Game 29- Therese

18.3K 260 52
                                    

Parang kabute naman kung sumulpot siya! Napansin kong mabilis tumakbo si Christine paalis sa classroom habang dala lahat ang gamit niya, nawalan na nga rin siya ng oras magpaalam pa sa'min, inayos ko na muna ang mga reviewer ko pabalik sa bag habang hinihintay ako nila Angel sa labas, inayos ko muna ang buhok ko(na paulit ulit nang nalalaglag sa mukha ko) at napalingon sa upuan niya,

Yes, tama nga ang iniisip mo Therese, umalis na siya.

 Napataas nalang ang kilay ko habang sinasarado na ang zipper sa bag ko, wala nga siya pero nandito parin ang mga kaibigan niya. Nakita ko silang nagtatawanan sa gilid ng whiteboard, talking about Valentines.. perhaps,

Yes, Valentines nga diba Therese? Ano nang nangyari sa chocolate na ginawa mo?

Para saan pa ang saysay kung wala narin naman pala siya para ibigay ko pa, edi kainin ko nalangNapahigpit ang hawak ko sa paperbag na dala ko, para naman akong tanga, diba pag Valentines ang mga babae pa ang binibigyan? Bakit parang ako pa ang naghahabol sakanya? Kahit na alam ko pang may gusto na siyang iba, kaibigan ko pa ah. Gaano ba ako ka-masokista?

Pinag-aralan ako ng mabuti para hindi maging gaga, sinikap kong makatungtong sa top para hindi mahusgahan, pero sa ginagawa ko para lang akong naghahabol sa sarili kong buntot.

Naiinis ako sakanya simula palang nung nakita ko siya nung Grade 4, first day pa talaga. Naiinis parin naman ako pag naaalala siya,

Nasa gate ako kasama si mama, hinatid niya ako papunta dito sa school. Dahil first day ko palang mas secure siya kung ihahatid niya ko sa araw nayun, nang makarating na ko sa campus iba't ibang mga studyante ang nakakalat do'n, Nakabraces palang ako at that time(dahil hilig ko na ang retainer nung grade school) tapos parang pang-nerd pa ang ayos ko noon dahil mahaba pa ang buhok ko, ponytail at nakasalamin ang trip ko. Hindi ko naman alam na may maiinis sa ayos ko,

"Ano ba yang suot mo, para kang nasa bukid." napataas kagad ang kilay ko bago lumingon sa taong malakas makapanghusga, naka-gel pa ang buhok niya dahil nakaangat ng konti ang bangs niya, sa kaliwang balikat niya dala ang bag niya, at feel na feel naman niya ang lagay na'yun ah, loose ang kanyang kwelyo, nakapamulsa at ngumunguya ng chewing gum, akala mo kung sinong hari ng tondo.

Excuse me po, ano din ba yang itsura mo, pang-boy tambay? Gusto ko sanang sabihin kaso biglang lumapit sa likod niya ang isa pang lalaki na―hindi sa ubod―ng gwapo ang porma. desente lang, walang ka-gel gel sa buhok at maayos ang damit niya.

"Ano ba yan Tris, ganyan ka ba magtanong?" hinawakan niya ang balikat ni boy tambay  at napatingin sakin,

"Hello, alam mo ba kung saan yung room 201?" tinanong niya sa'kin, para naman akong gaga habang nauutal sa pagsasalita,

"Ah, oo! Uh.. s-samahan ko na kayo." hindi naman ako makalingon sakanila habang naglalakad paakyat ng hagdanan, 'di ko alam kung namumula ba ang pisngi ko or what, pero kinilig ako sa pangalawang lalaki na nagpakita, hindi ko naman expected na magkakacrush na 'ko sa unang araw ng pasukan. mahigpit ko nalang hinawakan ang straps sa bag ko habang binibilisan ng konti ang paglalakad, hindi ko rin alam kung sumusunod ba sila basta't ang gusto ko lang ay yung makarating na sa classroom ko.

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon