01

42 17 3
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the product of author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NOTE: There will be grammatical errors and typos that you will be read along the way. Hoping for your kind consideration and understanding.

This story is UNEDITED: Kung perfectionist ka po, baka hindi para sayo ❤️ Wag mo nalang po basahin :) Thank you. GODBLESS!

- - -

"Smile."


Ngumiti ako at hinantay ang go signal ng lalake bago umalis. Sa wakas at officially enrolled na ako sa PSU.


Nag antay ko ng 5 minutes para ma-process ang ID ko. Sana lang at maayos ang mukha ko doon, medyo nagmamadali kasi ang staff. Sa dami ba naman ng estudyante gustong matapos na ang enrollment.


Napangiwi ako nung nakita ko ang ID picture ko. Bakit ba ganun no? Iba talaga ang mukha sa ID. Hay!  Panget!


Deadma nalang wala naman titingin diyan.


Huminga ako ng malalim at hinipan ang kaunting bangs kumakalat sa bandang mata ko. Finally! Natapos rin ang pasakit ng enrollment. Halos mapaltusan ako kakahanap ng room, admin, teachers, cashier, papers at iba pang bagay para sa enrollment ng freshmen. Buti nalang at nakapasa ako sa PSU admission test kung hindi, hindi ko rin alam kung saan ako mag aaral.


Salamat at college na ako, apat na taon nalang!


Kinuha ko ang phone ko at nag picture. Ganda ng araw oh, sun-kissed nga sabi nila. Hinanap ko ang matinding angle ko at nag picture. Tinago ko sandali ang phone ko nung may dumaan, syempre no nakakahiya yun. Tinatablan din minsan.


Tiningnan ko ang pictures, napaikot ang mata ko at napamura. Pambihira, hirap maging pangit or average. Wala lang man maayos na pics. Binura ko yun at nilagay ang phone ko sa bulsa.


Kakain talaga ako sa Jollibee nito, final na! uubusin ko muna yung 200 ko. Kanina pa ako gutom sa pila dahil takot akong malagpasan. Sa dami ba naman  ng estudyante nag eenroll no, hassle kung pahina hina ka.


"Ay puchhha"


Napatalon ako nung nakita kong may lumipad na cellphone sa harapan ko. Hinawakan ko ang braso ko at hinilot ito, medyo masakit ito ngayon dahil sa pagkabangga.


Hindi ako tumingin sa nakabangga ko at pinulot agad ang phone niya. Wow, yaman naman. Iphone.


"Clumsy."


Napa angat ako ng tingin sa isang lalake, naka hoodie siya ng itim siguro'y nalalamigan? Ewan. Pakialam ko.


Nagtaas ako ng kilay at hinarap siya, pambihira ibang klase tangkad nito. Kung matangkad na ako sa 5'7 ano nalang to, giraffe ba ang lalakeng 'to? Hindi lang siya basta matangkad, malamlam din ang mga mata niya at makapal ang mga kilay, matangos ang ilong at merong perpektong panga.


"Miss.. hey."


Luh! Natulala ba ako sa harapan niya? Nakakahiya ka self. Pumike ako ng ubo at tumalikod ng bahagya. Inayos ko bag ko at buhok ko.


More Than this Provincial LifeWhere stories live. Discover now