Note

7.7K 150 13
                                    

P.S.: Una sa lahat, I apologize sa napakaconfusing na epilogue, I've tweaked it and edited para hindi na maguluhan ang susunod na magbabasa, thank you sa mga sinubukang intindihin parin.


. . .


Okay, from here on I thank you,


Thank you, thank you, thank you,


Salamat, ang babait niyo guys.


MARAMING SALAMAT TALAGAAAAAA QAQ ALAM NIYO BANG KAYO ANG NAGING INSPIRASYON KO TALAGA PARA MATAPOS 'TO?(hindi si crush, hindi talaga) KAYA WORTH IT LANG AKONG LUMUHOD LUHOD PARA KAYO'Y PASALAMATAN.

I know, the title itself looks like the story will be jeje right? I know MOST of you ay na-turn off dahil baka mamaya kagergeran lang ang story na 'to at hindi worth basahin, pero tinry niyo parin..


..yung chapter 1. Tsineck niyo kung mali ba ang pagiging judgemental niyo(i know naman na hanggang reading list lang ang abot ng storyang ito.) Pero hindi, actually na-PROVE nga niya na pang-jejemon lang talaga yung story, bakit? Hindi naman pang-jejemon ang writing? Hindi naman ako gumagamit ng symbols or signs para mapakitang pang kalye ang writing style ko? Guys, admit it. Sa pick up lines palang ang KORNI na. Nakakasuya kagad ang ka-sweetan nila Christine at Ryan nung chapter 1, kaya maiisip niyo nalang na pareho lang siya sa ibang story at predictable na. Edi sige, kayo na yung author.


I did plan to change that. I really did. dinagdagan ko pa nga yung content ng chapter 1 para masabi kong worth it na siyang basahin kahit isang chapter lang yun, alam niyo namang nag-umpisa lang ang FBLA sa simpleng one shot na 'Flappy Bird O Ako' at 'Flappy Bird Nanaman' diba? at ang original ngang nangyari talaga sa one shot ay nagtampo lang si Ryan kay Christine at nagbatuhan lang sila bigla ng pick up lines, TAPOS. Pero dahil maraming nagbasa ng one shot nayun ginawan ko pa ng second shot, at may nagbasa nanaman.


One time tinanong ko yung kaibigan ko kung ayos lang ba ang mga one shots stories na ginawa ko, ang mas nagustuhan daw niya talaga ay yung FBOA at FBN sa lahat, at mas maganda daw ang FBN dahil may conflict. napag-isipan ko namang dagdagan pa, kaso ayoko na ng ONE SHOT ulit, kundi SHORT STORY na.


I thought of the plot, the conflict, love triangle, the break up, the space they needed, the time, and their progression. Actually nauna ko pang iimagine yung ending bago ang lahat. I planned to make it less dramatic and more fun. pero dahil nga hindi ko forte ang comedy, naging madrama siya tuloy.


It took 36 chapters lahat?! Kahit ako nagulat, hindi ko po siya ineexpect.

Patuloy kong sinasabi sa sarili ko na di na siya aabot pa ng thirty pero nangyari nga, tapos yung malala, naging HIATUS pa yung story(kung kailan patapos na!) dahil lang sa nadistract ako sa isang manga na binasa ko. At akala ko pa nun wala ng readers na magt-tyaga pang basahIn yung story dahil sa katangahan ko, pero thank god at meron parin, sila yung mga LOYAL readers ko talaga, At lahat kayo inaacknowledge ko.(It boost my days to see demanding comments even though it irks me sometimes. Sorry po tao lang.)


Hindi ko man kayo nacocomment lahat, pero natutuwa ako sainyo, kulang nalang ivideo ko pa yung pagluha ng mata ko para i-prove na sobrang touch ako sainyo :'c


And for that, I'm really grateful sainyo.



THOSE HUGOT MOMENTS.


I REALLY PLANNED TO TELL YOU ONE DAY KUNG SAAN SAAN KO NAPULOT LAHAT NG MGA NAPULOT KO DITO SA STORYANG 'TO.


On the process to write chapter 3, nagdalawang isip pa ko sa magiging pangalan ng karibal ni Ryan, it was supposed to be MARKELL actually(pangalan ng pogi kong classmate, haha!) pero naisip kong napakabaklang pakinggan kaya naging "Tristan"(ewan ko ba, natandaan ko nalang ang pangalan ng crush ng friend ko.)


I have NO idea kung bibigyan ko pa ba ng mga sidekicks-este kaibigan si Christine, kaya humugot nalang din ako sa mga kaibigan ko, yep, RL friends ko(at alam ko namang hindi nila 'to mababasa kaya okay lang!) Even Nichole's name. kapatid ni Christine, name ng friend ko(kamukha ko naman kasi talaga siya sa RL.)


The name Christine and Ryan comes from my delusions, opkurs last year iniisip ko lang yung kras ko, experimental(trip trip) lang talaga ang FBOA at one shot lang naman talaga siya kaya binigay todo ko na(tutal ako naman ang author sa sarili kong storya so hindi ba pwedeng lubos lubosin? Hihi) pero nahiya narin ako at gusto ko narin palitan dahil hinahunting na ni crush yung story ko(wattpader rin siya e) kaya may pagkagusto ko narin tong burahin kaso sayang naman yung 3 minutes kong pagtatype at pagb-brainstorming ko nung araw nayun. Wapakels nalang ako(pero please sana hindi niya mabasa 'to ;A;)

Iniisip ko na talaga na magkatuluyan si Therese at Tristan sa simula palang na ginawa ko yung mga characters nila, kaso 'di ko naman aakalaing may papatol pala sa TrisTine kaya inulit ko siyang basahin at pati ako naging fan narin nila, SERYOSO, tipo ko rin yung mga ugali ni Tristan, yung tipong guy next door at napakacharming na considerate at parang loyal na loyal sayo? Nako nainlab narin ako sakanya! Kaso kung papalitan ko yung pinlano ko pakiramdam kong hindi ako marunong magsulat. Magsulat ng desente at yung kung ano talaga ang nasa isip ko.


IDK why, pero to tell the truth pati ako nagulat sa ginawa kong "plot twist" na magkapatid sila Ryan at Tristan, seriously! Habang nagsusulat ako naiiba na ang pinaplano ko! That's the reason the drama was stretch, pero their break up was planned, but not the 'blood related' part. Kaya nga nahirapan din talaga ako kung paano ko i-rereason out ng maayos ang conflict ni Ryan at Tristan. Kaya nga medyo hindi ko narin siya binigyan ng deal sa dulong parte.

Naiirita ako sa sarili ko, plano ko sa story na 'to ay GAG, as in, full of humor! Pero dahil nga my writing SUCKS hindi ko na-justify ng maayos ang humor niya, and made it so ma-drama to the point na ang sarap sakalin si Christine dito dahil sa saksakan niya ng drama!(don't you agree?) I didn't want her to be all depressed THAT much, but she did. At mas lalo lang ako nairita sa progression ng story. Sorry I have no huge imagination to fill the gap. Hanggang doon lang ang kinaya ng powers ko.


But anyways. Thank you sa pagbasa mo nito hanggang dulo! Hindi ito mapapansin kung wala ka. Alam kong cliche masyado ang pagpapasalamat ng ganito pero ganun lang talaga, katotohanan siya, kaya nga sobra ang salamat ko sainyo.


. . .


Extra chapters sa susunod, SOFTCOPY? Sa susunod.

CREDITS to the picture that I've used in multimedia :)

follow @SacchiiLoves on twitter

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon