Game 10- Dodge Ball Dilemma

29.2K 339 37
                                    

           "Paparating na ang sembreak niyo, kaya gamitin niyo na ang mga oras na yon para magreview sa mga darating na exams." payo nanaman ni sir samin.

"Opo."

Binalik na niya samin ang quiz namin nung tuesday, as expected bagsak ako huhu, pero buti nalang hindi zero, naka tres pa ko! thank you multiple choice! thank you essay! Sumilip ako sa quiz ni Tristan kahit alam kong mataas siya.

Pero ano to? Bakit ang baba?? Bihira lang siya magkaroon ng passing grade..

"Tristan anong nangyare?'di ka rin ba nakapagreview?" nung pagkasabi ko nun bigla nalang niya tinago ang papel niya sakin.

"Wag ka ngang tingin tingin diyan, eh ano ba ang score mo?"

"Tsk, wag mo nang alamin yun." tinago ko narin ang quiz ko, anong nangyari sakanya? kahit naman 'di siya nagrereview may stock knowledge naman siya ah? Ewan ko ba. Pero atleast, dahil sa tulong niya sakin nung isang araw at kahapon, sa tingin ko kaya ko na ang mga tanong sa quiz!

 "Oh, magququiz na tayo ah. Game ka na ba?" nagthumbs up siya sakin.

"Game na!" sabi ko at nagthumbs up narin sakanya, at sinimulan na namin magsagot sa mga tanong.

Nakakaiyak! Kung iisipin, lahat ng mga nireview sakin ni Tristan kahapon nandito! Kayang kaya ko na nga ang enumeration eh, kaso sayang multiple choice lang. Wew feeling ko naman tumalino na 'ko, thank you talaga Tristan~ ngiting asong ulul pa nga ako habang nagsasagot eh. Ang nakakatuwa, parehas pa kaming natapos ni Tristan.

"Thank you talaga!" bulong ko sakanya dahil yung ibang students nagtetest pa, ayaw ni sir na maingay.

"Treat mo ulit ako." biro niya.

"Haha, gusto ko sana kaso wala na kong pera eh." nagpatuloy lang kami na nag-uusap hanggang sa pinasa narin namin ang mga papel namin. Nilapitan ko pa nga sila Therese kung kamusta ang quiz.

"Mahirap! Nakakainis 'di ko nareview yung iba!" pagrereklamo ni Chelsea.

"Yung akin ang problema ko lang ay yung sa question number 2." sabi ni Therese.

"Oo nga, ano ba yung sagot sa 2?" tanong ni Angel.

 "Monifera yun." sabi ko.

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon