Game 5- Afternoon Rain

34.5K 338 32
                                    

Ano ba ang mali ngayong araw na 'to?

"Oy anak! Kumain ka na nga! Kanina mo pa tinititigan yang pagkain mo. Sayang favorite mo pa naman tong ulam." sita ni mama saakin habang ako ay lutang ang isip, may nagsasabi talaga sakin na parang may nakalimutan ako, ano ba kasi yun?

"Ayaw mo ate? Akin nalang!" litanya ni Nicole, parehas din kasi kami ng gusto.

"Nicole, may pagkain ka pa. 'wag mo ng kunin yung sa ate mo." sabi ni papa.

"So, anong sinabi sayo ni Ryan kagabi?" pag-usisa ni mama, pati si papa napatingin saakin.

"Ma, wala naman eh. Yung.. tungkol sa school lang." nagsimula na 'kong kumain.

"Wala?" tanong ni mama, si papa naman ay bumalik ulit ang tingin sa pagkain niya.

"Wala." pagtatapos ko sa interrogation ni mama at tinawag si manang. "Manang, pwede pong pabukas ng TV?"

Ginawa naman yun ni manang at naabutan namin ang weather forecast. Sabi doon na may paparating daw na ulan, sinabihan na 'ko ni mama na magdala ng payong pero naisip ko lang na baka mamayang gabi pa naman yun. Pumasok na 'ko sa school na hanggang ngayon ay nalilito parin sa gumagambala sa isip ko. Nang makita ko si Tristan sa hallway na naglalakad binati ko na siya.

"Morning."

"Morning din. Oy, yung treat mo?"

"Huh?"tinignan ko siya na may pagtataka, bigla nalang pumasok sa isip ko ang deal ko sakanya. "Ahhhh.. yung DQ? Pwede bang bukas nalang?"

"Bukas nanaman? Sinungaling ka talaga, 'di na ko maniniwala sayo kahit kailan." inisnaban niya ko at naglakad papalayo sakin.

"Uy, Tristan! Bukas nalang please? Bukas talaga. Promise nayun!" pero 'di siya lumingon sakin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Buong recess 'di man lang ko nililingunan, ni konting tanong ko lang sakanya ay umiiwas na siya, inusog pa nga niya ang upuan niya papalayo sakin eh. tapos nung second subject nakipagpalit pa siya ng upuan sa kaklase ko. Grabe naman, ganun ang lalim ng galit niya sakin?

Eh pano naman kasi si Ryan. Nangako din ako sakanya eh, atsaka nakalimutan ko lang ang deal namin. Ang arte pa kasi ni Tristan eh.

"Class, may pair activity tayo." sabi ni sir, yes! Buti nalang! Sasabog na 'tong utak ko sa paghuhula dito sa mga tanong eh, atleast aasa nalang ako sa kapartner ko. Sinuri ko ang classroom at namimili na kung sino ang pwedeng maging kapartner, syempre pinipili ko yung mga matatalino hwehwe. "Kaya ang magiging ka-pair niyo na ay yang mga katabi niyo."

Flappy Bird Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon