pisngi ko at bago umalis. Araw araw nalang siyang problemado sa opisina nila. Palibhasa hindi pa nagseseryuso sa buhay, anak mayaman. Walang dapat ikatakot.


Nag suot ako ng PE uniform ng department namin. May darating daw na bisita galing sa Manila. Titingin daw ng sports facility namin dito sa University.


"Ma'am Sheldon, sino po ba ang dadating?"
Tanong ko.


Ang tanging alam ko lang eh kakilala raw ni Sir Villar, head ng department namin. Sports enthusiasts daw kaya magbibigay ng pondo sa amin.


Napakabait.


"Ewan, pero sabi ni Sir Jandi gwapo raw."


Hindi man lang niya ako natingnan dahil busy siya mag make up. Ganun din ang ibang teachers kahit lalake, nag aayos ng kwelyo at medyong gusot na uniform. Siguro'y malaking bisita ang dadating.


Dapat din ba akong mag ayos? Itatali ko nalang siguro ang buhok ko ng pony tail para kung sakaling mag physical activities kami hindi na ako mahihirapan.


"Nandiyan na raw sa may Lobby. Umayos na kayo."


Umayos kami ng upo at may kaniya kaniyang ginagawa. Umubo si Sir Clint at tumawa kami ng bahagya. Napaka peke paminsan minsan. Kadalasan kasi maingay ang department namin dahil sa togtogan.


"This is our office Mr. Suarez"


Hindi ako tumingin o ano man. Hindi ako gumalaw. Parang unti unting bumigat ang katawan ko sa pangalang narinig ko.


Mr. Suarez


Sana nagkakamali lang ako. Maraming Suarez sa mundo.


"Good afternoon." Bumati ang co-teachers ko, huminga ako ng malalim at inangat ang ulo.


Be professional Mira. Bulong ko sa sarili ko.


"Hi, Im Albie Suarez."


Halos bumagsak ang balikat ko nung masilayan ko ang bisita namin.


Bakit bumalik ka pa?

More Than this Provincial LifeWhere stories live. Discover now